Chapter 22

94 10 3
                                    

Ring of Promises

Chapter 22

"Gusto ko lang sabihin na I will miss you guys! I hope lahat sa atin right path ang tatahakin." Sabi ni Laynard sa matinis na boses. Nagpabida na naman siya sa harapan at halos lahat ng lalaki ay binigyan niya ng flying kiss.

Sinuot pa niya ang tali ng kurtina namin sa kanyang ulo at kumaway-kaway na parang beauty queen. Wala na ata siyang ibang maisip na pakulo at pinatulan na lang ang pinapagawa sa kanya ni Autumn.

Ang mga kaklase ko namang bored sinakyan sila at mga nagsipostura pa na animo mga professional photographer sila.

I cringed when Laynard shook his booty while standing in front of the teacher's table. Tinakpan ni Caspian ang mata ko at narinig ko ang mahihinang mura niya. Hindi niya kasi puwedeng suwayin ang kaklase namin, nagkakatuwaan lang at alam niya 'yon.

"Gago ka, nandiyan na si Ma'am Tavera!" Sabi ng isa naming kaklase na kapapasok lang. Dali-dali silang nagsi-ayos at umupo sa upuan na akala mo walang nangyari.

Wala pa ngang isang minuto ay pumasok na si Ma'am Tavera na medyo pawis. Isang maliit na sling bag lang ang dala niya.

Tinuyo niya ang pawis gamit ang panyo at lumapit sa pintuan at kinandado iyon sa loob. May ilang nagbulungan dahil sa ginawa niya.

"Sinara ko para walang abala sa atin." She plastered a genuine smile, and roamed around the four corners of our classroom.

"Ma'am, hindi tayo pupunta sa practice?" Excited na tanong nila.

Ngumiti ulit siya at tumango. "Sinabi ko na may gagawin tayo kaya excused kayong lahat sa practice, tutal ay last na 'yon ay pinayagan nila tayo. Gusto ko lang magpaalam sa inyo ng maayos at bigyang linaw 'yong mga katanungan ninyo." Pumunta siya sa likod at may kinuhang box doon.

Inabot niya 'yon sa President namin. "No cellphones allowed. Pakikolekta lahat ng cellphone nila, Miss President."

Kahit hindi maganda ang kutob ko ay nilagay ko pa rin ang cellphone ko sa kahon. I tugged Caspian's sleeves.

Lumingon siya sa akin na nag-aalala. "Is something wrong?" He whispered. Bakas sa mukha ang pag-aalala, hinawakan niya ang kamay ko.

The warmth of his hand set my insides into calmness. It's like he's assuring me that everything's gonna be fine as long as he's here, beside me.

"Is this some kind of game?" Bulong ni Callant na medyo naiirita na.

"Congratulations nga pala sa Class Valedictorian natin." She clapped her hands. Nakisabay ang mga kaklase namin doon. "Keep up the good work, Mr. Silvestre."

Her gaze went to me. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil nakakatakot ang kanyang ngiti. A kind of smile just like those witches in the movies. It's terrifying.

"Thank you, Ma'am Tavera." Caspian tried to snatch her attention. The room fell silent. Ramdam ko pa rin ang tingin niya, hindi ko alam kung bakit pero parang nanggigilid na ang luha ko.

"Ma'am, bet niyo ba si Amanda? Taken na po 'yan, hehe." Alanganing biro ni Laynard. Narinig kong pinagmumura siya ng mga katabi niya.

"I just wanna ask. Ilan ulit kayong magkakapatid, Miss Marcus?" Binigyang diin niya ang apilyido ko. Napalunok ako at hindi nakasagot sa kanya.

"Walo po sila, Ma'am." Autumn answered for me.

"Sigurado ka? Walo talaga kayo?" Nagpantig ang tainga ko sa tinanong niya. May kutob ako kung saan patungo ito. Pero paanong nangyari na parang alam niya ang pinakatatagong lihim ng pamilya namin?

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon