CHAPTER THIRTY-FIVE

418 17 1
                                    

Chapter 35

(N/A; Sorry sa mga nag abang sa update ko!!! Sorry talaga! Tsaka sorry din kasi isang chapter lang ang in-update ko pero di bale hinabaan ko naman ang chapter 35. Sobrang busy ko lang talaga these past few days....)

[Now playing...]
Who says by Selena Gomez

Nakaupo kaming lahat habang naka squat kaming lahat at gumawa kami ng isang bilog para magkaharap kaming lahat. Malaki laki din ang bilog na nagawa namin dahil marami rami kami. Kasali saamin iyong mga extra sa theater acting.

"Natasha Aragon. I know all of you, heard the rumours about me. I just want to clarify that i'm not a slut. I don't care and i don't give a damn for those people. Wala akong pake kung ano ang iisipin mg mga tao sakin pero sobra sobra na kasi. Sumusobra na sila. Siguro iyong, nagkalat ng pekeng balitang iyan ay insecure lang siguro saakin? Alam ko naman kung sino talaga ang nagkalat ng maling pagkakakilanlan ko. I don't have a friend. Kahit na isa, wala akong kaibigan. At hindi ko naman ikamamatay kung wala akong kaibigan. Hindi ako social type na tao. Merong dahilan kung bakit wala akong kaibigan. It's because, meron akong trust issues. Kaya hindi ako nakikipagkaibigan kasi natrauma ako. Meron akong itinurin ko ng bestfriend pero hindi ako tinurin na bestfriend. Si Ana De leon. Iyong makapal ang kolorete sa mukha na pandak. Hinala ko na siya ang nagkalat na isa raw akong malandi. We're bestfriend for almost three years. Party goer si Ana kaya sa tuwing pumupunta siya sa bar o kahit na anong party ay palagi niya akong sinasama. Sumasama ako kasi ayokong magtampo siya sakin at sabihing kj. Siya lang kasi ang nag iisang bestfriend ko kaya saan man siya pumunta, lagi niya akong kasama. Nag ma-mall kami ng magkasama. Pumapasok kami sa school at umuuwi ng magkasama. Minsan nga nag se-sleep over pa siya samin eh. Hangang isang araw, may nakilala kaming gwapo na guy. Si Hans Castillo. Iyong campus hearthrob ng Philippine Academy na nasa kabila. Nakilala namin siya sa isang party na pinuntahan namin ni Ana. Kusang lumapit saamin si Hans at nagpakilala saamin ng kusa. Ilang araw ang lumipas, nalaman kong crush ni Ana si Hans. Sinuportahan ko siya. Naging magkatext sila at ang saya ko kasi sa wakas magkakaroon na ng boyfriend si Ana. Umaga nun, naglalakad ako nun sa hallway, nagulat ako kasi nakita ko si Hans na naglalakad papunta saakin. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito sa Brent Academy gayong outsider siya. Akala ko lalapitan niya ako para hanapin si Ana kaso nagkamali. Nilapitan niya ako para tanungin kung pwede ba niya akong ligawan. Sasagot na sana ako ng hindi pero biglang nagsalita si Ana mula sa likod ko. Malandi raw ako, akala daw niya ay santa ako kung kaibiganin niya pero nasa loob ko daw ang kulo at kati. Sinabunutan niya ako at sinampal ng ilang beses pero 'di ako nanlaban kasi kaibigan ko siya, naging kaibigan ko siya for three years. Pilit kong sinasabi sakanya ang katotohanan na wala akong gusto kay Hans pero hindi siya nakinig sakin. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan at taon na iyon ang pinaniwalaan niya."

"Magkapatid ba kayo ni Harold?"-tanong ni Kaye. Ang role naman ni Kaye ay ang ina ni Juliet na si Lady Capulet.

"Oo. Stepbrother ko siya. Lumaki ako ng walang kinilalang ama. Tinakasan kasi si mommy nung lalake na nakabuntis sakanya. My mom raised me by her own. Nakilala ni mommy si tito Gino. Tanggap ko si tito Gino kasi nakikita kong masaya si mommy sakanya. Nagpakasal sila. Ang hindi alam ni mommy, may anak pala sa dating ex girlfriend si tito Gino. Tanggap naman namin ni mommy ang anak ni tito Gino kasi si mommy din naman may anak na din kaya quits lang sila. Nung lumipat na sa bahay namin sila tito Gino at Harold sinabi na kagad saakin ni Harold na ayaw niya sakin, samin ni mommy. I don't know why he hates me, us. Hindi kami nag uusap, kahit na isang beses. Kahit sa school hindi din. Kapag nadadaanan namin ang isa't isa ay parang hangin lang ang tingin namin sa isa't isa. Para bang may sarili kaming mundo. Ayoko din namang kausapin iyong tao na ayaw saakin."-sabi niya. Tinapos na niya ang istorya ng buhay niya dahil tumahimik na siya matapos nun.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon