Chapter 2

214 17 26
                                    

Ring of Promises

Chapter 2

Mabilis na lumipas ang mga araw. And Caspian's not done with pursuing me or flirting with me. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. He's not my boyfriend but sometimes I let myself be free with him. There are times when we are alone he'll just kiss me, I never respond to any of it but also I never stopped him. Siguro nga masyado pa kaming bata at parehong nadadala lang ng excitement o curiosity.

We started to get to know each other. Nasabi na niya ata lahat ng tungkol sa kanya, gano'n din naman ako sa kanya.

Gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi pa ako handang magkaroon ng boyfriend pero dahil pinahihintulutan ko siya sa mga ginagawa niya, nalilito na rin siya. I'm giving him mixed signals. He insisted that I'm just confused and scared at the same time.

"I want to kiss you more." Siya habang hinihingal pa ako mula sa pagkakahalik niya. I tried stopping him by pushing his chest away. Kasi alam ko, alam kong baka ako mismo ang bumigay kapag pinagpatuloy pa namin 'to.

Nahihilo ako sa mga halik niya lalo na nang gumapang pababa ang kanyang labi sa aking panga at leeg ko. My breath hitched.

"Caspian," that came out as a moan. Humalakhak siya at mas niyakap pa ako, pinagbutihan ang paghalik sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang bilis at bigat ng paghinga niya.

"Hmm," sinubukan kong magreklamo pero napunta sa halinghing ang mga sasabihin ko dahil sa pagbalik ng labi niya sa akin.

Sinuklian ko ang mga uhaw niyang halik at ikinawit ang mga braso ko sa kanyang leeg.

Today's his birthday, nandito kami sa kwarto niya ngayon. I feel really bad as a daughter. Nagdahilan ako kay Daddy na pupunta sa bahay ng kaklase para sa project namin, which is true pero hindi pa namin naaasikaso ngayon. Hindi ko sinabi na pupunta ako sa bahay ng manliligaw ko. Pumayag si Daddy dahil kasama naman si Autumn. And she's somewhere in this house with her boyfriend, Sevan. I feel really bad, pakiramdam ko niloloko ko ang aking Daddy.

What are we doing, Caspian? Hindi dapat ito ang ginagawa namin. Inaya niya akong umakyat dito dahil isusukat daw niya ang regalo kong branded shirts. Ano 'yon? Excuse lang niya para sumama ako paakyat sa kanya at gawin ng walang sabagal ang balak niya?

Ang pamilya ni Caspian ay nasa ibang bansa kasama ang bunso niyang kapatid. They're staying abroad dahil sa sakit ng bata. At ang sabi niya ay ayos lang na hindi na umuwi ang mga ito sa kanyang kaarawan dahil mas kailangan sila ng kanyang bunsong kapatid. He's so understanding.

Tumalikod ako sa kanya pagkatapos ng ginawa namin. Nahihiya ako, ngayon lang ako sumagot sa mga halik niya, siya pa mismo ang kusang tumigil. He hugged me from the back.

"Hmm, I love you. Best birthday gift ever." Hinalikan niya ang ulo ko. Hinarap ko siya, nanlalambot pa rin sa pinagsaluhang mga halik.

Tinitigan ko siya bago hinalikan sa labi. Sinubsob niya ako sa kanyang dibdib.

"Does that mean you're my boyfriend now?" Napaangat ang ulo ko. Tumawa siya at ibinalik ang ulo ko sa dibdib niya.

"I'm your boyfriend until you say so, Amanda."

"Really?" Tango ang isinagot niya sa akin. Hindi ko alam na sa akin pala dapat manggaling 'yon. Bakit kasi ang kwento sa akin ni Autumn, wala raw nagsabi sa kanilang dalawa kung boyfriend at girlfriend na ba nila ang isa't-isa.

Basta, nalaman na lang naming dalawa na kami ng walang salitang nanggagaling sa amin.

Narinig ko sa isipan ang sinabing iyon ng aking kaibigan.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon