Prologue

518 23 4
                                    

Ring of Promises

Prologue

I think it's normal to experience unexpected things at any moment of our life because there is no certainty in everything.

Just like how our instructor will use up all her period of time on our class. Minsan may tinitirang oras, minsan sakto lang kung gaano katagal dapat, minsan sumusobra naman at nasasakop pa ang oras mo para sa ibang bagay.

"Amanda, tara na." Autumn is impatiently waiting for me. "Magugulo din naman 'yan, kaya h'wag mo nang ayusin.

She's pertaining to the pens I'm arranging on my pencil case. I realized that she's right kaya basta ko na lang sinalampak sa lalagyanan ang mga ballpen na hawak at hindi na nagawang isara dahil nagmamadali siya.

"Ako na nga, ang tagal mo, ubos na 'yong ulam sa canteen niyan." Litanya niya at inagaw ang backpack sa akin, sinilid niya sa loob ng bag ang ilang notebook kong nakalabas at ang pencil case. Siya na ang nagsara noon at nagbaba sa upuan ko.

"Hindi ko naman kasalanan kung maubos 'yong ulam. Overtime kasi 'yong teacher natin." Paalala ko sa kanya habang inaayos ang paldang uniporme.

Nagtalo pa kami hanggang makapunta sa canteen. Hindi naman kami laging nagtatalo at kung mangyari man ay tungkol sa maliliit at walang kwentang bagay lamang iyon.

"Ang haba ng pila!" Autumn whined. Tinawanan ko lang siya at nanatiling tahimik sa kanyang likuran.

This is not our usual day. Madalas ay payapa naman ang tanghalian naming dalawa kasama ang kapatid at mga pinsan ko pero dahil nagtagal pa ng ilang minuto ang last subject namin sa umaga, nahuli kami ng labas. Kumain na rin siguro ang mga kasabay namin kaya hindi ko na sila inalala pa.

"Greg! Halika rito." Tawag ni Autumn sa isa naming kaklase, agad namang lumapit iyon sa kanya.

"Oh, bakit?"

Nginuso ni Autumn ang hawak na tray ni Greg. Bumaba tuloy ang tingin ko doon.

"Mayroon pa ba n'yan doon?"

Parang nakuha agad ni Greg ang gustong iparating ni Autumn. Tumagilid siya para ialis sa harapan ni Autumn ang pagkain.

"Ewan ko. Pinabili ko lang 'to kay Luis, eh."

Ngumiwi si Autumn. "Sisinungaling pa 'to, wala na 'no?"

"Ewan ko nga, hindi ako nagsisinungaling. O, ayan sina Callant at Caspian, sila tanungin mo." Nginuso niya ang palapit na mga kaibigan. Agad akong nag-iwas ng tingin sa gawi nila.

"Bakit?" Tanong nito sa mahinahong boses.

"May ganito pa raw bang ulam doon?"

"Wala na..."

"Caspian, totoo namang pinabili ko lang 'to kay Luis, 'di ba?"

"Oo, nagpasabay lang kami."

"Tss." Tanging nasabi ni Autumn at iritadong bumaling sa harapan niya.

"Sorry..." I said in a low voice. I don't want her to be upset because of that. Parang kasalanan ko nga na naubusan siya ng gusto niyang ulam. Pero kung hindi ba ako nagtagal, maabutan pa rin namin iyon?

"Why are you saying sorry, though?" Nakasibangot na tanong ni Autumn, bumaling siya sa tatlong lalaking nakikinig. "Lumayas na nga kayo sa harapan ko."

"Well, you can have mine if you want, Autumn." Alok ni Caspian sa kanya. Parang nagliwanag ang mga mata ng kaibigan ko dahil sa offer na iyon.

"Talaga? Anong gusto mong kapalit kung gano'n? Hintayin mo ako, bibili lang kami ni Amanda." Nagkatinginan sila ni Caspian, tila nag-uusap gamit ang mga mata. "Or not. Gutom na gutom na ako. Amanda?"

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon