CHAPTER FIVE

692 27 0
                                    

ChApTeR fIvE

                  _now playing_

                    (⏪⏸️⏩)

                      So long

                  By: PAUL KIM

"Ma? Wala pa ba si papa?"-tanong ko kay mama pagkababa ko.

"Mamaya pa ang uwi ng papa mo Kath. Nga pala, ihatid mo nga itong pandesal ke tita Malou mo. Ikaw nalang ang maghatid dahil may pupuntahan pa ako"-mama habang abala sa niluluto nyang adobo.

Natakam tuloy ako. Saan naman kaya pupunta si mama? Gayong gabi na...

"Sige na dalhin mo na yan"-utos ni mama. Tumango lang ako kay mama.

Umakyat ulit ako sa taas at kinuha ang susi ng motor, bumaba rin ako kagad.

"Alis na po ako ma"-paalam ko kay mama.

Malapit lang naman talaga ang bahay nina tita Malou kaso nakakapagod talagang maglakad.

****

*Ding*dong

Ilang segundo lang ay lumabas na si tita Malou para pagbuksan ako ng gate. Nakangiti nyang tinanggap ang isang box ng tinapay.

"Salamat iha"

"Naku walang anuman po tita. Sige po alis na po ako"-paalam ko rito pero pinigilan nya ako.

"Hindi kaba papasok muna?"-tanong nito

"Ah wag na po tita tsaka may gagawin pa kasi ako sa bahay kaya hindi na po ako magtatagal"-paggawa ko ng alibi.

Wala naman talaga akong gagawin. Kapag nagtagal kasi ako baka hindi ko mapigilan ang sarili kong kausapin si Caleb. Kaya mas mabuti na siguro ang ganito.

"Ah ganon ba? Sige iha. Mag ingat ka pauwi ah"-nakangiting sabi nito bago isinara ang gate. Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa kasinungalingan ko. Napakabait sakin ni tita Malou pero nakuha ko pang magsinungaling sakanya.

Aktong tatalikod na sana ako ng muntikan ko ng mabangga si Caleb. Naka hoody na jacket ito na kulay abo at nakashort ng kulay itim. Blanko lang itong nakatingin saakin habang nakapamulsa at dahil sa tingin na iyon ay nasasaktan ako. Para akong pinipiraso piraso dahil sa blankong tingin niya. Nagtataka ako kung bakit nakatayo lang sya sa harap ko, saka ko lang napagtanto na nakaharang pala ako sa gate nila kaya naman tumabi ako para makadaan siya. Naglakad na sya papasok sa gate. Napapikit ako sa inis dahil gustong gusto ko syang kausapin.

"Ah"-yun lang ang tanging nailabas ko sa bibig ko. Pinigilan ko ang sarili kong kausapin sya kahit na gustong gusto ko. Nakapasok na nga sya ng tuluyan sa gate nila at wala na akong magagawa pa doon.

Naramdaman kong nangilid na naman ang mga luha ko kaya tumingala ako para hindi magsibagsakan ang mga ito.

Bakit ba naiiyak na naman ako? Buset naman oh!

Pinaandar ko na ang motor ko at umalis na. Pagkadating ko sa bahay ay hindi ko na nadatnan si mama. Nakaalis na siguro. Kakain sana ako ng hapunan kaso parang nawalan ako ng gana kaya mas minabuti ko nalang na umakyat sa silid ko.

Nakakawala ng ganang makita ang pagmumukha nya!

Pagkapasok ko sa silid ko ay pabagsak akong humiga sa kama ko.

Bakit ba kung makatingin sya saakin ay parang isang ordinaryong tao lamang ako sa paningin nya? Na dahil isang ordinaryong lamang tao ako ay wala syang pakialam... Nakakapanliit yung paraan ng pagtingin nya sakin. Kung makatingin sya parang ako na ang isang napaka walang kwentang taong nakita nya sa tanang buhay nya. Hindi nya ba alam na nasasaktan ako? Hindi nya ba alam na nahihirapan ako? Gustong gusto ko syang sumbatan, sigawan, sapakin! Lahat gusto kong gawin sakanya! Gusto kong iparamdam sakanya yung sakit na nararamdaman ko. Oo matalik na kaibigan kami pero yung pagkakaibigan namin...napakalalim na ng pinagsamahan namin...gusto ko syang sumbatan, gustong gusto ko. Kaso hindi ko magawa dahil baka meron lang talaga syang rason kaya nya ako ginaganito..na baka may nagawa akong mali o masama sakanya kaya sya ganito.... Kung ano man ang rason nya ay tatanggapin at iintindihin ko. Hindi yung ganito na iiwas sya sakin at hindi ako papansinin na kala mo isa lang akong hangin sa paningin nya. Kasi ang saket eh! Ang sakit sakit! Tinuring ko na syang parang tunay na kapatid tapos biglang ganito? Sanay na naman ako na hindi sya nagtetext at tumatawag sakin sa dalawang taon nyang panananitili sa states pero yung ganito na andito na ulit sya pero ang lamig ng pakikitungo nya sakin? Yun ang hindi ko matanggap tanggap. Kasi paano ko naman matatanggap ni wala man lang akong natanggap na kahit na anong dahilan kung bakit sya ganito ganyan!

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon