CHAPTER SEVENTEEN

469 16 1
                                    

Chapter 17

Call me master

[Now playing...]
Love somebody by Lauv

[N/A; may dinagdag nga pala ako ng konti sa prologue. Kayo ng bahala kung babasahin nyo ba yun ulit o hindi na. It's up to you...*winks )

~day 2~

Nandito kami ngayon sa cafe ni Chase habang kasalukuyang ginagawa ang project namin. Lunchbreak kasi namin ngayon. Si Mikee? Ayun. Kasama yung partner nyang nerdy boy. Gumagawa din ng project. Wala masyadong tao dito sa loob ng cafe dahil nasa canteen o di kaya nasa mga sikat na fast food chains na nandidito sa loob ng premises ng school ang halos lahat ng studyante rito. Yep, ang Brent Academy ay merong fast food chains or sabihin na natin sariling fast food chain ang school nato. Taray no? Merong tatlong fast food chains ang Brent Academy na nakakalat sa loob ng school. Na iba iba ang pagkain na siniserve.

Mas mabuti na siguro tong nasa cafe namin ginawa ang project. Atleast walang maingay at walang istorbo, walang hassle. Yung sinabi din lately ni Chase na nagbigay talaga sakin ng goosebumps ay nakalimutan ko na. Pero not literally na nakalimutan ko na. Parang nawala ko na sa isip. Ganern. Comfortable nakong kasama sya di gaya kahapon. Eh sino ba naman kasi ang hindi magiging komportable kung ganun nalang sasabihin sayo aber? Na parang banta yung dating sakin nung pagkakasabi nya. Yung linya nyang 'i will make you fall for me and kememe nya' na talagang naka all capslock pa! alangang di ka kabahan?

Sumagi na naman sa isip ko yung unang araw ko bilang tutor ni Lysander my loves. Kaya naman napasubsob ako sa table at ngumingiti na parang ewan. Ng biglang...

"Hoy. Anyare sayo? Bakit bigla kang ngumiti dyan tapos sumobsob sa lamesa?"-tanong nya. Na may kasama pang kalabit. Aww. Napansin pala nya... Tsk. Tsk. Tsk.

Hindi ko sya pinansin.

"Siguro crush mo na ko no? Uuuyyy...crush nako ni Kath..."-biglang akong napa angat ng tingin sakanya. Binigyan ko sya ng 'anong pinagsasabi mo dyan?' look.

"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo dyan panget! At ano kamo? C-crush? Kita? Ikaw? Crush ko? Pwe! Excuse me! Not gonna happen ugly duckling! Over my dead gorgeous body!"-bulyaw ko sakanya. Napatingin tuloy samin ang waiter ng nasabing cafe. Napatungo nalang tuloy ako dahil sa kahihiyan.

Lupa? Lamunin mona ako please...now na...

And i realize something na... Semento nga pala tong tinatapakan ko....hindi...hindi lupa....

Semento...lamunin mo na ako....

"Hoy..."-mahinang tawag ni Chase saakin.

"Matatanggap ko naman na hindi moko crush pero yung sabihin mong u-ugly duckling?"-napatunhay tuloy ako sakanya.

"Oh bakit? Problema mo dun? Mukha ka naman talagang ugly duckling sa paningin ko. Medyo may kahabaan ang baba tas idagdag mo pa yung itsura mo. Pangit"-pagsasabi ko ng totoo. Unggoy talaga dapat sasabihin ko nun kaso ugly duckling yung lumabas sa bibig ko...(-_-)

"W-what the! Panget? Ako?"-tinuro nya sarili nya. Tumango naman ako. "Ha-hahaha! Panget?! Sinong panget huh?!"-bigla bigla nyang inilapit sakin ang mukha nya sakin. Napalayo tuloy ako sakanya. Pero hindi ako nakalayo sakanya kasi nakaupo ako.

Para na yata akong naduling dahil sa sobrang lapit nya sakin(-_-)

Pinitik ko noo nya( malakas lakas yun) para humupa yung naghuhurumentado kong puso. Para akong di maka hinga, ramdam ko kasi yung hininga nya. Kaya naman napalayo sya habang hawak hawak ang noo nya. Kumalma na ang sarili ko matapos nun.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon