Ring of Promises
Chapter 11
"Shit, salamat naman at tinanggap nila agad ang title natin." Nag-inat si Ireneo paglabas namin sa mini auditorium.
Ngayong araw ang title defense namin, unang grupo kami na sumalang sa harap ng mga critic kaya sobra ang kaba ko. Hindi naman kami nagtagal at agad na inaprubahan ang aming title kaya sobra ang tuwa nila.
"Neo, 'wag ka muna magsaya, title pa lang 'yon, may Final Defense pa." Si Loise na hinuhubad ang kanyang coat.
Nauunang maglakad sina Loise, Sonia, at Yumi sa amin, sa likod naman nila ay si Ireneo, ako, at si Callant. Nilingon ko si Tyrone sa likod namin na kausap si Laynard.
Sisimulan namin mamayang hapon ang research sa isang café na malapit sa school. Dahil sabado naman bukas ay pwede kaming gabihin sa pag-uwi, bukas naman ay muli kaming gagawa.
"Sa amin na lang kaya?" Suhestiyon ko, dahil nagtatalo sila kung saan kami gagawa bukas. Nilingon nila ako, medyo gulat.
"Seryoso ka diyan? Sigurado ka, pwede sa inyo?" Si Sonia na parang natutuwa.
"Oo naman, pwede tayo sa library namin." Tiningnan ko si Tyrone na tumatango, sumasang-ayon sa suhestiyon ko.
"Sakto! Matagal ko nang gustong pumunta sa inyo." Siniko ni Loise si Yumi dahil sa pag-amin nito.
"Ano ka ba? Nakakahiya 'to."
"Okay lang, matagal ko na rin naman kayong gustong imbitahin doon kaso ay nagdadalawang-isip ako, baka may gagawin kayo o kaya tumanggi kayo." Nahihiya kong pag-amin na rin.
"Ikaw ba Callant, nakapunta ka na sa kanila? Close kayo ng kuya ni Amanda 'di ba? Si Kuya Acerb?" Pangungulit ni Sonia sa tahimik na si Callant.
"Kinda. Madalas kaming imbitahan ni Captain sa mansiyon nila tuwing pagkatapos ng game. We used to hangout and celebrate our success there." Kaswal na sagot niya.
Medyo malayo pa ang lalakarin namin pabalik sa classroom, dadaanan pa namin ang malaking field at ilang building.
"Ang init naman!" Pagrereklamo ng baklang si Laynard.
"Amina 'yang laptop, ako na ang magdadala." Hinablot ni Callant sa bisig ko ang dala.
"Salamat," kahit labag sa loob ko na magpatulong ay hindi ko na tinanggihan, maiinit nga at malayo pa ang classroom namin. Dagdag pa ay mainit ang damit na suot ko at medyo masakit sa paa ang sapatos dahil matagal na nang huli akong nagsuot ng ganito.
"Hoy, Callant, ano 'yan? Bakit may paganyan ka, huh?" Usyoso na naman nila.
"Shut up."
I can feel the awkwardness gushing in. Mabuti na lang ay pinutol ito ni Laynard. Pumagitna siya sa amin ni Callant at inakbayan ako.
"Girl, ang bango mo. Anong scent mo?" This is the first time a guy put his arm around my shoulder aside from my boyfriend and family. He's still considered as a guy, right? Still, I didn't get nervous nor irritated, it felt comfortable becuase he is friendly and all.
"White Musk, it's cheap but I like it." Nilapit pa niya ang mukha sa leeg ko at sininghot-singhot ako.
"Hindi, may iba, eh. Parang may halong amoy ni Caspian? Ang bango." Humagalpak siya ng tawa
"H-huh?" Namula ako sa sinabi niya. Kung naamoy niya 'yon, hindi imposibleng maamoy rin ng mga kapatid ko. Nag-init ang mukha ko habang iniisip ang posibleng reaksiyon nila.
"Madalas ko kasing amoyin 'yong uniform ni Caspian-" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil binatukan siya ni Callant. Nakita ko kung paano siya gumanti ng hampas at kurot sa dibdib nito.
BINABASA MO ANG
Ring of Promises
RomanceAmanda Venice Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the first installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.