cHApTeR fOUr
Now playing...
Energetic(⏩▶️⏪)
by: WANNAONE
First day of school, here I come!
Haaaay parang kailan lang nung magsisimula palang ang bakasyon namin tapos ngayon? Balik na ulit sa eskwela.
Sa isang linggo na natitira ko ay ginugol ko iyon sa pagbobonding namin ni mikee. Sumasama ako sakanya sa pag mamall...na sya lang ang gumagastos...hindi nya kasi ako pinapayagang magsayang ako ng pera...pero sya nga itong gasta ng gasta...=_=.
Nagkaroon pa kami ng family bonding between sa family ko at family ni Mikee. Nagpunta kami sa boracay. Mabuti nalang at nakasave naman kami. May papromo kasi ang airlines na pinapabookan nila Mikee kaya hindi masyadong malaki yung nagastos namin. Three days lang din kami roon. Nagplano pa kami na babalik daw kami sa boracay sa susunod na bakasyon at planong mag extend ng one week doon.
Sa loob ng natitirang araw namin ni Mikee bago magpasukan ay sinulit namin iyon. Pumupunta sya sa bahay namin paminsan minsan para makipag sleep over samin. Kadalasan naming ginagawa sa bahay namin ay nanonood ng mga palabas ni Lysander habang kumakain ng popcorn. Minsan naman ay maaga akong pumupunta sa bahay nila para sabay naming gawin yung yoga at daily routine na namin iyon. Minsan din ay hindi nawawala iyong paggala gala namin sa mall at pamimili nya ng sobrang dami, ginamit nya pa yung credit card ng daddy nya dahil naubusan daw sya ng perang dinala dahil sa sobrang daming binili. Halos lahat nga ng mga pinamili nya ay mga limited edition. Tapos nung sabado din ay pumunta kami sa peryahan at sumakay ng kung ano anong rides. Nung sinabi kong sasakay kami ng roller coaster ay panay ang ayaw nya dahil natatakot daw sya pero pinilit ko sya ng pinilit hanggang sa wala na nga syang nagawa kundi sumakay, pagkasakay namin ay nagsisigaw sya doon ng todo todo. Pagkababa namin ay sumuka pa sya. Nakakatawa nga eh. Nung linggo naman ay nagsimba kaming magpapamilya, hindi na nakasama sila kuya Thon at ate Ley dahil meron daw silang ginagawang projects.
Masasabi kong napakasaya ng naging bonding namin ni Mikee. Sobra talaga akong nag enjoy kasama sya.
Ngayon ay nandito na ako sa mesq at kumakain na ng agahan. Maaga akong gumising dahil masyado akong nagagalak sa first day of school namin.
"Baon mo Kath"-may ibinigay si mama saaking isandaan kaya malugod ko naman iyong tinanggap.
Narinig kong may bumubusina sa labas ng gate namin. Titignan ko na sana iyon pero pinigilan ako ni mama.
"Ako na. Ipatuloy mo yang pagkain mo"-utos sakin ni mama. Gaya ng sabi ni mama ay pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"Oh ayan na pala si Mikee sa labas. Naghihintay sayo"-aniya.
Dali dali kong tinapos ang kinakain ko bago dali daling nagsipilyo at lumabas ng bahay dala dala ang bag ko.
"Kath! Tara na! Egzoyted nako!"-natatawang kaway ni Mikee sakin.
Nilapitan ko muna sa mama
"Alis na po ako ma. Bye"-humalik ako sa pisngi ni mama. Kumaway pa ako kay mama bago pumasok sa kotse ni Mikee.
Nasa likod lang ako nakaupo ngayon. Habang nasa harap naman si Mikee, katabi niya si manong driver.
Inalala ko muna kung meron ba akong nakalimutan. Pero mukhang wala naman.
Ilang minuto lang ang naging byahe namin ay nakarating na kami sa school.
Pagkababa namin ay bumungad saamin ang napakalaking gate na may pangalan ng school na 'HUDSON HIGH'
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...