Chapter 27

107 9 2
                                    

Ring of Promises

Chapter 27

Hindi ko na siya hinayaang kumuha ng hotel room dahil pwede naman siyang matulog sa condo ko.

"I texted Kuya. Magpapatulong akong magbuhat ng mga p-pinamili ko." I gulped when he glanced at me. Maybe he find it too funny that I stuttered. Baka iniisip na kinakabahan ako. Oh well, totoo naman!

"I can handle it though." He cleared his throat.

"It's okay, my brother won't mind helping." He sighed. Pinanood ko kung paano nakahilig ang pisngi niya sa kanyang kamao, ang kaliwang siko ay nakasandal sa sa bintana ng sasakyan, ang isang kamay ay nakahawak sa manibela. Para bang tamad na tamad siyang magmaneho. I pouted, maybe he's too tired. Puwedeng ako ang magmaneho para sa kanya pero siguradong 'di siya papayag.

"You sure?" Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "You're comfortable enough to make me stay in your condo?"

"Yeah?" I sound too hesitant at that. Nilingon niya ulit ako nang paliko na kami sa basement ng condo.

He chuckled a bit. Hinarap niya ako nang tuluyan niyang maiayos ang kanyang sasakyan sa parking space.

"Ano?" Tanong ko sa kanya. He raised his eyebrows at me, he's like indicating a battle and he's determined to win it.

"Let me see how comfortable you are, then?" Walang pasabi niyang hinila ang batok ko, mabilis niya akong sinalubong ng halik. Marahas iyon pero may halong pag-iingat. I was too preoccupied by his kisses to the point I did not gave any attention to my brother's calls.

Tumutunog ang cellphone kong nakapatong sa aking hita. Sinilip ko lang 'yon saglit at napapikit na ulit nang bahagyang kinagat ni Caspian ang pang-ibabang labi ko. I moaned and he took that as a gateway to enter my mouth. With his wandering tounge I muttered his name.

Napadilat ako sa katok sa bintana ng sasakyan. Parang nawala ang dugo sa mukha ko nang makita si Kuya, nakatutok sa tainga ang cellphone habang kinakatok ang bintana ng sasakyan. Hinihingal pa ay agad akong kumalas kay Caspian, inayos ko ang sarili ko. Pakiramdam ko ay namumula ang labi ko.

Caspian brushed his lips with his thumb and pushed his hair back. Nauna siyang lumabas para salubungin si Kuya. Nang kumalma na ang paghinga ko ay lumabas na rin ako. Kuya looked at me with his curious eyes.

"Kumain ka na, Kuya?" I asked, pretending that everything's fine.

"Oo. How was it?"

"Huh?" Kinabahan ako sa tanong niya, hindi ko sigurado kung nakita niya ba 'yong ginawa namin ni Caspian sa loob pero para saan ba ang tanong niyang 'yon? Saka bakit niya kukumustahin ang halikan namin? I know it's normal for a couple to kiss. Pero kung nakita man niya, bakit niya kukwestyunin 'yon? Is he out of his mind?

"Your sleep? Napagod ka sa pamimili kaya nakatulog ka." Nang tingnan ko si Caspian ay nag-iwas agad siya ng tingin at binuksan na ang compartment ng sasakyan niya.

"Ayos lang naman, Kuya." Parang tumakbo ako ng malayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pinakaba ako ni Kuya! Nasabi niya naman na dati na nahuli na niya si Caspian na nagnanakaw ng halik sa akin ano pang pinagkaiba noon dito?Napakainsensitive ni Kuya!

"Tita Jade e-mailed me, may darating daw na package para sa 'yo next week. Sabihin mo sa akin kung kailangan mo pang magpadagdag ng cabinet sa condo mo." Tinalikuran niya ako at tumulong na sa pagkuha ng mga paper bag.

"I can handle it, Ace. Kung may kailangan si Amanda, sasabihin niya sa akin kung ano 'yon." Aapila sana ako sa sinabi ni Caspian kaso ay nauna na si Kuya.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon