CHAPTER EIGHT

571 18 0
                                    

Chapter eight

               

              _now playing_

               Winter flower

                  (⏪⏸️⏩)

            by: Younha ft. RM

"Mikee. Lilipat ako ng ibang school"-biglang usal ko. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway papuntang cafeteria para sa lunch break namin.

"Bakit?"-tanong ni Mikee.

"Anong bakit?"

"Bakit biglaan? Bakit ka mang iiwan?"-kita ko na naluluha ni si Mikee kaya naman natawa ako sa itsura nya.

"Anong itinatawa tawa mo dyan?"-lumingon sya sakin at inirapan ako. Kaya naman inakbayan ko sya.

"Anong iiwan? Sinong iiwan? Bakit naman ako mang iiwan? Kaya ko nga sinabi sayo to kasi yayayain sana kitang mag transfer kasama ako tsaka hindi ko naman ata kakayanin na iwan ka nalang dito na nag iisa diba? Eh ako lang naman ang bestfriend mo diba? Tsaka anong dahilan? Napag isipan ko kasing lumayo muna kasi alam mo na. Nahihirapan kasi akong nakikita sya. Nung isang araw lang kasi napag isip isip ko na kailangan ko na sigurong kalimutan at ibaon sa limot ang lahat. Kinausap ko na din si mama tungkol dito at pumayag naman sya. Kaninang umaga binanggit din ni mama kay papa ang tungkol dito. Ang sabi ni papa okay lang naman daw, support naman daw sya sakin."

"Ang kapal mo ah! Anong ikaw lang ang kaibigan ko?! Kung aalis ka, kaya ko namang maghanap ng ibang papalit sayo no?"-pangalawang irap na naman nya sakin

Isang irap pa talaga Mikee, dudukutin ko yang mata mo. Psh! Nakakahiligan na nya ang pag irap ah?!

"Hindi ka sasama sakin? Okay lang naman sakin kung hindi"-tinanggal ko sa balikat ni Mikee ang braso ko mula sa pagkaka akbay sakanya.

Nakarating na din kami sa cafeteria. Pagpasok namin sa loob ay hindi pa naman masyadong matao sa loob kaya naman nakahanap kagad kami ng mapupuwestuhan ni Mikee. Iniwan ko muna saglit si Mikee sa table namin habang ako naman ay nagpunta sa counter at nag order ng kakainin namin. Pagkabalik ko ay biglang ngumiti si Mikee dahilan para magtaka ako.

"Anong iningingiti mo dyan ha mikee?"-inilagay ko na sa mesa ang mga inorder kong pagkain. Parehong milk tea, isang sandwich, one cup na kanin at fried chicken lang ang pareho naming order.

"Sige na nga! Sasama nako sayo pero kailangan mokong tulungan na sabihin to kay mommy? Intindi?"-nakangiting tumango lang ako sakanya at sinimulan na nga naming kainin ang lunch namin.

***

"Kailan pala natin aayusin yung papers natin para sa proseso ng paglipat natin?"-tanong saakin ni Mikee. Naglalakad na ulit kami sa hallway para pumasok sa next subject namin para ngayong hapon.

"Si mama na daw ang bahala sa mga papers tsaka bukas na yung last day natin dito sa school"-medyo madami pa ang nagkalat na estudyante sa hallway dahil mga 15 minutes palang kasi bago ang matapos ang lunch break.

"Mabuti nalang talaga at ilang araw palang tayo dito sa school dahil iilan palang ang nakikilala natin tsaka di tayo mahihirapan lisanin ang school nato"-nilingon ko naman sya pero diretso lang ang tingin nya sa daan.

Ilang hakbang nalang sana ang layo namin mula sa classroom namin ng may tumawag sa pangalan ko at tinig palang nya ay kilala ko na ang malanding boses nito. Si Angelica. Tsaka ngayon ko lang narealize na ang pangit pala pakinggan ng pangalan ko pag galing sa bibig nya. Ang sagwa pakinggan.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon