Chapter 38
Unlucky day
[Now playing...]
I-LAND by IU"Bakit ba ang laki laki ng eyebags mo? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?"-tanong sakin ni Mikee.
Kararating lang namin sa school. Pumasok ako ng school ng hindi naghihilamos, ni nagsusuklay, pero buti nalang nakapag toothbrush ako^_^.
"Busy ako sa panonood ng korean drama. Hehe kaya ganito."-pagsisinungaling ko.
"Akala ko ba hindi ka mahilig manood ng korean drama? 'Di ba sabi mo 'yun na 'yung last na korean drama yung 'What's wrong with secretary Kim?' na pinanood natin nung nag movie marathon tayo? Akala ko ba ayaw mo na manood ng k-drama kasi nanggigil ka sa mga itsura nila?"-naguguluhang sabi ni Mikee.
Huhuhu...naalala pa niya 'yun? Akala ko pa naman ulyanin na 'tong kaibigan ko...t
Totoong simula nung mag movie marathon kami na k-drama 'yung pinanood namin, nangako ako sakanya na hinding hindi na ako manonood ng k-drama. Bakit? Kasi nanggigil ako sa mga itsura nila! Kasi kahit saan banda ko tignan, gwapo pa rin sila eh! Kahit na sa mga stolen shots, ang gagwapo at ang gaganda nila! Samantalang ako? Ang chaka ng mukha ko kapag stolen! Tsaka 'yung mga jaw nila sobrang perpekto! Samantalang tayo ay parang pinaglihi sa mangga sa sobrang tulis ng nguso! Tsaka ang isa pa, karamihan sa mga taga South Korea ay puro mga may itsura!
Ayoko namang sabihin na kaya hindi ako makatulog ay hindi ako maka get over dun sa ginawa kong pag walk out kahapon. 'Yung ginawa kong pang iiwan kay Lysander. For sure, galit na galit na 'yun sakin...(T_T). For sure ilang beses na akong sinumpa nun sa isipan niya....Huhuhu...ano ba kasing pumasok sa isipan ko't nagawa kong mag walk out? Huhu...sorry talaga Lysander my loves...hindi ko naman kasi intensyon na iwan ka...siguro nadala lang ako ng galit ko...eh kasi naman eh! Ang judgmental mo!
"Hehe...ano...ahmm...sinubukan ko ulit...nag d-download kasi ako ng k-drama movie na 'Backstreet Rookie' sa macbook ko...oo tama! Ang ganda pala? Hehe..."-sa totoo lang, narinig ko lang naman iyang backstreet rookie na movie dun sa mga babaeng nakasabay ko sa paglalakad sa hallway.
Tumango tango naman siya sa sagot ko. Ibig sabihin, kontento na siya sa sagot.
Bigla siyang may kinuha sa bag niya.
Inabot niya sakin ang suklay. Kulay itim na suklay.
"Ayan, magsuklay ka nga! Para kang na rape ng aso! Tignan mo nga 'yang itsura mo, gulo-gulo. Seriously Kath? Pumayag ka talaga pumasok ng school ng ganyan ang itsura?"-lait niya sakin habang napapailing.
Tinapik niya balikat ko. "Pasok na ako sa classroom, mamaya nalang hapon!"-sigaw niya habang naglalakad papalayo.
Tinignan ko lang ang suklay na hawak hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hindi sinusuklay iyong bigay ni Mikee tapos bumubulong pa ako. May nadidinig na rin akong bulungan pero, the hell, wala akong pake sakanila. Hindi ko rin naman kasi sila masisisi kung pagbulungan nila ako, pano ba naman kasi, bukod sa malalaking eyebags ko sa magkabilang mata, idagdag mo pa 'yung gulo gulo kong na animo'y may isang napakalakas na hangin ang dumaan kaya ganto ang itsura, tapos bumubulong bulong pa ako, iisipin nilang baliw ako, (pero jusko! Hindi ho ako mga baliw mga te! Sadyang may pinagdadaanan lang ho ako!!(T_T) tapos kung maglakad pa ako ay parang zombie kung maglakad na animoy naghahanap ng makakagat o mahahawaan na panibagong tao.
"Huhuhu...sorry talaga Lysander...hindi ko naman 'yun sinasadya..."
"Tatanggapin ko ang kahit na anong kaparusahan na ipapataw niyo sakin, mapatawad niyo lang ako..."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...