The Other Side 3

89 9 16
                                    

Warning: This chapter contains mature scenes which may not be appropriate for young and sensitive readers.

Ring of Promises

The Other Side 3

"Sige na! Go buy her something." Tinuro ni Autumn ang isang tindahan ng shake. "How about that? Bilisan mo Caspian!"

We're outside the canteen, in front of different stalls. Hinatak ako ni Autumn papunta rito para utusan akong bilhan ng meryenda si Amanda. I got a feeling that she's trying to push me more towards her friend.

"Sige na, 'yong chocolate na lang. Ate dalawa nga po, large."

"Bakit dalawa?" I can't imagine Amanda drinking two cups of that sweet thing.

"Sa akin 'yong isa, aangal ka ba?" Hinarap niya ako at dinuro. "Ang pogi mo kaso kinakalawang ka na. Hindi mo man lang naisip na bilhan siya ng kahit ano? Duh? Hindi mo alam 'yong peace offering?"

"Peace offering is given to someone you've hurt or argued with." Naglabas ako ng pera sa wallet at binayaran na ang dalawang shake.

"You really don't know Amanda. Sa ngayon, pinapatay ka na sa isip noon. Nasa isip no'n sinaktan siya noong baliw na babae na 'yon kasi gusto mo siya. Ikaw ang dahilan kung bakit siya kinuyog kahapon. Galit na galit 'yon!" Umirap siya sa akin at tinitigan ang mga kukong kulay pula. "And did you see her Tita Jade? Kalmado lang 'yon pero kapag gumalaw 'yon. Hindi mo magugustuhan."

Is that it? Kaya ba panay na ang irap sa akin ni Amanda simula kaninang umaga ay dahil sinisisi niya ako? She doesn't know how much I wanted to kill myself. I'm blaming myself too. I doubt if this lame chocolate shake will lessen her anger.

"Ibigay mo na, kaya mo 'yan. Sisilip lang ako rito. Bilis, mamaya wala ng lasa 'yan." Tinulak niya ako papasok ng aming classroom, mabibigat ang hakbang ko habang naglalakad palapit kay Amanda.

When her eyes lifted up to me, cat got my tounge. Hindi agad ako nakapagsalita, ang tanging nagawa lang ay ilapit sa kanya ang inumin. Well, I'm not prepared. Inalala ko lang ang sinabi ni Autumn sa akin. Peace offering, yeah, this is a peace offering.

I sat beside her and tried to convinced her to take it. Mabilis naman niyang inagaw sa akin 'yon at tinikman. Pinanood ko siyang binaba ang cup. My excitement took over me, she accepted it, does that mean I'm forgiven now? While pursing my lips, I played with the straw. Her lips touched this. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para humigop din sa mismong shake na ininuman niya. She seemed shocked when she saw what I did. I smirked when I caught her watching my lips. With widened eyes and lips parted a bit, she's so adorable.

I thought everything's fine after that but she became so distant. I realized maybe it's because of the rumors about us. Habang naglalakad siya palayo sa akin, doon ko naisip na layuan muna siya panandalian. I'll let the rumors cool down and then, I will continue on pursuing her. It's easy, I'm contented just by watching and staring at her. Now, I don't have to steal glances and secretly gawk at her.

One afternoon, after I put my utensils and plate on the used section. I saw Amanda, she's eating alone. Akala ko itataboy niya ako at susungitan kagaya ng ginawa niya kaninang umaga pero mali, kinausap niya ako.

"Caspian! Wait!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. In the middle of the crowded hallway, I saw Autumn gushing to me. "May sasabihin ako."

Humihingal siya at hawak ang dibdib. Kumapit pa siya sa balikat ko para kumuha ng balanse.

"What is it?"

"Sama kayo ni Amanda sa amin. Pupunta kami ni Sevan sa Gapan sa darating na sabado. Ayain mo siya." Dinuro niya ako at pinanlakihan ng mata. "Sabihin mo agad bukas ng umaga."

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon