Chapter 20
Pag-alaga
[Now playing...]
Sick boy by the CHAINSMOKERSNakauwi na kami ni Mikee dito sa Manila. Kadadating lang namin. Bandang alas otso na nung dumating kami rito sa condo. Walang gana kong inilapag ang mga gamit ko sa mesa pagkapasok ko sa kwarto ko. Walang gana ko ring hinubad pa isa-isa ang mga suot ko at nagbihis ng isang plain na kulay peach na short at isang kulay blue na spaghetti shirt.
Hindi ko masyadong na enjoy yung moments ng pamilya ko. Tulala ako at naglalakbay sa kawalan ang isip ko. Pinilit kong ngumiti habang kasama ko ang pamilya ko. Ayoko ng madamay pa sila sa problema ko kaya sinarili ko na lamang. Nagsimba kaming buong pamilya bandang alas diyes na ng umaga, alas singko kasi nung bumyahe kami galing Manila at nakarating kami sa Quezon bandang alas sais na.
Hindi ko nga masyadong napapakinggan ng maayos ang binabasa ng pari ng mga verses sa harapan dahil masyadong maraming bumabagabag saaking isipan at isa na riyon ang mga sinabi ni Caleb saakin kanina lang umaga. Hanggang sa natapos nga ang misa ng wala akong naiitindihan sa mga bersikulo na binasa ni Father Francis, kahit na sya pa ang pinaka paborito kong pari sa lahat dahil sa galing nyang pumukaw ng atensyon sa mga nagsisimba gaya namin. Nababagay lamang sakanya ang kanyang pangalan na Francis dahil kapangalan nya ang Santo Papa ng Roma.
Pagkauwi namin galing simbahan ay nagkaroon pa kami ng mumunting salo salo. Napansin ni papa na wala ako sa sarili. Pilit akong kinukulit ni Kuya Anthony na nagtatampo lang daw ako kasi hindi ako nadadalaw nila mama at papa, tumigil lang sya sa pangungulit saakin ng sitahin sya ni Ate. Nagsinungaling lang ako 'na naman' na problemado lang ako sa mga projects sa school. Napaniwala ko naman sila. Mabuti nalang. Lunes pa ang balik nila Kuya Anthony at Ate Kayley dahil wala daw silang pasok kinabukasan. Hanggang sa mag gabi na bandang alas syete ay dumating sa bahay ko si Mikee. Nakipag kwentuhan pa sya saglit sa mga magulang at kapatid ko. Matapos nun ay nagsipaalaman na kami ng aking pamilya sa isa't isa. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako makakauwi ulit sa bahay namin kaya nagsisisi ako na dapat ay hindi ako masyadong nagpadala sa mga bagay bagay na nakakapagpagababag saakin dapat sana'y itinuon ko nalang ang aking buong atensyon sa ilang sandali lamang na kasama ko ang aking pamilya. Binalewala ko nalang dapat sana ang problema ko. Pero huli na ang lahat. Totoo nga'ng nasa huli ang pagsisisi.
Kumain na kami ng dinner ni Mikee dahil dumaan muna kami sa isang sikat na fast food chain bago dumiretso sa condo. Mabuti nalang at libre nya. Sandali lamang ang aking tuwa ng malamang ililibre nya ako dahil naglalakbay na naman sa kung saan ang aking isip. Tinanong nya ako kung bakit ako walang imik at parang wala sa sarili habang bumabyahe kami. Binigyan ko lamang sya ng isang payak na ngiti at sinabing wag na nya akong alalahanin. Matapos nun ay hindi na nya ako kinulit pa. Alam nyang meron akong problema kaya hindi na nya ako pinilit na magsalita pa, hihintayin nya na lamang kung kailan ako handang magsabi sakanya, patungkol sa problema ko.
Papasok na sana ako sa banyo para maligo habang may sampay sampay na kulay dilaw na tuwalya sa aking balikat upang maanod ng tubig ang aking problema ng biglang mag ring ang telepono ko.
*Unregistered number calling...
Pinatay ko ang tawag at naglakad pabalik ng banyo.
Hindi ko alam kung sino ang tumatawag. At ayaw ko iyong sagutin at mas lalong wala akong balak na sagutin yon. Pagod ako at wala akong panahon para makipag daldalan sa kung sino man ang tumawag saakin. Hindi ko alam kung paano nya nakuha ang numero ko. Baka isa lamang iyon sa mga secret admirer ko o baka scam lang ang tawag na iyon. Mamaya baka masamang tao pala ang tumatawag saakin, mahirap na. Marami ang mga manloloko ngayon at marami na rin ang naloloko pero kelanman ay hindi ako magpapaloko. Marami kasi ang mga nababalitaan ko na biktima ng kung ano anong mga scam. Tulad nalang nung nabalitaan ko kamakailan lang, na isang babae na ginawa daw na katext ng isang lalake tapos biglang pina-ibig at sinabihan ng kung ano anong mga jejemon na mga pampakilig tapos nung mahulog yung girl sa guy ay hinuthutan sya nito dahil daw may special needs daw yung guy para sa health nya. Binigyan at pinadalhan naman nung girl yung guy ng hindi nag iisip. Matapos nyang mapadalhan ng pera ang guy ay hindi na ito nagparamdam pa. At yung girl? Sawi, kasi bukod sa broken hearted pa sya eh yung pera na pinadala nya ay ipon nya sana para pambili ng bagong selpon. Tsk. tsk....
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...