Chapter 28
May namamagitan...
[Now playing...]
Mic drop by BTSKakalabas lang namin sa condo ni Mikee. Papunta na sana kami sa elevator ng biglang nag ring ang phone ko sa bulsa ng mini skirt ko.
Lysander calling...
Kumalabog ang puso ko ng mabasa kung sinong tumatawag.
"Sino yan Kath?"-nagtatakang tanong sakin ni Mikee habang inaayos yung sintas ng sapatos nya.
"Si Lysander"-tipid kong sagot.
"Oh sagutin mo na yan. Baka malate pa tayo sa school. Hintayin kita dun sa may elevator ah? Bilisan mo."-tumango lang ako sakanya kaya naman naglakad na sya patungong elevator.
Bakit sya tumatawag?
Psh! Itinatanong ba yan Kath? Syempre sasabihin o ibabalita nya sayo yung magandang balita tungkol kila Zue...ibabalita nya sayo na sila na. Ibabalita nya sayo na nagbunga yung advice mo sakanya...ginusto mo yan diba? Oh ayan! Panindigan mo!
Nagdadalawang isip man na sagutin ko ang tawag ay sa huli. Sinagot ko pa rin iyon. Kung ano man ang sadya nya sa biglaang pagtawag nya sakin ay hindi ko alam. Kung masasaktan man ako sa sasabihin nya sa tawag ay hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Siguro halo halo yung mararamdaman ko. Yung tipong hindi ko kayang i handle yung emosyon na nararamdaman ko.
"He-hello? Ma--i mean. Sir??? Napatawag ho kayo?"-naautal kong sagot sa kabilang linya.
Nagsisimula na kasing mamuo yung luha sa mata ko. Hindi ko pa man alam kung anong sadya nya ay nasasaktan na ako.
"[Kath....]" -nanindig ang balahibo ko sa boses nya.
Kakaiba kasi ang tinig ng boses nya. Ngayon ko lang narinig ang ganitong klaseng tinig ng boses nya. Nakakakilabot. Parang...parang may kung ano sa boses nya na nakakapag papaalala sakin. Hindi ko alam kung anong tunay na nangyari. Pero pakiramdam ko. Mukhang may masama syang ibabalita sakin base sa tono ng boses nya. Walang kagana gana nyang binigkas ang pangalan ko.
"Si-sir??? Ba-bakit po??"-hindi ko maiwasang maibigkas ko ng may pag aalala ang bawat salita sa tono ng boses ko.
May narinig ako na kung anong nabasag sa kabilang linya. Kinakabahan tuloy ako sa nangyayari sakanya ngayon.
Narinig ko syang suminghap bago nagsalita.
"[Wa-wala na Kath...wala ng pag asang maging kami...wala na rin namang patutunguhan tong ginagawa ko kaya...i let her go...ang akala ko...mild lang yung mga reasons nya kaya nya ako nireject...pero hindi eh. Tinanong ko sya ng ilang beses gaya ng sabi mo, kung may iba ba talaga syang mahal. Ang sabi niya oo. At kahit na ilang beses ko man syang tanungin...walang nagbabago sa sagot niya.... ganto pala ang pakiramdam? Yung marinig mo na lahat ng gusto mong marinig. Parang nakahinga ka ng maluwag na medyo masakit? HAHA! Baliw na ba ako Kath? Bumalik kana dito sa mansyon Kath...yun lang...sinasabi ko lang to sayo para may alam ka sa nangyayari samin. Bukas kana pumunta rito as a tutor ko. Di ko pa kasi kaya ngayon eh. Gusto ko munang mag walwal. Gusto ko munang lunurin yung sarili ko sa alak. Geh. Bye. Yun lang. Ibaba ko na to.]"
"Pe---"
*Tot *tot *tot *tot
Ibinaba na nya ang tawag. Sasabihin ko sana sakanya na hindi sagot ang alak para mawala yung sakit na nararamdaman nya sa kaloob looban nya.
Naaawa ako sakanya. Pero hindi ko magawang maaawa sa sarili ko. Nasasaktan kasi ako pag paulit ulit kong naririnig sa utak ko yung tono ng boses nya. Nasasaktan ako na wasak na wasak sya dahil kay Zue. Nasasaktan ako kasi ganon nya kamahal si Zue.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...