Chapter 25

112 11 2
                                    

Ring of Promises

Chapter 25

"Pinasok ko na kayong lahat sa Driving School." I nodded at that while Miranda groaned. Wait, paano 'yong kambal? They're just fifteen, turning sixteen!

"So, tuloy na talaga? Wala talaga tayong ganap buong bakasyon?"

"May ganap tayo, Ate Mira. Mag-aaral tayong magmaneho!" My brow ceased. Pwede na ba sila? Hindi ako makasingit dahil tuloy-tuloy ang palitan nila ng salita.

"What I mean is, hindi tayo magtatravel?"

"Maybe two weeks before Ace and Amanda go to Manila."

"Bakit kasi May pa lang po aalis na sila? August pa naman ang pasok sa Manila?" Tanong ni Marquise. Nagtataka rin ako kung bakit nga ba ganoon.

"Last year ay tumulong na si Ace sa main branch natin sa Pasay. Baka ilagay ko si Amanda sa Quezon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Daddy.

"Po?!" I wasn't complaining, nagulat lang talaga ako. Parang nagulat si Daddy dahil sa lakas ng boses ko.

"Ang suwerte mo pa nga at hindi ka ginulat ni Daddy. Pagkarating ko noon sa condo kinabukasan may sumundo sa akin, pinapapunta ako sa Office tapos nalaman ko magtatrabaho na pala ako." Kuya shrugged. "You didn't know my struggle. Naculture shock ako." He shook his head, maybe reminiscing his experience.

Daddy laughed. "I know it was sudden. Gano'n talaga."

"I remember that crazy girl. Sumugod sa Camp 4 sa Pasay tapos galit na galit. Can you imagine that? She yelled at me, her nails almost dug on my face." Umakto siyang kinilabutan kaya natakot ako.

"W-what?" Nilingon ko si Daddy, nagmamakaawa ang mga mata. "Ayoko no'n, Daddy. D-don't let that happen to me." Nanginginig ang boses ko at bigla na lang pumasok sa isipan ko ang baliw na babaeng sinasabi ni Kuya, madungis at sabog ang buhok habang inaawat ng guard. Tapos biglang hahablutin ang buhok o kakalmutin ang mukha ko? No way! Umiling ako dahil nagdala ng kilabot sa aking katawan ang naisip.

"Amanda, it's really a horrible experience." Binigyang diin niya ang huling dalawang salita.

"Ace, h'wag mong takutin ang kapatid mo at hindi siraulo 'yong anak ni Mr. Ferrer. Amanda, she's just hysterical because her cards were frozen by her father without her knowledge. Kaya ayon at sumugod sa Camp 4 na pinakamalapit sa mall na pinuntahan niya. Napahiya raw kasi dahil hindi nabayaran 'yong mga dapat bilhin."

"Kahit na po," mabilis akong umiling. Kahit na matino man ang pag-iisip niya bakit siya susugod ng ganon at bakit susubukan niyang manakit? "Did you heard what Kuya said? Muntik na siyang makalmot,"

"Pumagitna kasi siya, akala noong babae ay nakikisawsaw ang Kuya mo." I know Kuya just wanted to help!

"She called me names like bastard, idiot, and... gay." Sinabi sa akin ni Kuya 'yon habang nakatitig sa mata ko. Maybe Kuya Regan's right! Ang aggressive ng mga babae sa Metro Manila.

"Hindi lang 'yon-" may idadagdag pa sana siya sa sasabihin kaso ay pinutol na ni Daddy.

"Acerb," parang nanonood ng pasahan ng bola ang tatlo habang pinanonood ang pag-uusap namin nina Daddy.

Kuya shrugged again. "I was just sharing my experience."

"You overdid it. Natatakot na ang kapatid mo." Hindi na sumagot si Kuya, kinakabahan pa rin ako.

"How about, tomorrow? Weekend, wala ulit tayong gathering? Ilang linggo ko nang hindi nakikita mga pinsan natin." I cringed on what Mira said. Hindi bagay, for sure si Yra lang naman ang hanap niya. Kapag nandiyan sina Jack ay halos mamaga ang mata niya kakairap.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon