Chapter 33
Movie marathon
(N/A; Hindi ho ako perpektong author. Aminado ho ako na may kaunting pagkukulang itong istorya ko. Balang araw, kapag natapos ko na ang buong storya ay e-edit ko ho ito. Yun lang ho. Thanks!)
[Now playing...]
Solo by Jennie of BLACKPINKKagagaling ko lang sa 7/11. Bumili ako ng isang liter na rocky road ice cream. Pagpasok ko sa loob ng condo namin ni Mikee ay tinawag ko kagad siya.
"Mikee!"
"Oh bakit?"
"Fresh na fresh ah?"-galing kasi sa banyo si Mikee nung tinawag ko. Bagong ligo ang gaga. Nakatapis pa ng tuwalya.
"Bakit moko tinawag may problema ba?"-tanong niya habang pinupunasan ang ulo niya ng isa pang tuwalya.
Ipinakita ko sakanya ang dala ko.
"Magbihis kana dali! Mag momovie marathon tayo."-excited kong sabi.
Pumasok muna ako sa dining area at kumuha ng dalawang baso at dalawang kutsara. Bumalik din ako kagad sa sala at ipinatong ang mga iyon sa isang maliit na lamesa.
Binuksan ko na ang ice cream at sinimulang lagyan ang isang baso at yung isang baso naman para kay Mikee. Pagkatapos ay kinuha ko ang isang baso at sinimulang kainin ang laman niyon.
Ibinaba ko muna ang baso. Kinuha ko ang remote control sa tabi ng flat screen tv. Kinuha ko rin ang phone ko at tinap ang app na neflix. Nag scroll ako ng mga magagandang movies. Dinownload ko muna ang episode 1-episode 16 na isang korean drama na ang title ay 'What's wrong with secretary Kim'. Patok ito ngayon dahil romcom ang k-drama.
Kinonek ko ang phone ko sa tv. Pagkatapos ay okay na. Settled na ang lahat. Pagkadating ni Mikee ay naka blower na ang buhok niya dahil hindi na ito basa.
"Wala ka bang tutorial session kasama ang gag--este ang idol mong si Lysander?"-tanong niya habang papalapit saakin. Suot suot niya ang kulay pink na t-shirt na may print na sticker ng paborito niyang cartoons na 'WE BARE BEARS' bigay ko sakanya nung pasko. Ang cute niya tignan suot ang damit na bigay ko.
Yan din ang paborito niyang damit na palagi niyang isinusuot. Tatlong araw pa nga bago niya palitan iyang damit na yan. Di jowk lang. Tatlong araw niyang isinusuot ang t-shirt na yan sa isang linggo pero lagi naman nyang pinapalabhan.
"Nag text kasi siya sakin. Sabi niya, cancel daw muna yung tutorial session namin ngayon. Masyado daw kasi siyang busy. Puno din daw kasi yung schedule niya ngayon. Mga hating gabi na raw siya makakauwi."-paliwanag ko habang piniplay ang korean drama.
Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang isang baso na may laman na ice cream.
"Oh eh isang himala yata ang dumating. Dahil ngayon lang kita nakitang bumili ng isang litro ng ice cream. Anong nakain mo beh?"-sarkastiko niyang sabi.
Sa isang iglap lang ay ubos na ang laman ng baso ko. Naglagay na naman ako ulit ng ice cream sa baso ko.
"Nagpadala kasi ng pera si papa kahapon. Ngayon ko lang nakuha. 5,000 yung pinadala niya sakin. Sobra sobra nga itong pinadala sakin ni papa. Malaki laki na daw yung sweldo niya ngayon kaya niya ako naisipang padalhan."-sagot ko habang kumakain ng ice cream.
Tumango tango lang siya habang kumakain ng ice cream.
Ewan ko lang kung pati ba sila kuya Anthony at ate Kayley ay pinadalhan din ni papa. Tumawag kasi sakin si papa kanina lang. Tinanong niya ako kung nakuha ko na raw ba iyong pinadala niya saakin. Ang sabi din niya ay 'wag ko raw ito ipapaalam kay mama dahil paniguradong magagalit daw iyon sakanya. Ako daw bahala kung ano ang gagawin ko sa pera basta ba'y gamitin ito sa tamang paraan.
Ang bait bait talaga ni papa kahit kelan. Kaya lab na lab ko yun eh! Gusto ko tuloy umuwi samin at yakapin si papa. Kahit papaano ay hindi na ako gaanong nagkaka homesick.
Balak 'kong ibili ng bagong damit, mga sapatos at mga kaunting groceries ngayong linggo. Yung sobra naman ay iipunin ko nalang.
"Bakit isang litro yung binili mo?"-takang tanong niya saakin.
"Ngayon lang naman kasi to. Tsaka mag momovie marathon naman kasi tayo."
Minsan lang magpadala si papa kaya dapat sulitin. Ang sarap kaya ng ice cream. Kahit naman di siya mahilig dito ay mauubos ko naman ito kahit na ayaw niya ako saluhan sa pagkain nito. Sa tingin ko nga eh, kukulangin pa nga ito. Dalawang litro sana yung bibilhin ko. Para cookies and cream yung isa. Kaso baka masabihan na naman ako nitong matakaw.
Bahala nang maging matakas atleast hindi naman mataba.
"Mauubos mo ba yan? Alam mo namang di ko ako mahilig sa mga matatamis."-sabi niya.
"Hindi ka nga mahilig sa matatamis pero ang hilig hilig mo sa maalat."-inirapan niya ako.
Sarap batukan ng babaeng to. Oo nga't di siya mahilig sa matatamis pero ang lakas naman kumain ng maaalat tulad ng chichirya.
"Nga pala. Nakapasa ako."-naalala ko kasi yung audition. Hindi ko nga pala nasabi sakanya to kasi buong araw kaming di nagkita. Buong araw din kasi akong nasa gymnasium.
Sinimulan na rin naming mag practice. Pero kulang kami. Kulang yung kontrabida namin na gaganap bilang Count Paris. Yung lalake na dapat sana'y ipapakasal ka'y Juliet. Absent daw kasi.
"San?"-naguguluhang tanong niya saakin. Ibinaba niya ang baso. Hindi na niya ito sinidlan pa ng ice cream.
Binatukan ko siya.
"Aray! Bakit kaba nambabatok?"-iritang sabi niya.
"Nagtatanong kapa kung saan. Edi malamang dun sa audition! San pa ba?!"-sigaw ko.
"Ah yun ba? Congrats."-inirapan niya ako tapos tinalikuran at hinarap ang tv.
Hinila ko ang braso niya paharap saakin.
"Mag kwentuhan tayo!"
"Sabi mo mag momovie marathon tayo tapos bakit tayovmagkekwentuhan?"-poker face na tanong niya sakin.
"Sandali lang naman!"
"Talk to my hand!"-sigaw niya at nilagay sa harapan ko ang palad niya. Inirapan na naman niya ako tapos hinarap na naman ulit niya ang tv.
Ang bastos ng babaeng to.
"Tss!"-humarap na din ako sa tv. Mukhang wala ngang balak ang Mikee na ito na makipag kwentuhan.
Fast forward...
"HAHAHA! AHAHAHA! AHA-HAHA! WOOO! HAHA! GRABE! NAKAKATAWA NAMAN YANG SI YEONGJUN! GRABE! HAHAHA! GRABE DI NA NIYA PARIN NAKUKUHA YUNG TEDDY BEAR! WEAK! PALAGING NALALAGLAG YUNG TEDDY BEAR!"-tawanan namin ni Mikee.
Fast forward...
"AHA! HAHAHA! BWAHAHAHAHA! BAKIT HINDI NAGPAPALIT NG DAMIT IYANG SI ANO! PAULIT ULIT YUNG DAMIT NIYA! NAGSINUNGALING PA SIYA NA MAGKAKAPAREHO LANG TALAGA YUNG MGA DAMIT NIYA, PERO ANG TOTOO, IISA LANG TALAGA YUNG DAMIT NIYA!!! AHAHA! HAHA!"
Fast forward...
"Nagkakilala na pala sila nung bata pa sila ano? Nung kinidnap sila nung babaeng baliw tapos nag suicide. Iniwan pala si Yeonjun ng kapatid niyang si Seonghyun. Ang sama sama ng kapatid niya! Pero anyway, ang cute ni Kim Miso no? Nung mga bata pa sila? Siya pa talaga yung nagsabi na paglaki daw nila at kapag magkikita daw sila balang araw ay dapat daw ay pakasalan ni Yeongjun si Kim Miso! Awww! Ang cute!"-sigaw namin pareho ni Mikee.
Malapit na kami sa final episode. Hanggang sa matapos namin yung k-drama na sa huling episode ay ikinasal silang dalawa.
Pagkatapos naming matapos yung telenovela ay pinatay na namin yung tv. Inayos ko muna ang sala at inilagay sa kusina yung lalagyan ng ice cream na wala ng laman at yung baso na ginamit namin. Mag mamadaling araw na. Pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Mabilis lang akong nakatulog dahil narin siguro sa antok.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...