Chapter 30
Theater acting
[Now playing...]
As if it's your last by BLACKPINK"Nasa outer space na ba ako huh Mikee?"-wala sa sarili kong tanong.
"Psh! Ano namang katangahang tanong yan?"-iritang tanong nya sakin.
Haaaayyyy...di talaga ako maka move on dun sa kissing scene namin ni Lysander!! Gosh! Para akong umaarte sa mga telenovela o k-dramas! Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari iyon sa totoo kong buhay!
Pinangarap ko lang naman noon na kahit isang smack na halik lang kay Lysander ay okay na at solve na solve nako. Pero hindi ko kelanman pinangarap na magkakaroon kami ng kissing scene!
Para talaga akong lumulutang...
"Wait for me..."
Umalingawngaw na naman sa isipan ko ang huli nyang sinabi kagabi.
Pero paano kung hindi talaga sya maka move on? Paano kung gusto nyang mag move pero yung puso nya hindi? Paano kung sa kakahintay ko sakanya ay mananatili lang akong maghihintay sakanya dahil hindi naman talaga mangyayari iyon?
Nakita ko mismo at nasaksihan ko mismo kung paano nya kamahal si Zue. Hindi ko man nakita kung gaano sya nasaktan, ay pakiramdam ko ay nakikita ko iyong sarili nyang wasak na wasak. Umiiyak habang paulit ulit na binabanggit ang pangalan ni Zue. Paulit ulit na nagmamakaawa na bumalik na ito.
Kailangan kong tanggapin na malabong mangyari na matututunan din nya akong mahalin pabalik balang araw. Pero yung balang araw na yun mananatiling balang araw nalang kasi hindi naman talaga ako dadating sa point na yun.
Kailangan kong tanggapin na kahit na tulungan ko syang makapag move on ay hindi parin mangyayari iyon. Kung dadating man yung araw na finally, naka move on na sya kay Zue, he will never learn to love me back.
Alam kong kahit na naka move on na sya ay hindi ko parin mapapalitan iyong pagmamahal na nararamdaman nya kay Zue. Mananatiling si Zue parin hanggang dulo. Sya ang first love ni Lysander at sa tingin ko ay mas gugustuhin pa rin nyang maging last love si Zue.
Yung sakit kasi na nararamdaman nya. Aaminin kong hindi ko iyon matatanggal. Kasi ang pain naman hindi mawawala, mananatili at mananatili sya at mag iiwan ito ng bakas ng inyong kahapon, isang peklat. Kapag lagi mo kasing dinaramdam yung sakit, one day magigising ka nalang na sanay kana. Sanay kana sa sakit na nararamdaman mo. Na parang hindi mo na gaanong maramdaman yung sakit pero andun parin yung kirot kahit papaano kasi sanay kana.
Ayaw ko mang maniwala pero may kung ano saakin na nagtutulak na maniwala sakanya. Kasi baka magkakatoo. Paano kung magkakatoo? Kung mangyayari man ngang talaga iyon ay kahit na ilang dekada pa akong maghihintay sakanya ay ayos lang. Kasi nga baka mangyari nga talaga iyon someday. Kaya kahit na mapagod man ako kakahintay ay worth the wait naman kasi alam kong dadating kami sa point na sinasabi nya.
Pero ayokong maging tanga sa kakahintay sa isang taong ayaw dumating. At ayokong habang buhay na gagawing tanga ang sarili ko. Kapag wala na talagang pag asa kung sasabihin nya sakin na tama na, titigil ako. Kung sasabihin nya sakin na hindi talaga nya kayang mahalin ako ay titigil na ako.
"Huuyyyy....natahimik ka dyan? Anyway andito na tayo sa school. Wag mo ng masyadong isipin yung gago este yung idol mong si Lysander baka kasi mabaliw ka kakaisip sakanya. Alam kong mahirap kalimutan iyong kissing-err. Basta isantabi mo muna iyan okay? Andito tayo sa school. You better get back to your senses."-sabi nya.
Inalog ko muna ang ulo ko bago sya sinundan sa paglalakad sa hallway.
Sinabayan ko sya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...