CHAPTER THIRTY-FOUR

329 16 2
                                    

Chapter 34

Mga gaganap

[Now playing...]
Inception by ATEEZ

".....So that was our topic for today. Everyone, get one whole sheet of paper and---"

"Excuse me Mrs. Gonzales?"-naputol ang sasabihin dapat ni Mrs. Gonzales ng biglang dumating si Natasha. Iyung presidente ng Academy.

"Oh? Ano ang kailangan mo Ms. Natasha Aragon?"-tanong ni Mrs. Gonzales ng malapitan niya si Natasha.

"Maari ko po bang e-excuse si Ms. Aviola at Mr. Montreal, Mrs. Gonzales? May practice ho kasi sila ngayon ng theater acting."

Nilingon ako ni Mrs. Gonzales saka tinaasan ng kilay.

Isang ulit mo pang taasan ako ng kilay taba, talagang susunugin ko 'yang kilay mo! Bwisit! Ano ba talagang problema sa 'kin ng taba nato?! Huh?! Problema niya sakin?! Ano ba'ng pinaghuhugutan ng galit nito saakin?

"Okay."-maiksing sagot niya.

Nilingon ko muna si Mikee at sinabihan ng..

"Alis muna ako."-mahina kong sabi. Tinanguan lang niya ako at nginitian tsaka nag thumbs up. Nginitian ko rin siya pabalik.

Naunang lumabas si Chase saakin. Prenteng prente siyang naglalakad habang nakasuksok iyong magkabilang kamay niya sa bulsa ng itim na pants niya. Hanggang ngayon ay hindi parin niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniiwasan. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama na ikinagalit niya.

Biglang sumagi sa isipan ko iyong pangyayari two years ago. Iyung scenaryo na iniiwasan na ako ni Caleb. Ganitong ganito iyon.

Inalog ko ang aking ulo at inalis sa isipan ang scenaryo na iyon.

Kampante akong hindi naman siguro ganun ang dahilan kung bakit niya ako iniiwasan. Sana nga ay hindi kagaya ni Caleb itong pag iwas-iwas ni Chase. Sana nga. Sana.

Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit sa balikat ko. Tumayo na ako at lumabas.

"Hi"-nakangiti 'kong sabi kay Natasha.

Ngumiti siya. "Hi."-sagot niya saakin.

Lalakad na sana ako paalis ng...

"Ms. Aviola."-bigla akong tinawag ni Mrs. Gonzales.

Napapikit ako sa inis. Ano na naman ba?

Kainis!

"Mauna ka nalang. Susunod ako."-sabi ko kay Natasha. Gusto kong sabihin sakanya na kakausapin pa ako ng tabatchoy nato.

Nakakahiya kasi kung paghihintayin ko pa siya. Hindi pa naman din kasi kami gaanong close. Gusto ko siyang maging kaibigan. Kawawa din naman kasi siya. Sa tingin ko kasi ay wala siyang kaibigan. Siguro okay lang na makipagkaibigan ako sakanya no? Hindi naman siya siguro allergic sa mga nakikipagkaibigan sakanya no?

Nginitian lang niya ako bago naglakad paalis. Hinarap ko si taba at ngumiti ako. Ng plastik. Anong akala niya? Mag mala anghel ako dito sa harap niya? No way! Ang sama sama kaya niya sakin. Tapos tatratuhin ko pa siya ng maayos? Ano siya? Sinuswerte?

May respeto naman ako sa mga matatanda at mas matanda pa sakin kaso nawawalan talaga ako ng respeto sa taba nato eh! Wala naman akong ginawang masama sakanya para ganituhin ako at hindi tatruhin ng maayos.

"Yes po ma'am?"-ayokong tawagin iyong kompleto niyang pangalan. Bahala siya sa buhay niya. I hate her. Kung ayaw niya sakin, ok fine! The feeling is mutual din naman. Ayaw ko rin sakanya no?! Tss!

"Gusto ko lang klaruhin sayo ng maayos ang lahat Ms. Aviola...na hindi porque kasali ka sa theater acting ay exempted ka sa mga quizzes at activities, Ms. Aviola. Kailangan mo paring magsumite ng mga activities at quizzes. Sa oral recitation at performance...wala ka ng problema doon. Perfect kana kagad sa dalawa. Sa ayun lang, maari ka ng umalis."-nginitian niya ako. Pero alam kong hindi iyon natural na ngiti. Isa iyong pilit na ngiti.

"Tatanda--"bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay tinalikuran na niya ako at tuluyan ng pumasok sa loob ng classroom.

Napabuga nalang ako ng hangin. Manghang mangha talaga ako sa kapangitan ng ugali ng Mrs. Gonzales na ito.

Guro pa man din siya. Ngunit siya pa itong nagpapakita ng kasamaan. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis papuntang gymnasium.

Hindi ko talaga alam kung ano ang ikinagagalit saakin ng Mrs. Gonzales na iyon. Ano ba ang meron saakin at palagi siya galit saakin? Tsk. Hindi ko talaga siya maintindihan.

.
.
.

Pagkadating ko sa gymnasium ay nadatnan ko silang naghahanda. Lumapit ako sakanila.

"Ms. Aviola..."-biglang lumabas mula sa isang puting kurtina si Ms. Abegail.

"Yes po?"

"Ikaw ang unang magpapakilala sakanila. Sasabihin mo sakanila ang iyong tunay na pangalan, pangalan ng karakter na iyong gagampanan."-nakangiti niyang sabi bago inilahad saakin ang isang malaking espasyo sa gitna kung saan ako magpapakilala.

Ngayong unang araw daw kasi ay  ipapakilala muna ang bawat kalahok sa theater acting at sasabihin kung ano ang pangalan ng karakter na gaganapin nila. Kapag two weeks nalang daw bago sumapit iyong araw kung kailan namin ipeperform ang theater acting ay doon lang daw kami magsusuot ng costumes, gagamit ng props, mga palitan ng background at kung ano ano pa. Sa two weeks na nalalabi daw ay magpaparaktis kami na para bang makatotohanan na ang pagpeperform kaso ang kulang lang ang ay ang mga audience. Mga tagapanood.

Huminga ako ng malalim bago pumunta sa gitna.

"Ang pangalan ko nga pala ay Kath Aviola at ang karakter na gaganapin ko ay ang babaeng iniibig ni Romeo na si Juliet."-ngumiti ako bago bumalik sa kanina'y pwesto ko.

Si Chase naman ang sumunod. Naglakad siya ng nakapamulsa parin papuntang gitna.

"I'm Chase Montreal at ang karakter na gaganapin ko ay ang lalakeng iniibig ni Juliet na si Romeo."-poker face niya iyong sinabi.

Pagkatapos niya ay sumunod naman ang iba.

Isang lalake ang naglalakad ng nakatalikod. At pagharap niya ay nanlaki ang mga mata ko ng masilayan ko ang kaniyang mukha.

"Ako nga pala si Caleb Lopez at ang karakter na gaganapin ko ay ang lalakeng magiging karibal ni Romeo sa puso ni Juliet at ang lalakeng nais ipakasal ng mga magulang ni Juliet na si Count Paris."-lumingon siya saakin at kinindatan ako bago naglakad pabalik sa kanyang pwesto.

So siya pala iyong lalakeng tinutukoy kahapon na absent. Siya pala ang kontrabida. Siya pala si Count Paris. Pero bakit naman kaya siya wala kahapon? Kung ano man ang rason kung bakit siya wala kahapon ay ayoko ng makialam. Bestfriend ko parin siya kahit na may nararamdaman siya para sakin. Dati rati naman ay palagi kong alam ang lahat ng nangyayari sakanya. Pero ngayon? Iba na. Marami ng nag iba. Kakaunti lang ang nalalaman sakanya. Ni bahay na tinutuluyan man lang nga niya eh hindi ko alam. Iba na kasi ngayon. Hindi na kami maaring bumalik pa sa dati sa ganitong sitwasyon pero umaasa akong makakabalik din kami sa dati kapag naayos na ang lahat ng ito.

Pero bakit ang bigat sa pakiramdam na sila pa talagang dalawa ang mag aagawan sakin? Bakit parang may tension? Alam kong isang palabas lang ito pero bakit parang ang kakaiba sa pakiramdam? Ako lang ba talaga ito o ano.

Hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko.




To be continued...

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon