CHAPTER EIGHTEEN

415 14 2
                                    

Chapter 18

20 minutes late

[Now playing....]
Stay Gold by BTS

~DAY 3~

"Pwede bang tantanan moko Chase! Please lang naman oh!"-sigaw ko kay Chase

Wala kami ngayon sa school. Nandito kami ngayon sa bahay ni Lysander malabs. Oo sa bahay nya.

6:50

Yan ang oras kung kailan ako nakadating sa bahay nya dahil lang sa pesteng si Chase. Eh pano ba naman kasi. Kaninang umaga pa sa school si Chase kakakulit sakin at pinipilit akong tawagin syang master (-_-) at ng dahil sa ginagawa nyang pangungulit sakin ay nasigawan ko tuloy sya. Tapos...tapos...nakalimutan ko na nasa loob nga pala ako ng klase ni Mr. Madrigal(T_T) terror pa naman yang si serrr... tinginan tuloy mga kaklase ko sakin tapos idagdag mo pa yung nakatayo ako. Oo, nung sigawan ko kasi si Chase ay napatayo nalang ako sa kinauupuan ko dahil sa sobrang inis sakanya. Si Mr. Madrigal? Ayun, tinanong ako kung masasagutan ko daw yung nasa board (ToT) jusko! Nakakahilo ang mga numero na nakasulat sa board! Eh hindi nga ako nakikinig sakanya nun eh. Math nga kasi...alam nyo namang hate ko ang Math... Tsaka kahit na gugustuhin ko mang makinig ay may isang unggoy na Chase ang walang tigil sa pangungulit sakin. Nung wala akong maisagot sa tanong ni sir Madrigal ay naparusahan ako. SIT ON THE AIR...(-_-) Oo, yan ang parusa nya sakin. Hindi daw ako makakaupo sa tunay na upuan hangga't di natatapos ang kanyang klase, at hangga't hindi pa nya sinasabing dismissal na. Nakaupo lang ako sa hangin...ng ewan ko kung ilang oras na 'kong nakaupo sa hangin. Nakakangawit nga eh. Idagdag mo pang may nakapatong na tig dadalawang libro sa magkabilang braso ko, na mas lalong nagpadagdag ng ngawit(T_T) tapos nung muntikan na akong matumba dahil sa sobrang ngawit ay dinagdagan pa ni sir Madrigal ng dalawang librong nakapatong sa braso ko. So all in all, tig aapat lahat ng libro na nakapatong sa magkabilang braso ko(ToT).

Bakit 6:50 na ako dumating sa bahay ni Lysander imbes na 6:30? Eh ang lecheng Chase kasi...sinundan ako sa condo. Nagpupumilit nga sya eh. Nung sinabi kong hindi ko sya tatawagin nun ay nagpumilit ulit sya na pumasok sa condo namin. Nag aagawan nga kami sa pinto nun. Bale ako, tinutulak ko pasara yung pinto tapos si Chase naman tinutulak pabukas yung pinto. Hanggang sa naipit nga yung daliri nya sa pinto. Dagdag kasalanan ko na naman...dagdag konsensya na naman... Pulang pula yung daliri nya . Magsosorry na sana ako kaso baka may kondisyon na naman syang hihingin kapalit ng hinihingi kong pagpapatawad, kaya hindi nalang. Tapos pinipilit nya akong tawagin syang master. Eh sa ayoko ngang tawagin sya nun eh! Nakokonsensya na nga ako sa ginawa kong pagsakal sakanya nun. Nagsorry na ako. Tapos ganito? Watdahek! Sana pala di nalang ako nag sorry kahit na multuhin ako gabi gabi ng konsensya ko...okay naman sana sakin kung magpa hard to get si Chase sakin. Gagawin ko naman lahat ng makakaya ko mapatawad nya lang ako, pero yung hinihingi nyang  kondisyon? Ang hirap hirap kaya nun! Tatawagin ko syang master? Tapos kailangang ko pang magsunod sunuran sakanya? Gagawin pa kong aso(-_-) letche!

"Sir Lysander, p-pasensya na po kung nalate ako ng 20 minutes. Si Chase po kasi eh"-pagdating ko kasi sa bahay ni Lysander malabs ay sinalubong kagad kami ni Chase na nakabuntot sakin, na diretso nalang daw ako sa library.

"I don't fucking care about your reasons!"-nabigla ako ng sumigaw sya. Ito ang unang pagkakataon na nasigawan nya ako. "Just don't do it again. You know that i hate those late people right? I forgot. You don't know it. So now? You now know it so please? Don't be late again. And if you do? Whatever your reasons is, I won't care listen to it. Your just wasting your time explaining things to me that i won't put an importance to listen with it"-madiin nyang sabi bago ibinaba sa mesa ang librong hawak hawak nya. Parang padabog na ibinaba nya yung libro, yun ang dating sakin.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon