Chapter 17

119 11 4
                                    

Ring of Promises

Chapter 17

Next day, it's monday, back to my usual routines. Hanggang ngayon ay may bumabati pa sa akin.

I waved at Caspian after saying thanks to my former classmate.

I paced to him who's patiently waiting for me. He suddenly smirked upon seeing me. Umayos ng tayo at sinalubong ako ng halik sa noo.

Puro ganoon ang eksena namin tuwing weekdays, maghihintay siya sa akin tuwing umaga, sabay kakain sa recess at lunch, at ihahatid ako sa gate kapag uwian, kapag walang training ay siya ang maghahatid sa akin pauwi. He will sometimes take me to some expensive restaurants, if not, he'll go straight to our mansion and will play with Arashi. We don't see each other during weekends.

Kahit papaano ay natutuloy pa rin naman ang mga tanghalian namin tuwing sabado o linggo kasama ang pamilya. Pero laging hindi kumpleto.

Minsan ay kinumusta ako ni Daddy. Tinatanong kung ayos lang ba ang lahat sa school, kung may problema ba sa mga teachers ko. I lied and told him everything's fine.

I'm sensing something weird. May hinuha akong alam ni Daddy ang tungkol kay Ma'am Tavera. Nagsinungaling lang ako dahil baka makadagdag pa 'yon sa problema niya.

Lying is not that bad at all. Lalo na kung nagsisinungaling ka para hindi mapalala ang isang sitwasyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon, masama ang pagsisinungaling at hindi lahat ng nagsisinungaling ay masamang tao na. Alam kong maraming nakakaintindi sa akin, lalo na 'yong mga taong nagpapanggap na ayos lang sila kahit na hindi naman.

"You're spacing out," bumaling ako sa katabi ko at pinagpatuloy ang pagkain kahit na wala namang gana.

"Pagod ka ba? Gusto mong subuan na lang kita?" Ngumiti siya pero nawala rin agad dahil hindi ako nagbigay ng reaksiyon sa kanya.

"I have a question,"

"What?"

"Paano kung may problema ang Daddy mo tapos nagtanong siya sa 'yo kung may problema ka ba, sasabihin mong wala kahit na meron naman? Will you lie for his sake?"

"Is there something wrong?" Hinawakan niya ang aking siko. "Tell me what's your problem."

"Wala naman," mabilis akong umiling. Nakita ko sa mata niya ang pag-aalangan.

"I won't tell Papa,"

See? He'll do the same. I'm kinda relieved because of what he said. We're on the same page.

"Hindi ko sasabihin kay Papa pero sasabihin ko sa girlfriend ko." He said as he watched me with careful eyes. Ang ilang hibla ng buhok ko ay inipit niya sa likod ng aking tainga.

I smiled. "Hindi ka mag-aalala para sa girlfriend mo? Paano kung problemado rin pala siya?"

"She'll help me get through it or at least she will understand and cheer me up, I know she will do that. Ganoon din ang gagawin ko kapag siya naman ang may problema." Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib.

He's right, that's what I'll do for him. Last time I refrained myself from talking to him, we fought and almost end up our relationship.

Tumikhim ako at hinarap siya. "Well, Daddy's facing a huge problem, last month pa. I know he's struggling, kaya nagsinungaling ako noong tinanong niya kung may problema ba ako sa school."

Seryoso siyang nakikinig sa akin kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"It's my mother. May malaki siyang utang sa isang makapangyarihang pamilya sa ibang bansa, at si Daddy ang sinisingil nila." Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon