CHAPTER THIRTY-SIX

317 17 4
                                    

Chapter 36

Agawan

[Now playing...]
Dynamite by BTS

"Bukas ulit girl! See you tomorrow! Oh ayan na pala nanay mong bestfriend!"-sabay kaming lumabas ni Mika galing sa gymnasium. Nakasunod naman saamin sila Laura, Kent, Walter, Chase, at Caleb. Nilingon ko naman kung nasaan nakita ni Mika si Mikee. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench malapit sa entrance ng gymnasium.

Ng makita niya ako ay ngumiti siya. Kinuha niya muna iyong bag na nakapatong sa bench. Nakangiti siyang naglalakad palapit saamin.

"Hi Mikee! Joke lang 'yun bestfriend ni Kath ah?  Alam mo namang walang tigil sa kakasalita ng kung ano ano itong bibig ko!"-paghingi ng tawad na sabi ni Mika.

Taka naman itong tinignan ni Mikee.

"Sorry Miko ah pero, Ano ba'ng sinabi mo?"-nakakunot noong tanong ni Mikee kay bakla.

"Ha? Ay hindi mo ba narinig? Mabuti nalang at nagpipigil ako na masampla ka kakatawag mo saking Miko kung hindi...nakuuu..."-hindi ko masyadong dinig iyong ibang sinabi ni Mika kasi pabulong niya iyong sinabi.

"May sinasabi ka?"-bigla namang napatingin si Mika kay Mikee.

"Ha? Wa-wala! Hehehehe...nag se-self talking lang ako teh...hehe"

"Ay jusko! Tumatawag na si daddy! Alis na ako! Bye sainyo! Bye Kath! Bye bye! I love you boys! Bukas nalang ulit ha? 'Wag niyo akong mamimiss!"-nagmamadaling sabi ni Mika.

Kumaripas na siya ng takbo papaalis bago pa man siya malapitan ni Mikee. Hindi man itanggi ni Mikee ay halata na mayroon siyang gusto sa bago kong kaibigan na si Mika. Sobrang gwapo kasi ni Miko Lee. Hindi mo siya mapagkakamalang bakla dahil sa itsura niya. Maski ako nga eh nagagwapuhan rin kay Miko. Ang lakas kasi ng dating ni Miko. Sayang kasi iyong itsura niya. Kung hindi lang siguro siya bakla baka marami natong naging girlfriend. Tsaka 'yung kagwapuhan kasi niya pwedeng pagkakitaan. Katulad nalang sa mundo ng showbiz. Tiyak na kapag sa oras na pumasok siya sa mundo ng showbiz ay marami siyang mahahakot na fans. Baka nga malamangan pa niya si Lysander my loves. 'Yung kagwapuhan niya pwedeng panlaban sa mga famous oppa sa South Korea!

"Uyyy Kath! Uwi na kami ah? Kitakits nalang bukas!"-paalam saakin nila Walter, Kent.

Ngumiti ako."Sige! Ingat sa pag uwi!"-sigaw ko sakanila. Tinanguan lang nila ako't tinaasan ng kamay.

Haaay....ang sarap sa pakiramdam ng magkaroon ka ng bagong mga kaibigan.

"Uyyy guys, uwi na rin ako. Susunduin ko pa mga kapatid ko eh..."-bumaling saakin si Laura "Sensya na Kath ah...hindi ako makakasabay sainyo sa pag uwi. Susunduin ko pa kasi mga kapatid ko eh."

"Naku okay lang. Maybe next time?"-ngumisi siya sakin at tinanguan niya ako ng dalawang beses. "Osya sige na. Baka nababagot na 'yung mga kapatid mo kakahintay sayo!"

"Sige salamat. Bye Kath! Muahh! Bye sainyo! "-tumalikod na siya matapos nun.

Nauna ng umuwi sila Natasha, Kaye at 'yung iba ko pang kasama sa theater acting. Ang natira nalang ay ako, si Mikee. Si Chase at Caleb na pawang nasa likuran ko at parehong nakapamulsa.

"Hatid na kita Kath."-biglang usal ni Caleb. Kaya naman nilingon ko siya at nginitian.

Kaninang umaga, pinadalhan ako ni Caleb sa condo ng dalawang starbucks coffee at dalawang choco butternut na donut. May nakasingit pang isang papel na kulay puti sa lalagyan ng donut.

~Good morning!
Have a nice day♥

'Yan ang nakasulat dun sa papel na nakaipit sa lalagyan ng donut.

"Si--"

"No. Ako ang maghahatid kay Kath."-gulat naman akong napatingin kay Chase. Ngayon lang ulit ako inanyayahan ni Chase na ihatid. Magmula kasi nung bigla bigla siyang nanlamig at iniwasan ako ay hindi na niya ako kinakausap, not even once, hindi na rin niya ako hinahatid.

Magsasalita pa sana ako kaso naunahan ako ni Chase.

"Let's go."-bigla bigla nalang niyang hinila ang kamay ko. Lalakad na sana kami ng....








.....may biglang humawak din sa kabilang kamay ko. Si Caleb ang nakahawak si kaliwang kamay ko habang si Chase naman ang nakahawak sa kanang kamay ko.

Feeling ko tuloy nasa isa akong telenovela na pinag aagawan ng dalawang lalake. Tsaka nakaramdam din ako ng tension sa kanilang dalawa.

"Ako ang maghahatid sakanya."-sabi ni Caleb. Tinignan ko si Caleb.

"No. Ako ang maghahatid sakanya."-matigas na sabi ni Chase kaya naman sakanya naman nabaling ulit ang paningin ko.

"Ako ang naunang mag offer na ihatid siya kaya saakin siya sasakay at ako ang maghahatid sakanya."-Caleb.

"So? I don't fucking care kung ikaw ang nauna. Wala namang nagsabi na kung sino ang mauuna siya ang maghahatid. Now, let go of her hand."-mariing sabi ni Chase kay Caleb.

"Why would i? You should be the one to let go of her hand."-nakataas na kilay na tanong ni Caleb.

"Let go of her hand."-Chase.

"I won't."-Caleb.

"I said let go."-Chase.

"I won't"-Caleb.

"Let go."-Chase.

"I won't."-Caleb

Napa face palm nalang ako sa isipan ko kasi pareho nilang hinahawakan ang kamay ko. Gusto ko lang naman makauwi ng matiwasay pero bakit pati sa paghatid sakin ay nag aagawan sila?

Pabalik balik ko silang tinignan. Pero hindi ko gusto iyong pagtitigan nila. Pakiramdam ko tuloy parang may dumadaloy na laser beam sa bawat mata nila. Jusko po ano ba 'tong nangyayari!

"Hoy hoy hoy! Ano 'to ha? Bakit niyo pinag aagawan ang bestfriend ko ha? Tsaka bakit si Kath lang ang ihahatid niyo? Dapat ihatid niyo rin ako! Pwede din naman niyo akong pag agawan!"-singit ni Mikee(-_-)Pero sadly, hindi siya pinakinggan ng dalawa. Busy sila sa pagtitigan sa isa't isa.

"Bitaw!"-sigaw ni Mikee habang hinahawakan iyung kamay nilang dalawa upang makawala ako sa pagkakahawak sa kanila.

"Bitaw sabi eh!"-nanggigil na sigaw ni Mikee.

"Bakit ba ayaw niyong bitawan ang kamay ni Mikee?! Ha?! Hindi naman dyamante ang kamay niya para hindi niyo bitawan! As if naman mababasag ang kamay niya pag binitawan niyo! Bitawan niyo na kasi siya!!"

"'Wag kang makialam!"-parehong sigaw nila Caleb at Chase kaya naman natahimik si Mikee.

Inirapan niya ang dalawa. Mukhang wala talaga silang balak na bitawan ang kamay ko.

"Ano ba!"-napatalon silang dalawa sa pagsigaw ko.

"Bitaw"-nagdadalawang isip pa silang dalawa kung bibitawan ba nila ang kamay ko o hindi.

Napapikit ako sa inis. Ano bang problema ng dalawang lalakeng ito?

"Bitaw nga sabi eh!!"-sigaw ko kaya naman sabay nilang binitawan ang kamay ko. Kung hindi ako sisigaw malamang hindi talaga nila bibitawan ang kamay ko.

"Ano ba!? Bakit ba kayo ng aagawan sa paghatid sakin?! Ha?! Kasi kung tutuusin, makakauwi naman ako--kami ni Mikee ng mag isa! Hindi niyo na kami kailangang ihatid okay?! Makakauwi kami ng hindi niyo hinahatid!"-sigaw ko. Matapos ko silang masigawan ay hinila ko na si Mikee papalayo sa dalawa.

Jusko! Pag agawan ba naman ako?! Sa theater acting namin may agawan sa puso ni Juliet, pati ba naman sa totoong buhay?!! Hindi ako makakauwi at mas lalong hindi pa ako makaka arrive on time sa bahay nila Lysander ng dahil 'agawan scene' na nangyayari! Tangina! Isang napakalaking tangina! Tangina lang talaga!

Ang ending.... sumakay nalang kami ni Mikee ng taxi para makauwi. Bwisit! Nanggigil ako sa dalawa!

To be continued...





Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon