Chapter 31
[Now playing...]
Head above water by Avril Lavigne(N/A; Might as well bigyan ko rin ng point of view dito sa chap. nato sina Chase at Lysander. Nakakaawa eh. LOL!)
(Chase's pov)
Kababa ko lang sa kotse kong montero sport. Hawak hawak ko ang susi sa kamay at pinaglalaruan ito
Naglalakad na ako ngayon sa field. Pero napahinto ako ng makita ko 'sya' . Tumatawa habang pilit na hinahabol si ang bestfriend nya sa hallway.
Heto na naman ang peste kong puso. Bumibilis na naman ng malalakas at mabibilis ang bawat tibok ng puso ko. Kahit na anong gawin nya ang lakas ng epekto nya sa puso ko. Kahit isang malakas at mahinhin na tawa o ngiti man lang niya ay nagagawa na n'yang pabilisin at pakabogin ng malakas ang puso ko.
These past few days, hindi ko na siya masyadong pinapansin at nilalapitan. Hangga't maari, iiwasan ko siya habang hindi pa bumabalik sa normal itong puso ko. Ayoko ng ganito.
Kahit na gustong gusto kong lapitan, hawakan o kausapin man lang siya ay hindi ko magawa. Dahil sa oras na gawin ko iyon ay baka pagsisihan ko lang iyon. Baka kasi kapag kinausap o hawakan ko siya ay baka masabi ko sakanya ang tungkol sa nararamdaman ko para sakanya. Ayokong malaman nya ang feelings ko para sakanya. Mas gugustuhin ko pang ilihim ang lahat ng ito at iwasan sya kesa sa malaman nya.
Hindi ko man siya malapitan, makausap kahit saglit man lang dahil nga hindi pwede, ang magagawa ko nalang ay ang tanawin sya sa malayo. Tanawin siya ng ilang metro o distansya ang layo ko sakanya. Tanawin siyang naglalakad habang kasabay niya ang bestfriend niya. Tanawin siyang seryosong nakikinig sa lectures. Tanawin siyang abala sa pagcocopy ng mga lessons sa board.
Minsan iniisip at pinapangarap ko nalang sa tuwing nakafocus lang ang paningin nya sa board. Naiisip ko nalang na sana, white board nalang ako para naman makuha ko ang atensyon nya kahit papaano.
Humingi ako ng permiso last week sa adviser namin na pwede ba akong lumipat ng mauupuan. Ayoko na kasi siyang katabi. Nahihirapan ako. Kapag kasi magkatabi kami baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Nasa harapan ko napiling umupo. Para hindi ako distract kakatingin at kakatitig sakanya. Katabi ko na ay hindi na 'sya'. Katabi ko si Lyka. Ang nerdy girl. Kung merong nerdy boy samin na si Harry, meron ding nerdy girl na si Lyka. Tahimik sya. At walang pake sakin. At masaya ako kasi sya ang katabi ko. Ayokong katabi yung mga malalandi at madaldal.
Katabi ni Kath? Si Harry. Si Harry na ang katabi ni Kath which making me jealous. Well i know na yung tipo ni Harry ay hindi nya magugustuhan. Pero sa tuwing nakikita ko silang nagkakatuwaan wala akong ibang magawa kundi ikuyom ang mga kamao ko at lumabas ng classroom. Alam ko sa mata ng iba, wala namang malisya iyon. Pero para sakin, may malisya iyon. Lalong lalo na nag transform si Harry into something new. It's really shocking na yung dating nerdy boy ay tinagurian nang one of the campus hearthrob dito sa Academy. Alam ko din naman na bago pa maging magkatabi sila Kath ay nag transform na talaga sya nun.
Alam kong napapansin na rin niya yung pag iwas ko. Kasi para sakin, obvious na obvious din naman kasi. Eh pano ba naman, sa tuwing lalapitan nya ako para kausapin ay nag wawalk out kagad ako. Na simula nung maramdaman ko ang pesteng pakiramdam nato ay doon ko na sinimulan na unti unti syang iwasan.
Hindi ko siya masisi kung ano ang iisipin niya tungkol sakin. Bahala siya kung ano ang isipin niya. All i want for now is to save myself from drowning inlove with her.
Nung makita kong paakyat na si Kath sa second floor ay balak ko sanang ipagpatuloy ang paglalakad para pumasok na sa klase pero i choose na 'wag nalang. Hindi ako pumasok. I ditch my class with Mrs. Gonzales.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
SonstigesTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...