Chapter 40
Walwal
(Author's note)
Heeeelooooo!!! I'm back!
Anyway, sa mga nag comment, wow! Pinaghalong saya at tuwa ang naramdaman ko ng mabasa ko 'yung mga comments niyo. Hindi ko kasi talaga inaasahan na magugustuhan niyo ang story ko, newbie lang ho ako sa mundo ng writing and I really do appreciate your comments.
May ipo-promote nga pala akong isa ko pang story entitled 'So, I Married an Anti-Fan' . Kakapublish ko lang ng story na 'yan. On-going palang ang story na 'yan. May comedy pero ewan ko kung matatawa ba kayo sa sinasabi kong comedy.
Hi, SabueroA !! Alam mo tama ka dun sa naging comment mo. Pero hindi rin naman natin kasi masisisi si Chase. Kahit kasi na anong iwas niya, ang puso kasi niya, si Kath parin ang hinahanap niya at 'yan ang nagpapahirap sakanya para iwasan si Kath. Kapag nagmamahal kasi tayo, minsan hindi na natin naiisip ang tama at mali, hindi na nasusunod ang isipan. Ang nasusunod ay ang puso. Kaya kahit na tama man o mali ang tanging gusto lang nating maisakatuparan ay ang mapa saatin ang taong minamahal natin.
...
꧁𝙴𝚗𝚓𝚘𝚢 𝚛𝚎𝚊𝚍𝚒𝚗𝚐!!!꧂
[Now playing...]
Zombie by Day6*Ding dong! *Ding dong!
Ilang segundo lang ay lumabas ang katulong nila at pinagbuksan ako ng gate.
Nandito kasi ako ngayon sa bahay nila Chase. Isasauli ko sana 'yung damit na pinahiram niya sakin kahapon.
"Sino ho sila?" Tanong sakin ng katulong. Sa tantya ko ay nasa mga 30's na si ate.
"Ahmm...nandiyan ho ba si Chase?" Tanong ko.
"Ay opo, nasa kwarto ho si sir. Bakit po? Ay teka! Di-diba--ikaw 'yung babae kahapon?? Ikaw 'yun diba?" Halos mapaatras pa ako dahil sa biglaang pagsigaw ni manang.
Jusko! Para akong aatakihin sa puso sa ginawa ni manang!
Napakamot nalang ako ng batok saka tumango. Mabilis naman siyang lumapit sakin.
Tinulak niya ako papasok pero mahina lang naman. "Pasok ho kayo ma'am..." Sabi niya.
"Pumasok na ho kayo sa loob" sabi niya habang sinasara ang gate. Tumango nalang ako at naglakad papasok sa bahay nila Chase.
Ng makapasok ako ay huminto at nakatayo lang ako malapit sa pinto ng bahay nila.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ang bahay nila. Nagulat pa ako ng biglang tumabi sakin si manang.
"Umupo ho muna kayo, tatawagin ko lang ho si sir" sabi niya bago ako inalalayang umupo sa sofa.
Lalakad na sana paalis si ate ng biglang magsalita ang isang babaeng ubod ng ganda habang bumababa ng hagdan. Rinig na rinig pa ang tunog ng stilletos niya. Mula sa pagkakaupo ay napatayo ako.
Halos mapanganga ako dahil sa kagandahan niya. Hugis coca cola ang katawan nito't clearskin din ang mukha. Nahiya tuloy ang mukha ko dahil may tumubo pang tigyawat sa pisngi ko.
"Sino siya Lilia?" Tanong nito ng makababa na ng hagdan.
Yumuko naman si Lilia.
"Ano nga bang pangalan mo?" Bulong na tanong sakin ni Lilia.
"Ahh. Kath." Sagot ko.
"Si Kath ho, hinahanap ho si sir Chase..." Nakayukong sabi ni Lilia.
Bakit sobrang galang naman ata ni ate? Kailangan talagang yumuko? Pwede namang huwag na siyang yumuko...ang sakit kaya sa leeg...
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...