CHAPTER THIRTY-EIGHT (continuation-LAST PART)

442 27 22
                                    

Chapter 38

Saksi

[Now playing...]
Snap shoot by SEVENTEEN

CONTINUATION...

(Kath's pov)

Bigla niyang nilahad saakin ang damit na dala dala niya. Nanatiling nakalahad sa ere ang kamay niyang may hawak na damit, naghihintay na tatanggapin ko ito. Taka ko lang siyang tinignan.

Tinuro niya ang hawak niya at sinenyasan isuot ko ito.

"Bakit?"-ang tanging usal ko.

Bumuntong hininga siya ng malakas na para bang ako na ang pinaka tangang tao sa mundo.

Edi ako na ang tanga!

"Isuot mo 'yan, ihahatid na kita papunta kila Lysander."-blanko niyang sabi.

Ang hirap talagang ispelingin ng bwisit na lalaking to. Minsan mabait, minsan...napaka gentleman sakin at napaka ingat, minsan nagsusungit, minsan mayabang, at ang higit sa lahat MAHANGIN! Puno ng kahanginan ang katawan na mayroon siya, kung ipanglandakan niya sa harapan ko ang kagwapuhan ay WAGAS! Kung tignan niya ang sarili niya ay parang siya na yata ang pinaka gwapong nilalang na nabuhay sa mundong ert (earth) pero sa paningin niya lang siya gwapo. Noon pa man, hindi ko talaga makita kung saan banda siya naging gwapo, (feelingero lang ang kagwang(-_-) ayoko talaga sa pagkakahulma ng mukha niya. (Parang retokado) 'yun ang feeling ko.

Baka nga retokado 'yung mukha niya no? Ahihihi...

Iritado niya akong tinignan. "Bakit ka bumubungisngis dyan?"-nakataas kilay niyang sabi.

Napawi ang ngiti ko.

"Ha?"

"Yiieeeee...kinilig ka siguro dahil dito no?"-nang aasar niyang sabi.

Napa ANG KAPAL NG MUKHA nalang ako sa aking isipan.

Matalim ko siyang tinignan. "Hoy!"-tinulak ko ang noo niya. "Bakit mo naman naisip na kinilig ako ng dahil sa pasuot suot mong damit sakin aber?"-taas kilay kong sabi.

Magsasalita pa sana siya pero nilagay ko ang index finger ko sa labi niya.

"For your fucking information kagalang galang na  Chase na makapal ang mukha at makapal ang apog! Heh! Anong nakakakilig don ha?! Pwede bang 'wag mong bigyan ng pansarili mong meaning itong simpleng pagbungisngis ko?! Ha?! Kase alam mo--ay hindi! Gusto mong malaman kung bakit nalang ako bumungisngis bigla?"-tanong ko ng nahawak pa sa bewang.

He roll his eyes. Ang bakla tignan(-_-)

"Kasiiiii....."-binitin ko ang sinabi ko.

Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Kaseee, naisip kong baka retokado 'yang mukha mo! Hindi nila makita iyang panget mong mukha kaseee para sakanila, mala greek god 'yang kagwapuhan mo, pero isa ka lang palang retokado kaya maraming mga babae ang bulag ang mata na nakakakita kuno sa kagwapuhan mong taglay na sila lang ang nakakakita! Para sakin kase, hindi ka gwapo. In fact, ang panget mo pa nga, daig mo pa sa kapangetan ng mukha iyung mga homo sapiens. Naalala mo? Nabanggit na 'yang mga homo sapiens nung elementary tayo. Grabe, halos kamukha mo sila pero mas pangit ka pa kesa sakanila! Grabe, sino ba 'yang doktor na nagretoke sayo't para namang walang nagbago...Kaya siguro ang hambog at ang hangin mo sa harap namin kapag binabanggit mo iyang kagwapuhan mo kuno kasi akala mo perpekto 'yung pagkakaretoke sayo! WAHAHAHAHA!! GRABE ANG HANGIN MO PALAGI TAPOS RETOKADO KA NAMAN PALA?!!"-pang aasar ko.

Natawa nalang tuloy ako sa sarili kong kagagahan. Hawak hawak ko ang tiyan ko dahil sa kakatawa.

Grabe, parang luluwa 'yung kaluluwa ko sa kakatawa!

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon