Chapter 15

116 12 8
                                    

Ring of Promises

Chapter 15

"The father of the debutant, Dandy Marcus." Daddy gave me my first rose, my first dance. His eyes was glistening with euphoric tears.

"You're growing too fast, anak. Marami man ang naging pagkukulang ko sa 'yo, sa inyong magkakapatid. Masaya ako na napalaki ko kayong lahat bilang mabubuting bata. All I want for you is genuine happiness, Amanda. That's why I accepted Caspian in our family. I need his help to give you that genuine happiness completely."

"Thank you, Daddy. Sa lahat-lahat. Sa sobrang dami ng nagawa at naibigay mo sa akin hindi ko na mabanggit isa-isa." He laughed and planted a small kiss on my forehead.

"Acerb Ysmael Marcus," I smiled at Kuya who is now walking towards me. I hugged him before accepting the flower.

"Remember when I said, you will break my heart if you will have a boyfriend?"

"Yeah," tumango ako sa kanya.

"You broke my heart very early, I don't think anyone will be deserving enough for you. I'm still broken, Amanda. But what can I do? I'm not God, I'm just your Kuya," malungkot siyang tumawa, marahan kong tinapik ang kanyang balikat.

"Pinagtatawanan ka na nina Jack, oh." Nginuso ko ang mga nakatayong pinsan na nagtatawanan. They're ruining the moment!

"Just don't let your heart be broken, okay? Kuya is always here for you. Happy Birthday." He kissed my forehead tenderly.

"Adryan Marquee Marcus," hinintay ni Kuya na makalapit sa amin si Marquee bago ako binitiwan.

"You're so tall! Malalagpasan mo na ako." Tumawa siya sa sinabi ko.

"You look so stunning, Ate. Hinihingi pa ng mga kaklase ko ang number mo at nagpapalakad sa akin."

"What?" Hindi ako makapaniwala sa narinig.

"I told them, I'll beat them to pulp before that happen." Ginulo ko ang buhok niya. Marquee's kinda possesive just like Kuya. Pero mas masungit siya sa mga umaaligid sa kakambal niya. I don't know, it's a twin thing, maybe?

Tito Omen was next. He's wearing a black suit paired with a maroon necktie. Litaw na ang puti mga puti ng buhok niya pero hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nito. Inabot niya sa akin ang rose at sinayaw na ako.

"I'm glad you inherit our features, Amanda. Mabuti na lang at hindi ang kay Arkisha." Tumawa siya. Among the Marcus siblings, he loathed my mother the most.

He hates her, maybe because she took my father for a fool. She fooled everyone, even us.

"Tito, let's just forget about her, okay? Ang mahalaga po ay payapa na ang buhay natin."

"You're right!" Parang kumislap ang mata niya sa narinig sa akin. "Let's just enjoy the night!"

Sumunod si Tito Brad. Nagbiro pa siyang nagulat siya nang makaharap ako. Nagtawanan ang mga bisita dahil kita ang ginawa niya sa may malaking screen.

"Oh, you're already at legal age, Amanda. Mag-ingat lalo sa mga ginagawa. You must raise your guards, do not let your emotions took over you. You are no longer a minor, meaning, you are now responsible for your words and actions."

Tumango ako kay Tito Brad, totoo ang sinabi niya.

Tahimik at awkward naman ang naramdaman ko nang sinayaw ako ng magkapatid na Allec Brandon at Allen Jacobson. Anak sila ng pangalawang asawa ni Tito Omen. We're not really close tho, sa mga pinsang lalaki siguro, oo, pero ilag silang dalawa sa aming mga babae. Madalang din silang sumama sa mga outing at sleepovers namin, dahil hindi sila nakatira kay Tito Omen. Even though they are not bearing his name, Tito treated them as their own.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon