CHAPTER THIRTEEN

511 21 1
                                    

Chapter thirteen

Interesting

[Now playing...]
Only one for me by BTOB

"Bilisan mo ngang magsipilyo dyan at sabihin mo na sakin yung totoo"-pilit na kinakatok ni Mikee yung pintuan ng banyo. Nasa loob kasi ako ng banyo para mag sipilyo. Wala naman sana akong balak magtagal. Gusto ko lang talaga asarin si Mikee. Kanina nya pa kasi ako kinukulit tungkol dun.

*Knock *knock *knock

"Alam mo sa kakatok mo dyan baka masira mo pa pintuan ng banyo. Kalilipat pa naman natin dito"-nakaharap lang ako sa salamin.

"Bilisan mo na kasi! Kanina ka pa dyan eh! Tsaka sabihin mo nga! Sinasadya mo na talagang magtagal ka dyan para lan--"-bigla akong lumabas ng banyo kaya naputol yung sasabihin nya.

"Ano ba...ang ingay ingay mo naman! Oh eto na nga oh! Lumabas nako"-lumakad ako papuntang sofa at tinurn on yung flat screen tv. Pipindutin ko na sana yung channel kung saan merong palabas si Lysander ng agawin sakin ni Mikee yung remote.

"Ano ba! Akin na nga yan!"-pilit kong inaagaw sakanya yung remote control pero pilit nya rin itong itinataas.

"Hindi ko ibibigay sayo to hangga't di mo sinasabi sakin yung totoong nangyari"-banta nya sakin habang nakatayo lang sya sa sofa.

Tignan mo tong babaeng to! Sasabihin ko naman talaga sakanya yung totoo! Sya lang talaga yung atat na atat na malaman yung totoo! Can't wait lang ang peg=_=

"Oo na, oo na. So eto na nga..."-at sinimulan ko na nga ang mala fairytale na lovestory namin ni prinsipeng Lysander at prinsesang Kath.

Habang binabalikan ko yung nangyari kanina, hindi ko talaga mapigilang mapangiti at mapasigaw sa sobrang kilig!

"Eh asan na yung mga pictures nyo at autograph nya?"

"Eh bakit mo hinahanap?"

Bwisit nato=_= sinabi ko na nga sakanya yung nangyari tapos titignan at hahanapin  pa nya yung picture namin? No way! Kahit na bestfriend ko sya ay hindi ko ipapakita sakanya o sa kahit na sino yung pictures namin at yung autograph. Dapat in my two eyes ko lang dapat yun. Hindi sa eyes ng iba. Selfish nako kung selfish. Atleast nagiging selfish lang naman ako pagdating kay Lysander my loves=_=

"Para may evidence, tsaka malay ko, baka parte lang pala yun ng mga imahinasyon at daydreaming mo. Kaya mas mabuti na yung sigurado para maniwala ako"

Tss. Gumagawa pa ng rason ang loko! Alam ko naman na interesado sya sa pictures at autograph. Tse! Kahit na sumabog pa tong condo na to, hinding hindi ko yun ipapakita sakanya! As in never! Ang aken, ay aken lang!

"Sige ipapakita ko sayo yun pero aken na muna yung remote"-kita kong nagdadalawang isip pa sya pero ibinigay nya rin sakin yung remote sa huli.

"Hahahaha. Naniwala ka naman! Joke lang yun no! Yoko kayang ipakita sayo yun. Saken lang yun okay? Saken lang!"-yes! Nakaisa ako! Hahaha! Uto-uto parin talaga tong si Mikee kahit kailan!

"Ang daya mo! Sige na kasi...ipakita mo na sakin..."-bumaba pa sya sa sofa. Hinawakan pa nya yung kanang kamay ko pero syempre itinaas ko yung kaliwang kamay ko kung saan hawak ko yung remote. Mahirap na baka, ako na naman ang maisahan ng lokong to... Nag pout pa sya with matching puppy eyes pa.

Sus hindi ko ako madadala sa mga paganyan ganyan mo! Nabiktima mo na ako noon sa paganyan ganyan mo pero hindi na ngayon!

"Ayaw"-pagmamatigas ko

"Sige na kasi...please..."

"Ayaw"

"Dali n--"

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon