Chapter 19
Reasons
[Now playing...]
How you like that by BLACKPINK~DAY 4~
Ika-apat na araw ko na sa serbisyo. Ika-tatlong araw ko na bilang tutor ni Lysander at unang araw ko palang bilang PA nya. Araw ng sabado ngayon... At ang ibig sabihin lang nun ay gaganap na naman ako bilang PA (personal assistant).
Nakasuot lang ako ngayon ng isang faded jeans na may butas sa tuhod. Sneakers na sapatos na birthday gift ni Mikee sakin last year. At isang black plain t-shirt. Naka bun ang buhok ko kasi mainit at tirik ang araw. Dala dala ko sa balikat ko ang malaking bag ni Lysander na naglalaman ng mga mahahalagang gamit nya at kung ano ano pa.
And so yeah, andito na nga ako sa isang lugar kung saan magtataping si Lysander. Nagpalit na sya ng damit ng naayon sa karakter nya, suot nya ay isang leather jacket na itim, jeans na itim at sapatos na puti.
Ang act na kukuhahan nila ay tumatakbo daw si Lysander na hinahabol ang sasakyan ng babaeng mahal nya na aalis daw patungo ng ibang bansa, hindi daw alam ito ni Lysander kaya huli na ng malaman niya ito. Sa kakatakbo nya ay ay nagkabungguan sila ng babaeng tumatakbo din dahil hinahabol naman siya ng mga lalakeng tambay sa kabilang kanto dahil napagkamalan daw yung babae na magnanakaw kasi panay daw ang tingin nito sa bawat bahay na madadaanan nya, may pagka boyish din kasi ang babae na nakasuot lang ng simpleng short na itim na abot tuhod, t-shirt na malaki na kulay yellow tapos naka cap pa at naka tsinelas. Ito daw ang simula ng love story ng dalawa. Yun ang kukunan nilang eksena. Nakakainggit nga eh...
Sya kasi ang bida sa isang pelikula at yung leading lady na si Mia Peñaflor. Napaka ganda nya lalo sa personal. Masyadong manipis ang labi nyang kulay mala rosas. Maputi rin at ang kinis ng balat nya, mala porselana din tulad ng kay Mikee, medyo may katangkaran, ilong na kay tangos, mahaba ang maitim nyang buhok, kilay na parang drawing kasi manipis lang ang kilay nya pero bagay naman sakanya. Ang ganda nga nya kahit na anong suotin nya, lalo na sa suot nya ngayon.
Naisip ko rin na di hamak na mas maganda naman si Mia kaysa kay Zue pero si Zue talaga ang nagustuhan ni Lysander. Support sana ako sa relationship nila pag si Mia sana ang niligawan nya kahit na masakit para sakin. Marunong naman akong magpaubaya.
Marami kasi ang nag request na netizens na sila daw ulit sana ang magkasama sa iisang pelikula at sinang ayunan naman iyon ng direktor nila.
Nakahanda na ang mga camera man at iba pa. Nagbilang din hanggang tatlo ang direktor ni Lysander na si Direk Mawi. And after that? The acting begins...LIGHTS CAMERA ACTION! Ang taping daw na ginagawa nila ngayon ay para daw sa darating na MMFF (Manila Movie Film Festival) sa December pa iyon at kakasimula palang ng July ngayon. Inagahan lang nila, mas maaga mas better daw. Marami daw silang itatape kaya todo kayod sila para makuha ang pinaka perfect at the best na act. RomCom din kasi ang uri ng pelikula nila. Kaya nga habang nanonood lamang ako sa actual na taping nila ay hindi ko rin mapigilang matawa. Minsan ay nakaka take 1 o take 2 lang si Lysander. Napaka natural nga nyang tignan pag sa personal at actual mo syang nakikitang umaarte.
Hindi ko rin mapigilang mapahanga sakanya. Nakakahanga naman talaga ang angking galing nya sa pag arte. Kaya hindi na nakapagtataka na maraming syang natatanggap na sunod sunod na projects at pelikula. Nag break muna sila Lysander. At bilang isang PA niya ay nilapitan ko sya at inabot ang isang bottled mineral water. Pinunasan ko rin ang pawis nyang namumuo sa mukha niya gamit ang isang puting tuwalya.
Kahit na medyo may galit ako sakanya ay hindi ko parin mapigilang mapatili at kiligin sa kaloob looban ko!
Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin aber? Kayo kaya lumagay sa posisyon ko, tignan ko lang kung di kayo mangisay sa kilig. Idagdag mo pa yung nung pag inom nya palang nung tubig ay matutulala ka sa paggalaw ng adam's apple nya habang linulunok ang tubig!
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...