Chapter 6

149 11 5
                                    

Ring of Promises

Chapter 6

Walang araw na nawalan kami ng gagawin, bawat sandali ay sinisigurado nilang masaya dahil pagkatapos nito ay panibago na namang delubyo ang kahaharapin namin, pangalawang semester na.

Sa unang araw namin ay nagliwaliw sila sa puting buhangin at asul na tubig. May ngiti sa labi ko habang pinanonood ang mga pinsan na naglalaro. Nanatili ako sa isang lounge dahil medyo mainit pa, katabi ko si Atascka na may hawak na libro.

"Stop that, Atascka. Bakasyon na libro pa rin?" Inabot ng paa ko ang binti niya at tinulak iyon pabagsak sa lupa.

"You should enjoy the view,"

"Bakit ikaw?" Nakanguso siyang bumalik sa pwesto.

"I'm enjoying the view, I'm looking for a subject." Pinakita ko sa kanya ang nakasabit na DSLR sa aking leeg. Tinutok ko sa kanya iyon, isang click ay si Atascka na seryosong nakatunghay sa libro at nililipad ng hangin ang buhok ang bumungad sa akin.

"This is my way of enjoying things, Ate. Parang pagkuha mo lang ng litrato."

Hindi na niya ako pinapansin pagkasabi noon kaya't pinagpatuloy ko ang pagkuha ng litrato sa kanya. Nang nasatisfy na ako sa mga kuha ay tumayo ako at nilapitan ang mga nakababatang kapatid at pinsan na gumagawa ng sand castle.

Si Maddie ay may hawak na laruang pala at si Mimi naman ay naglalagay ng lupa sa maliit na timba hindi kalayuan. Si Dawn na pinakabata sa amin ay nakangusong pinapagpag ang kamay. Kinuhanan ko sila ng litrato.

Buong araw ay ganon ang aking ginawa. I like the beach but I never really enjoyed staying in it. Kaya madalas ay sa dalampasigan lang ako nakaupo at pinanonood sila o hindi kaya ay tumutulong sa paghahanda ng pagkain. May pamilya namang nangangalaga sa isla na ito pero hindi sila katulong kaya kami mismo ang gumagawa ng mga gawain.

Sa pangalawang araw namin ay sa talon kami nagpunta. Panay ang pagpapakitang gilas nina Jack, Andrei, at Kuya ng mga diving skills nila.

The next day we vouched for activities on the next island. We rented one villa since we're not staying for the rest of the day, para may mapaglagyan lang ng mga gamit. Naiwan sina Daddy, Maddie, Mimi at ang kambal pati na rin ang dalawa kong pinsan na sina Dawn at Quinn dahil masyado pa silang bata para sa mga activites na gagawin namin. Ang mga tito at tita rin namin ay naiwan. Surfing and scuba diving are the only ones I tried. Natatakot akong sumubok ng mga extreme activities kahit na may mga guide naman kami. I can't afford to entrust them my life.

Kuya Regan, Jack, Andrei, Ford, Kuya Art, Cassi, Gunter, and Kuya chose extreme activities like parasailing and wind surfing. Dinig ang mga sigaw nila mula sa pinanonooran namin.

Bumibili ng buko sina Yra at Miranda, ako at si Atascka naman ay nanonood. Inabot sa akin ni Yra ang buko, agad akong sumimsim doon.

"Hmp, ang yayabang nga mga 'to. Akala mo naman mga professional." Nakaismid si Yra, naiinis dahil hindi siya pinayagang subukan ang mga activities na ginagawa ng mga lalaki.

"Parang ang saya pa naman, tingnan mo nakikita ko 'yong gilagid ni Kuya Regan dito, sobra kung makangiti." Tumawa ako sa sinabi niya. I squinted my eyes to check, Yra's exaggerating things.

"Maybe next time, Yra."

"Kayong dalawa ano bang meron at rash guard ang suot niyo?" Puna ni Yra sa suot namin ni Atascka.

"We're on the beach, Yra. Natural na rash guard ang isuot namin. Hindi ba mas weird kung pantalon ang suot namin?"

"Duh, Atascka, you should wear bikinis in a beach." Tiningnan ko ang suot niyang pares ng pulang bikini, kay Miranda naman ay itim. These two are like twins. Kung anong meron ang isa, meron 'yong isa.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon