Chapter 26
Let me court you
[Now playing...]
Zero o' clock by BTS (방 탄 소녁 난)It's been a week. Isang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Mikee. I mean, ako pa. Isang linggo ko na palang hindi pinapansin si Mikee. Until now...hindi parin nya talaga sinasabi saakin kung sino ang taong yun.
Hindi ko alam kung paano ko nakaya na hindi sya pansinin for two weeks. Siguro dahil inis? Galit? I don't know.
Isang linggo na rin akong hindi na pumupunta sa bahay ni Lysander. Pabor naman iyon saakin dahil hindi pa yata ako handang makita syang muli. Matapos nung mala torture para sakin nung mga inadvice ko kay Lysander. Actually, ako ang nag offer na bigyan ko muna sya ng isang linggo na walang Kath na pumupunta sa bahay nya para mag turo sakanya, na walang pumupuntang Kath sa umaga para maging PA nya. Ayaw nya sana pero pinilit ko. Pumayag naman sya kalaunan.
Hindi ko alam kung ano na ang takbo ng #operation; getZuebackintohisarmsagain...gusto ko mang makibalita dahil meron naman akong numero nya para malaya ko syang text o tawagan kung may nag improve ba sa mission nya, pero hindi ko ginawa. Ayokong marinig yung sagot at ayokong masaktan na naman ako sa mga maririnig na sagot ko na ako mismo ang dahilan.
Hindi ko rin tinatanong si Chase dahil ewan ko ba dun. Dumidistansya kasi sya saakin eh, yun ang pansin ko. Dati naman hindi sya ganun. Sa tuwing hahawakan nya ako bigla bigla syang mapapalayo na parang may sakit akong nakakahawa. Eh wala naman akong sakit. Baka sya? Kasi sa sobrang playboy nya at sa dami nyang babae ay hindi malabo na magkaroon sya ng sakit tulad ng HIV o AIDS pero hindi naman yata iyon nakakahawa. Nakakahawa lang daw iyon pag nakikipagtalik ka sa isang taong meron nun.
Kung sakali mang maging maganda yung kahahantungan nung #operationCHASEZUE at sa wakas ay mapa oo na finally ni Lysander si Zue. Ay hindi ko na itutuloy ang pagiging ala tutor at PA ko. Titigil na ako. Yung kulang na utang ko siguro ay huhulugan ko nalang para kahit papaano ay mabayaran ko sya. Siguro uutang ako kay Mikee para mabayaran ko yung natitirang kailangan kong bayaran. Ayoko ng saktan ang sarili ko. Kapag patuloy ko kasing sinasaktan ang ang sarili ko ay baka mamanhid nalang isang araw ang puso ko. Baka kasi hindi na ako santa kung tawagin. Diyos na siguro dahil sa sobrang pagka martyr ko.
Nga pala. Hindi na ako masyadong active sa messenger o di kaya'y facebook. Kasi hindi ko naman kailangang maki chismis about kay Lysander kasi alam ko naman lahat eh. Except lang kila Zue.
Naglalakad ako ngayon sa hallway. Papasok sa klase. Maaga akong pumasok dahil iniiwasan kong makasabay si Mikee sa pagpasok.
Habang naglalakad ako ay may namataan akong isang pamilyar na lalake na naglalakad paakyat sa second floor ng building ng senior high. Sa first floor kasi ako.
Mabilis at malalaki ang hakbang ko para sundan sya. Pero ng makadating na ako sa second floor ay hindi ko na sya mahagilap. Nanlumo ako. At walang ganag bumaba ulit ng hagdan papuntang first floor.
Baka magkamukha lang?
_____________
(Someone's pov)
Nakapamulsa akong naglalakad sa hallway. Isang hakbang palang ang nagagawa ko para sana umakyat ng hagdan papuntang third floor. Ng may maramdaman kong may sumusunod saakin. Nakita ko sya sa aking peripheral vision. At sya nga ang sumusunod saakin. Maingat at dahan dahan syang naglalakad para sundan ako.
Hindi nya ako maaring makita! Not now!
Mas binilisan ko ang pag akyat ko. Binilisan nya rin ang paglalakad kaya wala akong choice kundi tumakbo. Didiretso na sana ako sa hagdan papuntang third floor pero pinili ko na lamang pumasok sa isang room na pinakadulo para makapagtago.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...