Chapter nine
_now playing_
Love poem
( ⏩⏸️⏪)
by: IU
"Hello po tita, good evening po"-bati ko pagkapasok ko sa mansion nila Mikee. Gabi na kasi ako pumunta sa bahay nila Mikee para samahan syang sabihin kay tita na isasama ko si Mikee na lumipat ng ibang school. May inutos pa kasi sakin si mama kanina kaya natagalan.
"Naku iha tamang tama dahil naghahanda na si manang Lory para sa dinner namin. Halika, samahan mo muna kami"-gusto ko sanang tumanggi pero parang nakakahiya naman kung tatanggi ako diba? Kahit na busog pa sana ako ay pumayag nalang ako bilang pagbigay galang man lang sakanila.
"Oh Kath! It's nice to see you darling"-paglingon ko kung sino ang tumawag sakin ay si tito Alfred lang pala na kasalukuyang bumababa ng hagdan. Pagkalapit nya sakin ay humalik pa muna ako sa pisngi nya at nagmano.
Si tito talaga...darling parin tawag nya sakin until now.
"Gandang gabi po tito"-ngiting ngiti ako nyan.
"Mabuti naman at napadalaw ka"-inakbayan pa ako ni tito habang naglalakad papasok ng dining area nila.
"May sadya lang po"
Pagpasok ko sa dining room nila ay kakatapos lang ni manang Lory maghanda para sa hapunan.
Pagkaupo namin sa hapag nila ay
kinalabit ko naman si Mikee na katabi ko lang.Ganito kasi ang set up.
⬇️Mikee
----------------------
⬇️| 🥪 |
ako | 🍱 🍝 | ➡️tito
|. 🥣 |. Alfred
----------------------
⬇️
tita Mia"Sasabihin ko na?"-tanong ko sakanya. Tumango lang sya bilang sagot pero sinenyasan nya ako na kinakabahan daw sya sa magiging reaksyon ng parents nya.
"Kalma lang. Akong bahala"-bulong ko sakanya.
Huminga pa muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Ah tita tito?"-panimula ko kaya naman mabilis kong naagaw ang atensyon nila mula sa pagkain.
"Ano yun darling?"-takang tanong sakin ni tito Alfred. Tinignan ko naman si tita Mia na nakangiti lang sakin.
Ayokong patagalin pato...
Bigla namang hinawakan ni Mikee ang kaliwang kamay ko sa ilalim ng mesa. Ramdam ko ang kaba na nararamdaman nya kaya naman hinaplos ko ang kamay myang nanlalamig.
"Hihingin ko po sana ang permiso nyo"
"Permiso ng alin?"-tito Alfred
"Gusto ko po sanang isama si Mikee. Napagdesisyonan po namin na lilipat po kami ng ibang school bukas na bukas din"-hindi nagbago ang reaksyon nila tito at tita.
Nakita kong ibinaba ni tito ang hawak nyang kubyertos at pinagsalikop ang mga kamay nya at seryosong nakatingin saamin,habang si tita naman ay nagpunas ng bibig. Napalunok naman ako ng laway.
"May problema ba? Binubully ba kayo sa school? Sabihin nyo sakin. Sino ang nambubully sainyo"-sunod sunod na tanong ni tita Mia.
"Hindi naman po. Ang totoo nga po nyan ay wala pong nambubully samin. Napag desisyonan naming dalawa ni Mikee na gusto namin this time ng something new gusto naming maranasan ang feeling ng isang transferee"-paliwanag ko sakanila.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...