Chapter 24

99 9 5
                                    

Ring of Promises

Chapter 24

I never knew how tough it is to let go of someone precious to me, for the second time around. I never knew this would be too hard and painful for me. As I loosen my hug, as I let my tears flow, it breaks my heart bit by bit. Why did I let this thing happen? Why do people have to say goodbye? Why does it always have to be me? How I hoped that this is just one of my worst nightmares, I want to escape from this hell. I want to wake up.

"It's gonna be okay," he hugged me as we watched the car drove away from me, from us.

Lalong sumikido ang kirot sa aking puso habang naglalaro sa isipan ko ang mga masasaya naming ala-ala. Humagulgol ako sa kanyang dibdib habang hinahaplos naman niya ang aking buhok. Hindi ba sapat 'yon para manatili siya?

"Kuya's here, stop crying, please," his voice broke. "You're breaking our hearts too, Amanda."

"We should go inside. Lalo ka lang maiiyak kapag nanatili pa tayo rito." Nakaalalay siya sa akin habang paakyat kami.

No one dared to speak when we went inside. Lalo lang noong pinasok sa isipan ko ang nangyari. Ayokong madamay ang mga kapatid ko sa aking pag-iyak kaya pumanik ako sa aking kwarto. Alam kong nakasunod ang tingin nila sa akin pero wala pa ring nagsasalita.

Alam kong nasasaktan din sila pero mas masakit para sa akin 'yon. I didn't have the guts to give my goodbye kiss and hug. I didn't have the guts to bid my proper farewell. Naniniwala kasi ako na babalik naman siya pero sa umpisa pa lang, kailangan ba talagang umalis?

Ni hindi ko man lang siya nagawang mayakap bago tumalikod. Bakit inignora ko siya sa mga natitira naming araw na magkasama? Tinakip ko sa aking mukha ang unan para mapigilan noon ang mga hikbi ko.

"Hindi siya magiging kampante kapag nalaman niyang hindi ka masaya, Ate. Tahan na," pilit niyang pinupunasan ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak.

"Why, Miranda? Sino bang magiging masaya sa naging desisyon niya? Nasasaktan ako, eh, malamang iiyak ako." Hindi ko na napigilan ang galit sa aking boses.

"Nasasaktan din naman kami, but don't let yourself rot to tears. Wala pang isang araw nang umalis siya, paano pa bukas? Sa isang araw? Sa susunod na linggo? Buwan? O taon?"

"Ayokong pati sa 'yo ay magdamdam ako, Miranda. Please, leave me alone, kahit saglit lang."

"Fine, pero sana tanggapin mo ang naging desisyon niya. Gusto ko lang ipaintindi sa 'yo na hindi mo hawak ang buhay niya. You can't deprive people their freedom to decide for their own. Kung hindi mo nagustuhan ang pag-alis niya, move on. Nandito naman kami nina Kuya, nararamdaman din namin 'yong sakit na sinasabi mo. And sana 'wag mo nang dagdagan ang alalahanin ni Daddy. You know he's facing a lot of problems now." Mahabang sabi niya bago ako iniwan.

Ang sakit ng mga salitang binitiwan niya, masakit dahil totoo lahat. She's right, I can't control someone's life. Hindi ko hawak ang desisyon niya. Nandiyan silang mga kapatid ko, nararamdaman din ang sakit na pinagdadaanan ko.

Dahil lahat kami apektado sa pag-alis niya. Last week ang saya-saya pa tapos ganito na agad? Last week masaya pa kaming kumakain sa hapag pagkatapos ng graduation ko. Tatlong araw pagkatapos sabihin ni Daddy ang totoo sa kanila ay napagdesisyonan niyang sumama sa Lolo niya. Alam kong nag-usap silang dalawa ng palihim. The old man successfully convinced her to come with him.

Atascka chose to continue her life with her grandfather. I know it was a tough decision for her. Ako ang una niyang sinabihan nito, akala ko ang hindi pagpansin sa kanya ay magpapabago ng desisyon pero bakit ganito? Sinayang ko lang ang oras, hanggang sa pag-alis niya kanina ay hindi ko siya kinausap, hinalikan, o niyakap man lang. Tsaka ko lang naunawaan ang katangahang ginawa ko nang umaandar na ang sasakyang maghahatid sa kanya, kasama si Daddy.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon