CHAPTER TEN

520 16 0
                                    

(N/A: sa chapter po na ito ay dito makikilala ni Kath ang pinsan ng iniidolo nyang si Lysander:D !!! But wait theres more! Sa next chapter ay magtatagpo na finally ang landas ni Lysander at Kath! Kaya keep reading!)

Chapter TEN

                _now playing_

                      1,2,3

                  (⏪⏸️⏩)

              by: Tj Monterde

"May problema ba Kath?"

"Ha?"

"Ang sabi ko may problema ka ba kako?"-pag uulit nya.

Problema?

"Problema? Ah--wala! Wala talaga. Bakit mo naman natanong?"

"Eh kanina ka pa kasi tulala at walang imik dyan"-sagot nya saakin. Nasa isang waiting shed kami kasi ngayon. Naghihintay para sa susundo kay Mikee dahil nagpaalam pa sya kanina na pupunta daw muna sya ng mall para mamili saka daw nya ako susunduin dito.

Maya maya lang ang may humintong isang sasakyan na kulay itim. Andito na ang sundo ni Mikee at ako na naman ang maiiwan...haaay buhay...

Nagpaalam na sakin si Mikee bago tuluyang pumasok sa kotse. Tinanaw ko pa ang sasakyan nila hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko.

Napabuga nalang ako ng hangin bago pabagsak na naupo sa upuan.

Kainis naman! Mukhang matagal tagal pa yata akong maghihintay rito tapos idagdag mo pa yung ulan na walang tigil...

Kailan pa ba titila to? Makichika na ngalang....

(♥Lysander's ultimate FANSCLUB♥)

                              Me: anong ganap?

Suzzy; ayun, hanggang
             ngayon eh umuu-
             gong parin yung
             balita nila Zue
             at Lysander:-(

                            Me;asan si Minnie?

Kayla; ewan ko dun.
           Class hours pa
           kasi ngayon

Hanggang ngayon pala talaga ay bali-balita parin yung tungkol kila Lysander at Zue... Hindi talaga ako makapaniwala na si Zue pala ay nililigawan ni Lysander. Ano lang kasi eh medyo hindi ko gusto yung pag uugali ni Zue kahit na nasa tv man sya or something...

Magrereply na sana ako kaso biglang nag pop up sa screen ko yung text message ni Mikee.

~Beep~

*One text message receive*

From; Mikee♥

Just wait for me there Kath! I'm on way! See ya(^_-)

Hindi na rin ako nag abala pang magreply dahil wala din naman akong load=_=

Tumayo nako mula sa pagkakaupo dahil ngawit na yung pwet ko kakaupo.

Ilang oras na ba akong naghihintay?

Tinignan ko yung orasan ng phone ko at halos kalahating oras na pala akong naghihintay. Tumila na rin ang ulan at lumiliwanag narin ang kalangitan. Mabuti naman....

*Broooooooooooommmmmm.........

*Broooooooooooooooooommm.....

Ano bang klaseng ingay yun? Tinignan ko kung saan nanggagaling yun at isang sasakyan na sa tingin ko ay mamahaling race car ata na padaan sa direksyon ko.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon