CHAPTER FIFTEEN

462 14 0
                                    

Chapter 15

First day and... 5 rules?

[Now playing...]
Beautiful scars by Maximillian

-day 1-

*Ding *dong *ding *dong

Dalawang beses kong pinindot yung doorbell ng biglang bumukas yung gate. Wow...yaman ah! Automatic yung gate!

"Sino sila?"-nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko ang isang babaeng medyo nasa middle 50's ang age.

"A-ko po yung bagong tutor ni Lysander my lov-- este tutor ni sir Lysander... Nasa loob po ba sya?"-muntik pakong madulas! Eh kasi naman nasanay nako na my loves yung tawag ko kay Lysander eh!

"Ah kayo pala. Kanina pa po naghihintay si sir sa loob. Tumuloy na ho kayo"-yumuko pa ang babae sakin. Sobra naman ata ang kagalangan sa katawan ni manang...

"Sige po. Salamat"

Pagkatapos kasi nung klase namin ay dumiretso nako sa condo namin ni Mikee para magbihis. Syempre! Kailangang pagkakita sakin ni Lysander eh presentableng presentable ako....
Ipinaalam ko na rin kay Mikee ang tungkol sa pagiging tutor at P.A ko ni Lysander. Hindi ko pa nga pala nabanggit sakanya ang tungkol dito kaya naman nung nakabihis ako ay tinanong kagad nya kung may date daw ba ako(ー_ー) di syempre ayoko na magpaliwanag pa ng pagka haba haba sakanya dahil bigla rin kasing tumunog yung phone ko at naka receive kagad ako ng isang text message galing kay loves na kailangan ko na daw pumunta sa bahay nila kaya sinabi ko kagad ang totoo kesa naman mapagkamalan pakong merong ka date. So ayun tumango lang sya sa sinabi ko. At boom! Eto nako, nasa bahay na nya ako na halos yung mga mata ko ay lumuwa na sa sobrang pagkamangha sa pagka ganda ganda nung bahay nya este mansion nya. Ang laki laki kasi ng bahay nya tapos tatlong palapag pa yung mansion nya.

Pumasok nako sa loob.

Oo nga pala....hindi ko nga pala natanong dun sa babae kung saan ko makikita at mahahanap si loves...

Pagkapasok ko kasi sa loob ay isang napakalaking sala ang bumungad saakin tapos may tatlong napakalaking chandelier na sumisigaw ng karangyaan. Meron silang iba't ibang klase ng paintings at murals na nakasabit sa bawat sulok ng wall nila. Nilapitan ko ito at  napatakip nalang ako sa aking bibig ng mabasa kung kanino gawa ang painting na iyon.

Isa lang namang painting ng isa sa mga pinakamagaling na pintor sa buong mundo na si Leonardo Da Vinci. At ang kanyang kilalang obra  ay ang the last supper at mona lisa. Alam kong hindi ito fake dahil may lagda pa sa ibaba ng painting na kasama ang pangalan nito.

"Grabe...sa pagkakaalam ko ay mamahalin ang painting na ito..."-bulong ko sa sarili.

Tinignan ko pa ang iba pang paintings. At namangha ako sa sobrang ganda ng mga ito. Katulad ng una kong nakita ay mga lagda ng kung sino ang may gawa din. Hindi ko sinadyang madapo ang tingin ko sa isang picture frame ni Lysander na nakangiti habang sya ay nakaakbay sa pinsan nyang si Chase.

"Nandito bilang tutor ko, hindi para tignan ang mga paintings at picture frame ko"-napahawak pa ako ng dibdib ng biglang magsalita si Lysander.

Nilingon ko sya. Pababa sya ng staircase nila na made of glass. At ohhh??? (♥o♥) (・o・)kung ganto lang sana kaganda na tanawin ang bubungad saakin araw araw ay wala na akong mahihiling pa....🤤bakit ang hot hot mo loves? Lord? Inosente pa po ang utak at mga mata ko lord... Hindi pa po ako handa makakita ng ganto kalaswa at magandang tanawin...pero tatanggapin ko nalang po kasi minsan lang din kasi to, baka di na maulit. Mahirap n---

"Titigan mo nalang ba ako?"-nabalik ako sa realidad ng magsalita si Lysander. At nagulat ako ng nasa harap ko na sya.

Grabe umaalingasaw ang bango nya tapos naamoy ko pa yung--alam kong hindi ako magkakamali pero shower gel ang naaamoy ko at--at sobrang nakakaadik yung amoy!!! Gosh!

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon