Chapter 10

138 12 17
                                    

Ring of Promises

Chapter 10

Ilang oras na akong nag-iisip kung paano lalapitan si Tyrone. The rumors about Ms. Tavera pleading the head came from him, I just want to make sure and ask him if he knows something.

Minu-minuto kong iniisip ito at kanina lang ay nabuo na ang desisyon ko. Hindi ako titigil hanggang hindi nasasagot ang mga tanong ko.

I rolled my eyes when I saw four girls nearing our table. Tanghalian ngayon at kaming dalawa lang ni Autumn dahil bumukod na sina Atascka, Phoebe, at Coleen sa amin. Si Caspian ay tinawag ng soccer team, para sa tryouts. Ang sabi niya ay susunod siya kung matatapos sila ng maaga.

Wala silang dalang pagkain at parang sadya ang pagpunta rito.

"Hi, Ate! Si Caspian?" It was Lisa who asked. Caspian, huh? Sa amin may ate at sa boyfriend ko walang kuya?

Nasa soccer field si Caspian para sa tryouts ng mga nais sumali sa soccer team ng senior high school. Imposibleng hindi nila alam 'yon. Kahit sa mga lower year ay nakakarating ang balita tungkol sa mga ganoong bagay, bakit sa mga babaeng 'to, hindi ata?

"Nene, wala si Caspian ngayon. Nag-aalaga ng anak niya." Panunuya ni Autumn, dumaan ang inis sa mukha ng babae pero mabilis niyang inalis iyon pinalitan ng ngiti.

"Huh? Sabi niya magkita kami dahil may sasabihin akong importante. Sayang naman, may ipapakita pa naman ako sa kanya." Malisyosang ngumiti sa akin si Krisia.

"Kung ano man 'yong ipapakita mo h'wag na lang, hindi sa 'yo interesado 'yon, Nene." Sinipa ko si Autumn at pinanlakihan ng mata. Baka mapaiyak niya 'to!

"Kung hindi siya interesado sa akin, bakit niya pa ako kinakausap?" Tsk, kasalanan ni Caspian 'to. He's too friendly, girls and boys, years older or younger than him are flocking around him.

"My boyfriend treats you just like how he treat his friends and juniors. Don't act like you're someone special to him." I smiled at her, trying to contain my growing anger.

Alam kong isang kalabit na lang ay sasabog na siya. Wala na akong pake kung maraming nakikinig sa amin. Gusto ko lang ipaintindi sa kanya ang nangyayari.

"Akala mo ikinaganda mo na 'yan?  Boyfriend mo pa lang si Caspian! H'wag ka ngang magsalita na para mo na siyang asawa." Tumawa ng malakas si Autumn sa sinabi ni Krisia.

Maraming nagulat sa sigaw niya.

"Bata, tama na. Kapag nakarating 'to kay Caspian, patay ka." Singit ng isang estudyanteng hindi ko kilala.

Sinusubukang hilahin nina Adelle at Hailey ang dalawang kaibigan dahil siguro natakot sa narinig.

I don't want to talk to her. Sarado ang isip niya at walang gustong pakinggan.
Tumayo ako at tiningnan ang pagkaing masasayang dahil nawalan na ako ng gana. Ayokong lumaki pa 'to, baka madetention na naman ako at madamay pa ang aking kaibigan.

"Let's not waste our time here, Autumn." Tumayo rin siya at kinuha ang platong pinagkainan. Pero bago siya lumakad ay nagsalita pa siya.

"'Di mo ba alam? Practice na nila ni Amanda 'yong pagiging magulang doon sa matabang aso na 'yon?" Tumawa ulit ng malakas ang kaibigan ko.

"Ano namang pake ko sa aso na 'yon?Saan kayo pupunta? Natatakot na ba kayo? Wala pa nga kaming ginagawa sa inyo." Humarang si Lisa sa dinaraanan ko. Muntik ko nang mabitawan ang hawak dahil sa pagkabigla.

"Ayaw kong sumali sa away-bata. Can you please move away?" Mahinahon kong sabi sa kanya.

Ngumisi siya sa akin at tinabig ang kamay ko. Lumikha ng ingay ang pagbagsak ng plato at mga kubyertos.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon