CHAPTER TWO

1.1K 21 1
                                    

ChApTeR tWo

                 Now playing...
              
                         EGO
                    (⏩▶️⏪)

                    by: Jhope

This time ay nagising na naman ako ng dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Oh mabuti naman at nagising ka ng kusa. Osya bumangon ka na dyan at maligo na dahil maaga tayong pupunta ng simbahan"-pagkasabi ni mama nun ay umalis na kagad sya.

Haaayyy another beautiful and wonderful day na naman ang sasalubong sakin. Lumapit pa muna ako sa poster na mukha ni Lysander na nakadikit sa wall ko tsaka ito hinalikan. Bat ba? Anong masama sa paghalik eh picture lang naman to? Wala kayong magagawa dun dahil baliw na baliw ako sa lalakeng to eh.

"Good morning Lysander malabs!"-bati ko sa poster tsaka hinihimas himas ko pa muna ang litrato nito. As if naman ma magsasalita at babatiin ako pabalik ng good morning nito eh litrato lang naman to.

Napagdesiyonan ko ng pumasok sa banyo at maligo. Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na ako ng kwarto at doon ko naabutan si mama at papa na naghahanda ng agahan.

Kayganda nga namang pambungad kung ganito lang sana araw araw.

Nakasuot lang ako ngayon ng dark blue na jumper dress tsaka white shoe.

Napalingon naman saakin sila mama at papa

"Good morning to my beautiful sweetheart"-bati sakin ni papa. Lumapit saakin si papa tsaka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap. This day is what i love the most.

Wala kasing pasok si papa tuwing linggo.

"Sya nga pala anak. Magugulat ka kung sino ang narito"-taka ko namang tinignan si mama. Nakatingin si mama sa may likod ko kaya napaharap ako at nagulat nga ako sa nakita ko!

(0_0)

Si Kuya Anthony at Ate Kayley!

"Kuya Thon! Ate Ley!"-sigaw ko at binigyan sila ng isang napakahigpit na yakap. Thon kasi ang tawag ko kay kuya Anthony habang ang tawag ko naman kay ate Kayley ay ley. Naiinis nga sila saakin kung bakit hanggang ngayon ay ganun parin ang tawag ko sakanila.

"Naku...kung makasigaw ka naman eh kala mo ilang taon tayong di nagkita!"-biro sakin ni ate Ley.

"Tigil tigilan mo nga yung pagtawag sakin ng Thon,Kath. Nakakairita eh"-naiirita daw sya pero nakangiti. Ulol lang?

"Sus! Ewan ko sayo kuya Thon! Eh si ate Ley nga eh hindi nagrereklamo"-kinurot ko sa tagiliran si kuya Thon kaya napaigtad sya. Natawa naman ako dun.

"Oh tama na yang kulitan at magsi upo na kayo dahil kakain na tayo"-sita saamin ni papa

Kaya naman nagsiupo na kaming lahat. Nagdasal pa muna kami bago magsimulang kumain. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang magsalita si kuya Thon.

"Nga pala pa. Babalik din kami kagad dahil may pasok pa kami bukas ni Kayley"-biglang usal ni kuya thon

"Nga pala kuya. Ang sabi mo ay hindi kayo makakauwi ngayong weekend dahil masyado kayong busy these days"-usal ko dahil natahimik ulit ang hapag kainan.

"Gustong umuwi nitong ate mong si Kayley eh kaya no choice"-natatawang sabi ni kuya Thon.

Meron pa kaming pinag usapan na kung ano ano hanggang sa matapos na kaming kumain ay umakyat muna ako sa kwarto ko ay nagsipilyo. Linggo talaga ang paborito kong araw sa lahat dahil sa ganitong araw ay nagkakasama kami buong pamilya.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon