CHAPTER TWENTY-THREE

420 14 4
                                    

Chapter 23

First kiss♥

[Now playing...]
Tempo by EXO (엑 소)

Pagmulat ng aking mga mata ay puti lamang ang aking nakikita.

Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?

Hindi ko inaasahang ang ginawa ni April ang sya'ng papatay sakin. Kung tunay man na nasa langit ako a--

"Kath? OMG! Gising ka na!"-tinig ni Mikee ang naririnig ko.

So ibig sabihin...hindi pa ako patay?

Unti unting luminaw ang paningin ko at naaninaw ko si Mikee na nakadungaw sakin na may ngiti sa labi at may tumutulo pang luha sa mata nya.

"Nasan ako? Buhay pa ako?"-nagtataka kong tanong.

Bigla syang natigilan at parang napawi ang ngiti nya. Huminto din sya sa pag iyak.

"Gaga! Kung hindi lang sana ganyang ang kalagayan mo matagal na kitang binatukan! Ano'ng pinagsasabi mo dyan! Gusto mo na bang mamatay ha?! Buhay kapa! At nasa hospital ka! Hindi mo naman ikamamatay yung ginawa ni April sayo!"-sigaw nya sakin.

Iginala ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa ospital ko nga ako. May nakadikit na dextrose sa kamay ko. Nakasuot din ako ng pang ospital na damit, na isinusuot ng katulad ko na pasyente. May mga prutas sa mesa na nakasilid sa basket na katabi ng kama na hinihigaan ko. May flowers din. Ano ako patay! Hindi naman ako patay para pagdalhan nyo ko ng bulaklak!

Uupo sana ako mula sa pagkakahiga ng biglang sumakit ang katawan ko. Parang tinutusok ang mga kalamnan ko pag gumagalaw ako! Napa face palm nalang ako. Pero WRONG MOVE! Dahil nung nilagay ko sa mukha ko ang palad ko ay napaigtad ako sa sakit! Pati ba naman mukha?!

Wala akong nagawa kundi manatiling nakahiga. Hinintay ko munang mawala yung hapdi sa mukha ko.

"Wag ka kasi munang gumalaw! Napuruhan ka masyado ng April ba yun? Kaya ka namin dinala dito sa ospital. Nawalan ka kasi ng malay. Sorry..."-nagsimula na naman syang umiyak.

"Di na dapat sana kita iniwan ron...*sniff* hindi sana mangyayari to...Nung nalaman ko na nasa hospital ka ay sobra yung pag aalala ko sayo...mas mabilis pa kay flash nung makarating ako dito sa ospital...nung makita ko yung itsura mo na sobrang daming pasa sa mukha at katawan ay napahagulhol nalang ako sa iyak..."-seryosong nyang sabi habang marahan na hinahawakan ang kamay ko.

"Wag ka ngang umiyak dyan...ang pangit mo pag umiiyak eh! Tsaka wag ka ng magsorry...hindi mo naman kasalanan.

Si mama...alam na nila mama at papa to?

Natatakot akong baka nalaman nila mama at papa ang nangyari sakin. Baka kasi bawiin nila ako at i transfer nalang ulit pabalik sa Hudson High. Ayaw kong mag transfer ulit. Masaya na ako rito...

"A-alam ba to nila mama at papa? Alam ba nila ate at kuya to Mikee?"-kinakabahan kong tanong kay Mikee.

"Hindi. Hindi ko ipinaalam ito ng mama at papa mo. At mas lalong wala ring alam ang ate at kuya mo lalo na't nasa Manila rin sila gaya natin."

Nakaramdam ako ng relief matapos marinig ang sagot ni Mikee. Ayoko lang kasing mag alala sila sakin.

"Ilang araw na ako rito?"-tanong ko.

Baka mamaya ilang araw na pala ako rito ng hindi ko nalalaman. Baka ilang araw na akong tulog.

"Pangalawang araw mo ngayon dito sa ospital. Ang totoo nyan, sa infirmary (clinic) dun sa eskwelahan ka dapit dadalhin. Kaso hindi ka kayang tanggapin nila dun kasi masyadong napuruhan ka ni April at nawalan kapa ng malay. Kaya dineretso ka dito sa ospital."-seryoso nyang sabi.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon