CHAPTER TWENTY-FIVE

395 17 0
                                    

Chapter 25

Kuryente

(N/A; SPG!!! HAHA! MEDYO LANG NAMAN!)

[Now playing...]
Basquiat by PENTAGON(펜 타 곤)

"Anak naman! Sayang ang oppurtunity! Bakit ba kasi hindi mo nalang tanggapin yung alok nila!"-sigaw ni mommy.

Bumababa ako ngayon ng hagdan at sinusundan naman ako ni mommy at pilit na pinatatanggap sakin ang isang alok na hindi ko naman gustong tanggapin.

"Sinabi ko naman sayo yun Mom diba?! Ayoko nga pumasok sa showbiz! Ayokong tumulad sa pinsan kong puro pag aartista ang inaatupag!"-pasigaw na sagot ko.

"Pero anak...sayang naman kasi yung inaalok ng SB NETWORK! Gustong gusto ka talaga nilang kunin! Ayaw mo bang sumikat gaya ng pinsan mo? Anak...sige na...tanggapin mo na kasi...minsan lang sila mag alok ng offer sayo...Hindi mo ba nakikita? Kung gaano sila kadeterminado na makuha ka, mapasok at mahasa sa pag aartista? Tsaka, sila na ang lumalapit sayo..."-sabi ni mommy.

Pagkababa ko sa hagdan ay hinarap ko sya.

"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na hinding hindi ako kelanman papasok sa showbiz! Kung kayo nasasayangan kayo sa alok nila...pwes ako hindi! Wala akong pake kung masayang man yung inaalok nila! Pag sinabi kong ayoko, ayoko! Bakit nyo ba ako pinipilit pa na pumasok sa pag aartista, gayong alam mo naman na wala talaga akong balak hindi ba? Kelanman, hindi ko pinangarap ang maging artista...ni minsan hindi nga pumasok sa isipan ko ang pag aartista...ayokong sumikat okay? Ayoko! Naiinis nga ako na nakikita yung pinsan kong di man lang makapamasyal, nakapag mall ng ayos kasi kapag sa oras na may makakita sakanya ay dudumugin at pagkakaguluhan agad sya ng fans! Na kahit na saan man sya magpunta, may makakilala at may makakakilala sakanya! Ayoko nun! Hinding hindi ako papasok sa showbiz o pag aartista para lang sa fame o sumikat!"

Aalis na sana ako palabas ng bahay ng biglang hawakan ni mommy ang braso ko. Napapikit ako sa inis...

"Anak..."-nagsusumamong pakiusap ni mommy sakin.

"Noong bata pa ako...diba nung bata pa ako...gusto nyo rin akong pumasok sa pag aartista diba? At anong sinagot ko? Hindi diba? Hindi yung sagot ko diba mommy? At kahit na ilang beses mo man akong pilitin ay walang magbabago sa sagot ko. Ilang beses mo na akong tinanong at ilang beses na rin akong humindi at umayaw. Kaya please lang mommy...hayaan nyo nalang ako."-sabi ko

"Ana---"

"Hon, wag mo ng pilitin yung bata. Kung ayaw nya, wag mo na syang pilitin pa okay? Wala ka narin namang magagawa pa...18 na ang anak mo, kaya na nyang magdesisyon para sa sarili nya. Hayaan mo na sya."-sumingit si papa sa usapan namin ni mommy galing sa dining area.

Mabuti pa si daddy...naiintindihan ako. Samantalang si mommy? Ayaw talaga nyang makinig sakin. Pilit nyang inaalok ang isang bagay na alam na nya ang sagot.

"Thanks dad. I'm really sorry mom but...i will never change my mind. It's final."-sabi ko bago naglakad papalabas ng bahay.

Pumunta ako sa kotse kong MITSUBISHI MIRAGE. Pinatunog ko muna ang alarm ng sasakyan bago ako tuluyang pumasok ng kotse. Hindi ko muna gagamitin ang MONTERO ko. Pagpapahingahin ko muna. Lagi nalang kasi yun ang ginagamit ko.

Pinaandar ko na ang kotse ko. Hinintay ko muna na mabuksan ng tuluyan ni Manang Bety ang gate bago ako tuluyang umalis.

Mag aliwaliw muna ako. Mag iinom. Ayokong pumunta sa bahay ni Lysander para dun mag iinom. Sawa na ako dun.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa isang hind end na bar. Pagkadating ko sa bar ay ipinark ko muna ng maayos ang kotse ko, malayo layo sa mismong bar. Baka kasi mapagdiskitahan ang kotse ko.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon