Chapter 37

94 9 0
                                    

Ring of Promises

Chapter 37

One morning, Barbs and Chianna visited. Gaya ng nakakaraan, tinawagan na naman si Caspian.

"Caspian, it's us! Barbs and Chia!" Sigaw agad ni Chianna sa telepono. "Oh my goodness! This is stressing me out!"

"Mandy, tara kain!" Kusang pumasok sa kuwarto si Barbs na siyang may bitbit ng pagkain. Si Chianna ay pumunta sa kusina para kumuha ng ilang gagamitin at inumin.

"Why are you allowing this to happen? You're a dove but it doesn't mean you deserve to be caged. No one deserved to be treated like this, everyone needs freedom. My gosh!" Pagsisimula ni Chianna ng kanyang litanya. "Paano pa kaya kung mag-asawa na kayo? Hindi ka na patatayuin sa kama dahil sa takot na mapagod ka?"

"Chia, don't stress yourself. Kaaga-aga, let Mandy breathe, okay?"

"It's not like I'm choking her or something. Si Caspian ang gumagawa noon sa kanya, okay?"

To be honest, I don't know what to say. I'm out of words.

"Tell me, tuloy pa ba ang kasal? Paano mo nakakausap ang mga organizer niyo kung ganito ang set-up niyo?"

"We talk... over the phone. Hindi pa naman daw kailangang magkita sabi ng organizers." Tumabi ako sa kanila.

"Chia, kakain na tayo." Pinanlakihan ni Barbs ng mata ang kaibigan kaya tumahimik na lang ito.

Nagsimula kami sa pagkain, nararamdaman ko ang mga alanganing tingin sa akin ni Barbs.

"Anyway..." nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang binasag ni Barbs ang katahimikan.

"I thought we're eating?" Singit ni Chianna. She received a death glare from Barbs.

"The reason why I came here is not just to pay you a visit. May nakita ako..." binulong ni Barbs ang huling tatlong salita na kahit si Chianna na kasama namin ay hindi narinig.

"What did you say? Lakasan mo kasi hindi ko marinig" Kinurot ni Barbs ang hita ni Chianna. "Ouch!"

"Tone down your voice!" Gigil niyang bulong.

"What is it? Anong nakita mo?"

"I saw Autumn, with my own eyes."

At first, I didn't believe her. Maybe she's just bluffing or what? But when I saw how serious she is, my heart started to act strange.

"Nakita ko talaga. I swear to God, you know I never lie."

"What are you saying? Stop joking around." Ang pekeng tawa ko ay unti-unting nawala nang makitang seryoso talaga siya. "You're serious."

"I am serious. Nakita ko talaga siya malapit sa review center namin. Hindi ko na siya nahabol kasi biglang nawala. As in!" May kasamang pagtango ang pagsasalita niya kaya mas lalo akong nakumbinsi na totoo ang sinasabi niya.

"Bakit hindi naman siya mahanap nina Caspian? Sasabihin ko sa kanya na nakita mo-"

"Are you stupid, Amanda? Don't tell him!" Pagpipigil sa akin ni Chianna. "Are you even sure he's looking for her? I don't want to ruin Caspian's reputation or what pero 'yon kasi agad ang pumasok sa isipan ko. Hindi kaya tinatago ni Caspian ang kaibigan mo?"

Kumunot ang noo ko. "What? He would never do that. Hinahanap nga namin-"

"Oh, don't play the dumb part, Mandy. Bakit hindi mo muna ipaalis ang mga bodyguards na 'yan para makita mo kung saan siya pumupunta? Kung ako lang, gusto kong sundan si Caspian para sa 'yo pero hindi ko magawa dahil nagre-review ako."

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon