Chapter 16

110 11 4
                                    

Ring of Promises

Chapter 16

Dalawang beses na akong nagpalit ng damit. Ang una ay halos kagaya lang din ng ballgown ko kaso ay light ang color nito at ang suot ko ngayon ay isang champagne long dress.

Hawak ko ang wine na bubuksan ko mismo, dahil ayon kay Tita Jade ay simbolo raw iyon ng pagiging independent. Ako rin mismo ang magsasalin sa wine glass ko nang walang tinatanggap na tulong. Ewan ko kung pakulo lang ba 'to ni Tita o ano pero sumunod na lang ako.

I successfully removed the cork, they cheered for me when a loud pop filled the air. Nagsalin ako sa wine glass at tinungga ang kapiranggot noon. Ngumiwi ako sa kaunting pait na dala noon sa dila ko.

Tinapik ni Tita Jade ang likod ko habang tumatawa. That's the first ever liquor I've tried and I already hate it.

May mga hinandang palaro para sa lahat. Susukatin kung gaano ako kakilala.

"So, every time you got a correct answer, you will be given a card." Itinaas noong host ang isang deck ng cards.

"Dapat itabi niyo dahil kung sino ang may pinakamaraming makukuha ay may pagkakataon na humiling ng isang wish kay Amanda."

Nagsimula sila at puro tungkol sa akin ang tinatanong nila. Nangunguna sina Miranda at Autumn sa pagsagot, kalaunan ay humabol si Caspian dahil pinagbibigyan siya.

Autumn was booing him already. Pero pinipilit siya ng host na sumagot at binibigyan pa siya ng clue!

"Anong section ni Ma'am Amanda noong siya ay Grade 7?" Of course, he knew that! Magkaklase kami.

"Amethyst," pumalakpak ang host at inabutan siya ng card.

Sa huli ay nanalo si Caspian kahit na may halong pandaraya ang laro, pinagbigyan ko na lang si Autumn at pumayag sa gusto niyang package trip patunggong Cebu.

"It's a secret." Sagot ni Caspian nang tinanong siya kung anong hiling niya. Tinukso siya ng mga kaklase namin.

Napansin kong natutuwa sa kanya 'yong baklang naghost ng laro dahil siya rin ang inulan ng tanong noong inaayos na ang video na ipanonood.

"Gaano na kayo katagal na magkakilala ni Miss Amanda?"

"I lost count of it," nagtitili ang pa ang host, kinikilig sa pagsasalita niya, may pa himas pa sa braso ng boyfriend ko!

Magtatanong pa sana siya kaso ay inawat na siya noong organizer. Pinapuwesto ako sa pinakaharap at gitnang lamesa, sa tabi ni Caspian.

He's holding a glass. Namumula na ang pisngi niya, kumunot ang noo ko. Lasing ba siya? Nakakalasing ba ng sobra ang wine?

Just as I sat next to him, his arm automatically took its placed at the back of my seat. Nakatuon ang mata ko sa hawak niya.

"That's not a wine." Tukoy ko sa iniinom niya dahil iba ang amoy nito.

"Jack gave this to me." Panglalaglag niya sa pinsan ko.

Daddy won't allow that. Saan naman kaya sinilid ni Jack ang hard drinks na 'to?

May itinuro siya sa bandang likod ko at nakita kong nagsasalin nga si Jack na parang waiter sa mga baso ng mga kaibigan niya. Ang effort niya, ah? Basta kalokohan talaga, tsk.

Binalewala ko 'yon at hinilig ang aking katawan kay Caspian. He supported my weight as if I'm light as a feather.

"Are you tired?"

Tumango ako at hinila ang kamay niyang nakalagay sa upuan ko. Mas lalo siyang lumapit dahil sa ginawa ko.

They played the video and I can't help but to cringed. Ang awkward kapag sarili mo ang pinanonood.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon