CHAPTER THIRTY-TWO

351 16 3
                                    

Chapter 32

Romeo and juliet

[Now playing...]
Blood, sweat and tears by BTS

Pagkadating namin ni Mikee sa classroom ay wala pa ang subject teacher namin. Meron nang klase ngayon pero kaming mga senior high lang, dahil yung iba pang years ay may audition pa ngayon.

Pagkadating ko sa pwesto ko ay may nakita akong nakapatong sa mismong upuan ko na isang teddy bear na maliit na kulay pink at isang maliit na bouquet of sunflowers na may nakasiksik din na isang dairymilk na chocolate at isang yellow card na nakatupi.

Taka ko namang nilingon ang mga classmates ko. Binigyan ko sila ng nagtatakang look pero lahat sila ay nagkibit balikat lang. May isa namang babae ang nagsalita na hindi ko masyadong close. Si Maggie na palaging may lollipop sa bibig.

"Ako ang naunang dumating dito sa classroom. Pagdating ko nakalagay na 'yan dyan sa upuan mo. Hindi ko naabutan yung naglagay nyan sa upuan mo."-sabi niya bago inilagay ulit sa bibig nya ang lollipop na kulay green tapos tapos ay tinalikuran ako at umupo na siya sa upuan niya.

"Uyyy! Si Kath may secret admirer na!"

"Sana all! Sayo na ang teddy bear at bulaklak, aken nalang yung chocolate! Nyahahaha!"

"Ayieeeee! Ang haba ng hair mo Kath!"

"How to be you po?"

Kantyawan ng mga kaklase ko na halos lahat ay mga babae. Pumula yung pisngi ko ng dahil sa tilian nila. Tapos may isa pang sumingit.

"Sus! Ako naman talaga ang totoong naglagay nyan sa upuan ni Kath. Matagal na kasi akong may gusto sakanya. HAHA joke lang! Ang priceless ng mga mukha nyo!"-singit ni Josh. Tumawa siya na parang walang katapusan matapos niyang sabihin yun. Natigil naman siya sa pagtawa ng walang nakikisabay sakanya sa pagtawa.

"Hindi ba nakakatawa yun? Ang ganda kaya ng joke ko!"-napakamot nalang si Josh sa batok ng talikuran siya ng mga kaklase ko.

Umiling iling nalang ako sa kabaliwan ng isang to.

"Ehem! Penge mamaya ng chocolate ah? Wag kang madamot."-sabi saakin ni Mikee bago siya umupo sa tabi ng upuan ko.

Una kong kinuha ang yellow card at binuksan iyon.

Dear Kath,

          Good morning to you ^_^ i hope na magustuhan mo yung bigay ko. Anyway, dapat personal ko sana ibibigay yan sayo kaso nahihiya ako kasi yung style ko masyado ng bulok yung uri ng panliligaw ko. Alam kong palagi mo ng nakikita sa mga palabas tong mga ganitong pabigay bigay ng teddy bear at chocolates pero di bale na nga! Wala akong pake kong bulok yung style ko basta ba maipahayag ko lang sayo ng maayos yung nararamdaman ko. Kung dati puro pulang rose yung bulaklak na binigay ko sayo ngayon sunflower naman para maiba. Hindi ko sinulat yung tunay na pangalan ko kasi natatakot akong baka basahin to ng mga kaklase mo. Ayos ba?
Sige yun lang. I love you.

                                    
                                       Your male bestfriend♥

Nanindig yung balahibo ko ng mabasa ko yung huling three words ng message nya. Dati naman niya akong sinasabihan ng ganun pero sadyang kakaiba ngayon. Dahil ba mag bestfriend pa kami dati? Kaya ngayon na alam ko ng may feelings sya para sakin ay parang kakaiba na para sakin at weird nang pakinggan?

Bumuntong hininga nalang ako bago isinilid sa bag ko yung yellow card at chocolate na bigay ni Caleb. Yung teddy bear at bulaklak? Itatabi ko nalang. Bahala na yung mga teachers kung ano iisipin nila kung bakit may dala dala akong ganto.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon