CHAPTER TWENTY-FOUR

430 16 5
                                    

Chapter 24

don't give up on her, though it hurts...

[Now playing...]
Monster by EXO (엑 소)

Continuation...

"Alam mo? Siguro...hindi din maiiwasan para sa isang tulad mo ang masaktan...sabi mo ika nga na 2 years mo syang niligawan. Sa two years na yun. Alam kong marami na kayong mga magaganda at masasayang memories. Hindi naman sa sinasabi kong kailangan mong umasa na meron nga...kasi hindi naman imposible na hindi sya nagkaroon ng feelings para sayo. Base sa sarili kong pananaw kasi...kaming mga babae...madali kaming mahulog, madali kaming mainlove. Sa isang pamatay na ngiti, kindat lang ay maiinlove na kami at may bonus pang mamatay kami sa kilig. Ganun kami eh...Maybe may ibang babae na hindi ganun...Pero kasi, two years kayong magkasama kahit na sabihin na nating hindi man kayo o 'wala kayong label' eh hindi imposible na hindi sya nag invest ng feeling sayo kahit konting porsyento. Siguro may dahilan sya kaya ka nya nireject. Hindi naman kasi pe-pwedeng wala diba? Sa bawat desisyon kasi natin may laging nakaipit na dahilan at rason kung bakit ako nagdesisyon ng ganto, ganyan...Siguro wag ka munang sumuko sakanya..."-sabi ko.

Parang may bumara sa lalamunan ko ng sabihin ko yun. Ang sakit. Sumisikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga. Nangilid ng konti ang mga mata ko.
Pero eto kasi ang tama eh...ayokong lasunin yung utak o isip nya para lang sa pansarili kong hinahangad o gusto. Ayokong gumamit ng mga salita na alam kong masama.

Aaminin kong may kung ano saakin na masaya sa ginawa ni Zue kay Lysander. Pero kahit na ganun...alam ko namang si Zue parin ang mahal nya. Kahit na baligtarin man ang mundo upside down...alam kong sya parin...alam kong si Zue parin ang mamahalin nya.Kahit na nireject sya ni Zue ay may chance na maging kami. Kasi sa simula't sapul palang...alam kong wala talaga eh. Wala.

Ayokong mag take advantage porque na sa ganitong sitwasyon si Lysander. Ayokong maging makasarili. Kaya nga sinasabi ko ang mga litanyang yun para matulungan sya hindi para matulungan ang sarili ko.

Ayoko kasi syang nakikitang nasasaktan. Gusto ko syang tulungan ng sa ganun ay magkaliwanagan silang dalawa. Alam kong sa ginagawa kong to ay sinasaktan ko lang ang sarili ko pero mas okay kasi na ako nalang yung nasasaktan kesa sa sya ang nakikita kong nasasaktan. Kasi kung masasaktan man ako, di naman nya makikita eh. Martyr kung tatawagin pero... at least nagpaka martyr ako dahil may maganda akong hangarin. Alam kong marami na ang martyr sa mundo. Ang iba nga ay ginawa nang santa at santo. Siguro gagawin nila akong santa dahil sa pagiging martyr ko.

Ang hirap kasi para sakin na nakikita syang nasasaktan, umiiyak sa harap ko at nagpapakatanga at nakatunganga kung ano ang rason ng pagreject ni Zue kay Lysander. Walang kaalam alam kung ano nga ba ang tunay na dahilan.

Kumbaga sa isang pelikula o telenovela...may bida, may mga supporting role, may kontrabida, may extra, atbp. Si Zue at Lysander ang gumaganap na bida. Samantalang ako ay extra. Dahil bilang extra...wala akong karapatan na maki apid sa relasyon nila, kontra-bida lang dapat nakikiapid. Extra lang ako. At bilang extra ay gagawin ko lang ang nakasulat kung ano ang nasa script, kung ano ang kailangan kong iarte. Gaganap bilang isang ordinaryong tao sa istorya.

Kung sa totoong buhay naman...para akong naligaw lang ng landas kaya ako naka eksena sa relasyon nilang dalawa.

Fan lang ako at ordinaryong tao lang ako. At dahil naligaw ako ay ang kailangan kong gawin kung ano ang nararapat. Hindi ko maaring kontrolin ang mga bagay bagay. Kaya nga ako nandidito at kasama sya dahil may ang nakasulat lang sa script ko ay kailangan ko lang gampanan ang isang karakter bilang tutor at PA nya. Hindi kasi kasali sa script ang fan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama sya dahil nga may kasalanan akong kailangang pagbayaran. Kaya lang ako nandito dahil sa kotse nyang tinadyakan ko, kaya pinagbayad ako para sa danyos na ginawa ko sa kotse nya. At ang bayad ay ang gampanan ang trabaho ko bilang tutor at PA.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon