CHAPTER FORTY-ONE

345 21 5
                                    

Chapter 41

[Now playing...]
Life goes on by BTS

(안녕하세요!!! I'm back ulit ;-)

(Shout out sa mga nag comment at nag vote!)

@viloriaroseann
@MheanBisco
@joelnamoc
@ClaireAnnDumaan
@Nekki2005
@VhiaLeeQuilla1

"Arghhhhh...ang sakit sakit ng ulo ko...kingina naman..." Mahinang daing ko habang nakapikit at hawak hawak ang ulo ko.

Sobrang sakit ng ulo ko at parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Taena talaga. Bakit ba kasi ako uminom ng marami kagabi! 'Yan tuloy. Masakit ang ulo ko ngayon.

Anong oras na ba ngayon?

Sinubukan kong tumayo mula sa kama pero natutumba lang ako pabalik sa kama dahil sobrang sakit ng ulo ko at parang umiikot ang paningin ko.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya dahan dahan kong tinignan at nilingon kung sino ang pumasok. Si Mikee lang pala.

"Oh? Ano naman na ngayon ang pakiramdam mo??" Tunog sarkastiko niyang sabi.

"Ayan. Iinom inom tapos hindi naman pala kakayanin...Tss! Diba sobrang sakit ng ulo mo ngayon? Aish...Oh. Heto, gumawa ako ng hangover soup para sayo para naman mahimasmasan ka at mabawasan 'yang hangover at sakit ng ulo mo. Natutunan ko 'to kay Harry kaya kainin mo 'to. Maiwan na muna kita sandali at kukuha ako ng gamot at tubig para tuluyang mawala 'yang hangover mo." Sabi niya sabay lagay ng wooden tray na may lamang isang bowl na may hangover soup at isang kutsara sa tabi ng bowl at naglakad paalis.

"Salamat!" pahabol ko sakanya bago niya pa masara ang pintuan.  Kinuha ko naman yung bowl at kutsara't kinain ang soup na gawa niya.

Ubos ko na 'yung soup nung dumating si Mikee. Tama nga siya, naging maayos ayos na ang pakiramdam ko at nawala na 'yung hilo ko pero masakit parin ang ulo ko.

"Oh? Inumin mo 'to" sabi niya sabay abot sakin nung gamot at tubig. Tinanggap ko naman ito't ininom.

Pinatong ko sa mesa 'yung basong wala ng laman.

"Mga ilang oras lang, mawawala na 'yang hangover mo kaya matulog ka muna." Nakangiti niyang sabi.

"Anong petsa nga ulit ngayon?"

"November 4. Bakit?" nanlaki bigla ang mata ko't natakpan pa ang bibig ko.

"Shit...shit! Shit! Birthday nga pala niya ngayon!" Hindi mapakali kong sabi.

Pero napatungo nalang ako't ngumuso ng maalalang ni hindi pala niya ako in-invite. Diba? Diba? Kainis lang.

"Birthday ng asawa mo?" Sarkastikong sabi ni Mikee.

Ngumuso ako. "Paano mo nalaman? Akala ko ba hate mo 'yun?" Nagtataka kong sabi.

Pinandilatan niya ako. "Oo. Ayoko sa gagong asawa mo na 'yun. Err. Nasusuka talaga ako. So, kwento ko sayo ghorl ha? Para 'di mo ako mapagkamalan na nababaliw na rin diyan sa bibi mo." Inirapan niya ako bago nagsalita ulit.  "So, eto na nga. Habang abala ako kaka-scroll up and down sa facebook, puro 'advance happy birthday our dearest Lysander muah' ang nakikita ko! Like eww? Puro ganun ang mga post na nadadaanan ko sa NF ko kaya nasira ang mood ko't nag log out tapos nag log in sa twitter account ko pero ganun pa din! Can you please tell me, why the hell---bakit obssessed na obssessed kayo dun?" Iritang irita talaga siya habang binabanggit niya ang pangalan niya. Umiling nalang ako 'di siya nasagot.

I don't know why Mikee hates him that much. Noon pa siya ganyan, pero pinabayaan ko nalang din dahil baka ayaw lang talaga niya ang pagmumukha nito.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon