Chapter twelve
Unang pagkikita
[Now playing....]
Mean it by Lauv ft. LanyKasalukuyan akong nakayuko sa armchair ko habang nagbabasa ng libro ng economics. Ng may biglang...
"You"-hindi ko nalang pinansin kung sino yun. Ipinagpatuloy ko yung ginagawa ko ng...
"Hoy ikaw!"-napatingala naman ako kung sino yung sumigaw at yung sumigaw ay yung gunggong na panget lang pala. Panget na nga, asungot pa!
Nilingon ko naman ang nasa likod at nasa gilid ko. Walang tao sa loob ng classroom bukod samin. Wala din kasi si Mikee dahil sya nalang ang pinapunta ko sa canteen para bumili ng makakain ko dahil may dalaw ako ngayong araw. Sa dinami dami ba namang araw bakit ngayon pa? Hindi tuloy ako nakapagdala ng whispher with wings=_= mabuti nalang talaga at may extra si Mikee...Tinuro ko ang sarili ko.
"Sino pa ba? Nakikita mo namang walang ibang tao kundi tayo lang diba? Wag ka ngang tanga"
=_______________=
Isang ulit pa nyang sabihing tanga kundi masasakal ko tong gunggong nato! Meron ako ngayon at wag nyang subukang painitin ang ulo ko't baka mapatay ko talaga sya!
Ayaw na ayaw ko pa naman yung ginugulo,kinukulit at kung ano ano pang iirita sakin kapag meron akong dalaw dahil bigla nalang akong sumisigaw at nagagalit out of nowhere. Pms (pre-menstrual syndrome) daw tawag dun sabi nila.
Tinignan ko siya with watching poker face. Tinignan ko sya sa paraang sya na yata ang nakakawalang ganang tao na nakausap ko.
"Oh? Kailangan mo sakin panget na asungot?"
"What did you just say?!"-nakita kong umigting yung bagang nya.
Nice nice
"Ang sabi ko anong kailangan mo sakin panget na asungot"-pag uulit ko.
Napabuga sya ng hangin sa sinabi ko at dinuro duro ako. Hinawi ko naman yung daliri nyang nakaduro sakin.
"Ang lakas ng loob mong ulitin pa!"
Nakakunot noo ko syang tinignan.
"Sabi mo anong sabi ko diba? Kaya inulit ko. Baka kasi bingi ka kaya naman naawa ako sayo, pasalamat ka nga inulit ko pa"-i shrug my shoulder.
Sabi nya 'what did you just say' diba? Kaya naman inulit ko=_= sinunod ko lang naman gusto nya pero sya tong nagagalit=_= punyeta!
"Hindi ako panget okay? And where did you get that word asu--nevermind"
"Asungot"-pagtatama ko sakanya. Hindi nya ba alam ang salitang asungot? Asungot na ngalang di pa alam=_=
I heard him sigh.
"Alam ko ang ibig sabihin ng asu--errr.Let's stop arguing. Come with me"
Wait.what?! Bakit parang pangjowa yung sinabi nya? Eh kasi naman! Sabi nya 'let's stop arguing. Come with me' diba ang weird nun?! Parang magjowa lang na nag aaway tapos biglang kumalma yung lalake tapos sabay sabing wag na tayong mag away at sumama ka nalang sakin. My god! Tsaka bulol ba sya? Hahaha bulol!
Napalayo ako ng kaunti sakanya. Nakita kong napapikit na sya sa inis.
"I said come with me"-kalmado ngunit may otoridad nyang sabi.
Bigla ko namang tinakpan yung sarili ko gamit ang kamay ko at naibato ko sakanya ang libro ng economics at bag ko.
"Pervert! Pervert! Perv--"-naputol yung walang kamatayan kong sigaw at paghahampas sakanya ng hawakan nya ang kamay. Hinila ko kagad yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...