Chapter 23

104 12 19
                                    

Ring of Promises

Chapter 23

Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay nakatanggap din ako ng tawag mula kay Daddy. Hindi pa siya umuuwi dahil inaasikaso niya ang nangyari kanina.

Caspian was resting on their house. Sinundo siya kanina ng Mama niya sa ospital. Hindi rin mawala sa isip ko ang pagtawa ng Mama niya sa nangyari sa kanya.

"I'm proud of you son, you saved Amanda from danger. And look! You already caught your first bullet." Napangiwi ako nang hampasin ng Mama niya ang kanyang balikat na may sugat.

"See that, Amanda? I didn't even flinch when Mama hit me. Wala kang daing na narinig kaya ayos lang ako." Pagyayabang ni Caspian. Kung ako kaya ang humampas niyan para malasap mo ang daing na sinasabi mo?

I turned my gaze from him to his mother, totally never minding Caspian's boastful words.

"Tita, I'm very sorry about what happened." Caspian's mom shook her head and waved her hands, stopping me for apologizing more.

"It's okay, it's okay. No need to say sorry. That's his responsibility as your boyfriend. Responsibilidad niyang ingatan ka at iligtas sa ano mang kapahamakan." She said and her foreign accent was vivid kahit na diretso naman ang tagalog niya.

"What's important here is that he's safe. Plus, your Daddy promised us that he will do everything so that justice will be serve." Tinapik niya ang balikat ko at nilapitan ang isang nurse.

Muli kong binalik kay Caspian ang aking tingin. "I'm gonna be fine, Amanda. Pahinga lang ang kailangan ko. Your Kuya's right, don't stress yourself too much. Everything will be okay." I pouted at him.

"Paano ka? Paano 'yong speech mo bukas? Paano mo tatanggapin 'yong diploma mo? Kaya mo bang tumayo ng matagal? Paano ka maliligo para bukas?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang naglalakad palapit.

"I'm fine. I can handle it. I still have my hands. Of course." Sunod-sunod ding sagot niya sa akin. "But you can come over to wash me up." He wiggled his brows.

"Don't worry, maaga akong gigising bukas para pumunta sa inyo."

He laughed. "I'm just kidding."

"Or maybe you can sleep at our mansion? Ako ang mag-aalaga sa 'yo?" I innocently asked as I sat on his bed.

"I would love to but I don't want to be a nuisance. Nakakahiya, nandiyan pa naman ang kuya mo."

"Don't mind my Kuya, it won't matter to him." Mas nakakahiya kung uuwi ako at magpapahinga lang ng wala man lang ginawa para sa kanya.

"Really, I'm fine. Sugat lang 'to, gagaling din. The Doctor said I can go home now. Ikaw lang 'tong ayaw akong pauwiin." He ruffled my hair. Pumikit ako at dinama ang hawak niya sa akin. I'm really worried, paano ako magsisiesta nito?

"Your sisters might be waiting for you." Ginamit niya na ang kanyang alas. Ngayong sinabi niya 'yon, saka lang din nagsink in sa akin ang lahat ng nangyari kanina.

My classmates just found out my family's secret. Kahit sina Atascka ay hindi alam 'yon. Ako lang at si Kuya ang nakakaalam bukod sa mga matatanda.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Should I ask them to keep it a secret? Or maybe they have common sense, hindi naman siguro nila ipagkakalat 'yon? But I know them! Chismis will spread like wildfire, information will be altered as it passed by another person.

I sighed. "Tomorrow. Promise me you'll let me take care of you."

He crouched and kissed my ring. "I promise." He raised his eyebrows at me while caressing my hands.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon