Chapter 33

87 9 0
                                    

Ring of Promises

Chapter 33

I think the reason why people always misunderstood us is because we never really tell them the truth. That night, we stayed in my condo. I told them what happened, everything, from the beginning. Kung bakit ingat na ingat sila sa akin. It's because something really bad happened. Caspian got shot by my former teacher. Because of that incident, I became more sensitive.

They said that they're worried. Sam and Barbs remained silent. May alam silang ilang parte noon pero hindi pala talaga sila nalilinawan. They wanted to ask me but they respect my decision to be silent. Ngayong alam na nila, parang may naalis na bara sa aking puso. Ang gaan sa pakiramdam. I've never been this open to someone.

Tiningnan ko si Chianna, huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"At first, I'm really scared to tell anyone about that. I'm scared that I'll be judged. The feeling was so uplifting after talking to you guys." Kristia hugged her.

Each one of us shared about their problems. One is suffering after a heart break, one is silently crying because of a broken family, one is emotionally drained because of sibling rivalry, one is struggling because of expectations from her parents, one is crying because of being betrayed.

Hindi ko alam kung anong pakiramdam nang malagay sa ganoong sitwasyon pero sa naririnig kong nginig sa kanilang boses, parang sobrang sakit noon. I tried putting myself into their position but I can't help it. Hindi ko matagalan, hindi ko kakayanin kung pagdaraanan ko ang alin man sa mga 'yon. Alam ko sa sarili ko na mahina ako, duwag ako. I silently prayed for their healing, I want them to be free from their own sufferings, I wished I could do anything to ease their pain. They're strong and they have my deepest respect because of that.

"Mandy, you have ice cream here pala! I'll eat some of it!" Sigaw ni Piper mula sa kusina. Nanatili akong nakaupo sa sofa kasama si Sam.

Brenda and Piper ransacked my refrigerator. Sina Chianna, Kristia, at Barbs ay lumabas para bumili ng pagkain. I even heard Piper asking them to buy undergarments for them. I have unused left but maybe they're not comfortable asking for it. Hindi ko na rin naman sila inalok dahil nga bibili na sila. For their clothes, I gave them permission to use anything inside my closet.

Kanina ay tumawag ako kay Kuya para tanungin kung may extra foam siya na pwedeng gamitin, ang sabi niya dalawang inflatable bed lang ang meron siya na madalas ginagamit ng mga kaibigan niya kapag nakikitulog, hiniram ko 'yon para may gagamitin ang mga kaibigan ko.

"Saan ilalagay 'to?" Bungad niya pagbukas ko ng pinto.

"In my room, please." Then I smiled sweetly at him. Hinarap din ng mga kaibigan ko si Kuya para batiin. Sinundan ko siya sa kwarto para sana ituro kung saan banda ilalagay 'yon.

"Did you guys fight? Your eyes are sore, your nose is still red." Humarap siya sa akin, nakahawak ang kanang kamay sa baywang at ang isang kamay ay ginamit para iangat ang mukha ko.

"No, just girls talk." Naiilang kong iniwasan ang mapanuri niyang tingin.

Ngumuso siya, para bang may parte doon na nagsasabing hindi siya naniniwala sa akin.

"Babalikan ko lang 'yong isa." Lumabas siya ng kwarto habang inaayos ko ang hihigan nila.

Tinitigan ko ang kama, bigla na lang namula nang maalala ang ginawa namin ni Caspian doon kagabi. Mabilis kong pinalitan ng bagong pillow case ang mga unan, pinalitan ko rin ang cover ng kama sa takot na may makita silang kung ano. Naglabas din ako ng mga bagong blanket at comforter.

Pinulot ko ang nagkalat na pinagpalitan sa sahig. I was about to go outside when Brenda entered.

"Tulungan na kita," aagawin na sana niya ang hawak ko pero iniwas ko agad sa kanya. Ayoko nga! Mapanuri pa naman 'tong babae na 'to.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon