Ring of Promises
Chapter 7
Waiting for someone is painful. But knowing that the person you are waiting for will come back, will give you enough persistence and courage. You won't consider the seconds you've spent wasted because it is not really a waste of time.
Hindi niya alam na nandito ako sa NAIA para sunduin siya. Buong akala niya ay bumalik na ako sa Nueva Ecija dahil bukas na ang simula ng enrollment namin.
Nagpaalam ako kay Daddy na ako ang susundo kay Caspian at sakto naman na hindi pa nila tapos tingnan ang mga properties na ipapangalan kay Kuya dahil inuna namin ang paglilibot, kaya pumayag siya. Dapat ay last year pa iyon ginawa dahil noong nakaraang taon pa tumungtong sa legal age si Kuya, hindi lang naayos agad dahil nasa ibang bansa ang lawyer na nag-aasikaso noon.
Titingin pa sila ng sasakyan ni Kuya. I doubt if he'll gonna get one. He hates driving. Sabi niya ay nakakapagod at tinatamad siya. Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad siyang magmaneho ng sasakyan, wala naman siyang maisip na ibang dahilan para tanggihan niya ang alok ni Daddy. And he will study Business here in Manila soon. Kaya kailangan talaga niya ng sariling sasakyan.
Tumayo ako ng diretso nang matanaw na ang aking hinihintay.
I saw Caspian walking casually with his black baseball cap and sunglasses on. Panay ang sulyap niya sa cellphone, hindi inaalintana ang mga taong tumatabi para hindi siya mabangga.
He looked like a matinee idol with his black v-neck shirt and black pants. Ang tanging naiibang kulay lang sa suot niya ay ang kanyang silver necklace at wristwatch. Pinanood ko kung paano niya hinubad ang sunglasses at isinabit iyon sa kanyang damit. Sobrang guwapo niyang tingnan mula rito. Lalo na nang nagsalubong ang kilay niya dahil sa mga taong nanonood sa kanya.
Ilang beses nagvibrate ang cellphone ko. I'm sure it's his text, telling me that he's back, safe and sound.
I'm just a few steps away from you, Cas.
Nang ibulsa niya ang hawak at tumingin sa dinaraanan ay napahinto siya. His gaze met mine and I felt the butterflies being released again but this time because of my excitement to see his reaction. His eyes widened in shock.
Bumilis ang paglakad niya at bawat hakbang ay malalaki. Baling kung baling ang ulo ng mga tumutunghay sa kanya.
"How's your flight?" My smile faded when he pulled me into a tight embrace. Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang pinanlakihan ng mata.
Nang makabawi sa pagkagulat ay tumawa ako. Hindi ko siya matingnan dahil ang kanang kamay niya ay nasa aking batok pinipigilan ako na gumalaw.
I want to talk to him but it seems like he's still in shock. Kumalas ako sa yakap para tingnan siya. Ang kanang kamay niya ay nanatili sa aking batok at ang kaliwa naman sa likod.
Magtatanong sana ulit ako kaso ay pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paglapat ng kanyang labi sa akin.
Milyon-milyong boltahe ang umagos sa aking pagkatao. Isang kagat sa aking pang-ibabang labi ay nasunod ang kagustuhan niyang umawang ang dalawang labi, nagkaroon ng laya ang kanyang dila para galugarin ang aking bibig.
First flicked of his tounge and my senses were already lost. I kept on holding on to my sanity.
Nang putulin na niya ang halik ay pareho kaming hiningal. His forehead rested on mine.
I can't believe we just make out in front of these people! Nakakahiya!
"What are you doing here?" Nanatili akong nakapikit at hinahabol pa rin ang hininga. He planted a small and gentle kiss on my lips.
BINABASA MO ANG
Ring of Promises
RomanceAmanda Venice Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the first installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.