CHAPTER THIRTY-SEVEN

283 13 2
                                    

Chapter 37

(N/A; Yehey! Updated na ulit ang #ABKA!! Sorry kung natagalan^_^ sa mga matiyagang nag comment, isang napakalaking THANK YOU!!!)

(SHOUT OUT!!!⁉️⁉️)

@EmilyroseSanchez2

~Super duper ultra mega THANK YOU sayo dahil na appreciate mo mga stories ko!! Waahhhh!!! Feeling ko tumaba 'yung puso ko! Super THANK YOU talaga!

Walk out

[Now playing...]
Ice cream by BLACKPINK ft. Selena Gomez

"Dito lang po"-sabi ko kay manong taxi driver. Kinalas ko na ang seatbelt ko't lumabas.

Inabot ko sakanya ang bayad. "Bayad po"-tinanggap naman ng agaran ni manong iyung bayad ko.

Ngumiti ako.  "Salamat po kuya!"-sigaw ko sa papalayong taxi.

Nakangiti akong naglakad papunta sa guard house ng village nila Lysander. Kinuha ko ang ID ko sa bag ko kung saka sakali mang iba ang guard na nakabantay ngayon. Paiba iba or sabihin na nating papalit palit ng taga bantay itong village nila Lysander.

"Manong eto po ID k---Manong?!"-ibibigay ko na sana at ipapakita iyung ID ko ng nakangiting si manong ang bumungad saakin.

"Ako nga hija. Ano't gulat na gulat ka?"-nakangiti niyang sabi.

Ngumiti ako. "Pano po ba naman ako hindi magugulat eh sa isang linggo kong labas pasok dito sa village nato, ni isang beses ay hindi kita naabutang nagbabantay rito sa village..."-nakalabi kong sabi.

"Naku, pasensya na hija. Naospital kasi ang nag iisang anak ko na si Mayumi. Isang linggo siyang naka admit don sa St. Anthony's Hospital kaya isang linggo rin akong hindi nakapagtrabaho dahil nga sa ako ang nagbabantay sa anak ko. Kalalabas lang niya kahapon, kaya balik na ulit ako sa trabaho ngayon dahil kailangan pa naming bayaran iyong kulang naming bills sa ospital."-may halong lungkot niyang sabi.

Nakaramdam din ako ng awa para kay manong.

"Asan po ba misis niyo manong? Tsaka ilang taon na ba ang anak niyo?"

Nginitian niya ako ng pagkapait pait. Mukhang may naitanong yata akong hindi ko dapat itanong...

"Matagal ng wala sa puder namin ang misis ko. Sumakabilang bahay na siya. Limang taon na rin ang nakalipas mula nung iwan niya kaming mag-ama. Kaya nga todo kayod ako sa trabaho, minsan nga eh napapasabak ako sa mga sideline-sideline na mga trabaho para lang may pampaaral kay Mayumi. Hindi ko na alam kung asan na siya ngayon, wala na akong balita. Si Mayumi? Walong taong gulang palang 'yun pero napakabait at maalalahanin nung batang iyon"-proud niyang sabi sa ugali ng anak niya. Tinignan niya ako at nginitian. Isang purong ngiti. Walang halong lungkot, sadyang purong ngiti lang. "Kasing ganda mo siya."-nakangiti niyang sabi.

Pakiramdam ko pumula 'yung pisngi ko sa sinabi ni manong.

"Nakuu manong...hehe...hindi naman po ako masyadong kagandahan..."-naiilang kong sabi.

Ngumiti lang siya bilang sagot.

"Ay naku! Papasok na po ako manong, baka late na naman po ako--ay teka!!"-binuksan ko muna iyong bag ko at kinuha ang wallet ko.

Inabot ko sakanya ang isang libong piso. "Sana ho makatulong 'to sainyo kahit papaano...'yan lang ho kasi ang natirang pera sa pinadalang limang libo ni papa...ibibili ko pa sana 'yan ng bagong damit pero mas kailangan niyo po ng pera kaya sainyo na po 'yan."-nakangiti kong sabi habang sinasara ang bag ko.

Ang buong akala ko ay tatanggapin ni manong ang pera pero hindi...







Binalik niya sakin ang pera...

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon