Chapter 3

184 15 6
                                    

Ring of Promises

Chapter 3

Kinabukasan ay maingay sa dining room dahil sa mga pinsan ko. Kapag simpleng kainan lamang at kaming walong magkakapatid lang at si Daddy ay sa kusina kami kumakain dahil mayroong mas maikling lamesa doon na para sa labing dalawang tao.

Today, we used our long table which can accomodate fifty persons. Parang may piyesta sa amin sa dami ng pagkain. Halos tanghalian na kasi nang magsigising kami at pupunta pa ang mga tito at tita ko kasama ang isa ko pang pinsan.

Dahil si Daddy ang panganay sa apat na magkakapatid ay siya madalas ang naghohost ng mga ganitong pagtitipon.

Si Tito Omen ay isang doktor, siya ang sumunod kay Daddy, may tatlong anak na puro mga lalaki sa unang asawa. Sina Kuya Art, Cassi, at Gunter. Sina Allen at Allec naman ay anak ng pangalawa niyang asawa na si Tita Zenaida, isa ring doktor kagaya niya.

Ang pangatlong kapatid nila ay si Tito Brad. Ang panganay na anak ay si Kuya Regan. Sumunod ay sina Ford, Yra, Quinn, at Dawn. Tito Brad married Tita Yssa and they both manage their own Law Firm.

Ang bunso naman ay si Tita Jade. Her sons are the famous twins, Jack and Andrei. Walang asawa si Tita pero nagagawa nitong tumayo mag-isa ng walang hinihinging tulong nino man. Kahit ang tulong ng mga kapatid ay hindi niya pinahihintulutan. She's strong and an empowered woman. Lagi niyang turo sa amin na kailangan magkaroon kami ng sariling pera para kapag dumating ang panahon ay hindi kami nakalahad sa mga magiging asawa namin.

Tinatawanan man namin ang parangal niya dahil kahit hindi na kami magtrabaho ay mabubuhay kami dahil sa mga ipinundar ng mga Lolo at Lola namin, alam naming tama siya. Nakakahiya na hindi niya ginalaw ang perang para sa kanya tapos kami, magpapasarap?

The reason why I'm gonna pursue business is because of her. I want to establish my own just like what Tita Jade did.

Nasakop namin ang mahigit kalahati ng lamesa at sobrang ingay ng paligid. Heartly laughs filled the whole dining room after the exchanges of greetings. Panay ang labas at pasok nina Manang sa hapag para sa mga pagkain at inumin.

Pagkatapos kong lagyan ng pagkain ang plato ni Mimi ay ang akin naman ang sinunod ko. Sa kanan ko ang kapatid, sa kaliwa naman ay si Kuya Regan.

Strictly no phones allowed while eating so I finished my food in just a couple of minutes. Sumimsim ako sa orange juice at pasimpleng sinilip ang cellphone sa ilalim ng lamesa. Binuksan ko ang text ni Caspian sa akin.

From Caspian:
Good morning, don't forget to eat.

From Caspian:
I'm playing soccer with my friends.

To Caspian:
Have fun!

Siniko ako ni Kuya Regan at palihim na ngumuso sa gawi nina Kuya. Ibinulsa ko ang cellphone ko at ibinaling ang atensiyon kay Mimi.

"Ate, I want chicken pa." Kinuhanan ko siya ng manok. Pagkalapag ng pagkain sa plato niya ay nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Inilabas ko ulit iyon at nakitang may text galing kay Autumn.

From Autumn:
Good Afternoon, everyone. Sa mga kagroup ko diyan, sige magpakasaya pa kayo, kunyari wala tayong gagawin, 'no?

It's a freaking GM! Natawa ako sa mababaw na dahilan. Binulsa ko ulit ang cellphone. Nag-angat ako ng tingin at nakasalubong ko ang mata ni Kuya. He's eyeing me. Para bang inaabangan niyang maligaw ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa maubos niya ang juice sa kanyang baso ay hindi niya ako tinantanan sa katitig. Nakakatakot dahil parang hinihiwa na niya ako ng buhay sa kanyang isip.

Kung kanina abot hanggang tainga ang ngiti ko ngayon pinagpapawisan na ako sa kaba. Nararamdaman ko pa rin ang tingin niya sa akin. Huminga ako ng malalim at umaktong normal ang lahat. Tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa buong silid. Tahimik ang lahat habang kumakain.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon