Chapter 30

116 9 0
                                    

Ring of Promises

Chapter 30

After the morning class we went to Bloemen Hall to buy some foods. Burger lang ang binili ko dahil hindi naman ako masyadong gutom dala ng alanganing agahan namin kanina. Mabagal kaming naglalakad papunta sa susunod naming klase habang kumakain. Medyo mahaba ang lunch break namin at wala namang hinahabol na gawain kaya malaya namin itong nagagawa.

"So, you're saying na classmates sila since 7th grade? And when you guys turned grade 11, he courted Amanda?Oh my, that's so sweet." Brenda said.

"Yeah, kaya nakakatuwa talaga na hanggang ngayon sila pa rin." Sagot ni Barbs sa Chinese naming kaklase. "We witnessed how they grow and it's kinda satisfying."

I really don't mind if they're talking about my love life in front of me. Si Barbs na ang sumasagot sa mga tanong nila dahil alam naman niya atang nahihiya akong pag-usapan ang tungkol doon. Pito kaming magkakakasama ngayon, ako, si Barbs, si Sam, pati 'yong mga kakikilala pa lang namin na sina Brenda, Chianna, Kristia, at Piper.

"I don't know if this is true, ha? Pero may rumor na nagpropose na raw si Caspian sa kanya. Totoo ba 'yon, Amanda?" Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon. Saan naman kaya nanggaling 'yon?

"Uh, no. Saan mo narinig 'yon?" Lahat kami nag-aabang sa sasabihin niya, napatigil pa sa paglalakad, mabuti na lang at hindi kami sa gitna ng hall nakapuwesto.

"'Di ba binigyan ka niya ng singsing? That's where it started. Of course, I didn't believe that. Kahit wala akong boyfriend alam ko naman ang tungkol sa mga promise ring na ganyan." Bigla niyang pagbawi sabay tingin sa singsing ko. "Bakit ko ba kasi nasabi bigla 'yon? Anyway..."

Hanggang nakarating kami sa klase ay nag-uusap pa rin sila. Sa bandang harapan kami naupo, laking pasalamat ko nang saktong pag-upo ni Barbs ay nalayo ang topic. Madalang akong magsalita dahil tinatantiya ko pa ang mga timpla nila.

"Anyway, the name Amanda is kinda long. Can I just call you Mandy? You can call me Chia, short for Chianna." She smiled at me and that, says everything! She's cute and super friendly. She has this positive vibe that can make you smile too.

"Sure, Chia." Ang cute din ng nickname niya.

We chatted until the professor came. Ganon din sa sumunod pang klase.

"How do you feel about your first day?" I leaned on Barbs shoulder. Tapos na ang klase namin at nagkayayaan pa silang gumawa ng assignments sa isang Study Hall.

"Ayos naman, kaso first day pa lang ang dami nang binigay na assignment." I pouted as I reminisced those days wherein we will just introduce ourselves, have a small talk, have pretest and a little bit of discussion about rules and regulations inside our school during the first day. College life is shocking. Lalo na siguro kung nasanay kang magpakasarap.

"Kaya nga tayo sabay-sabay na gagawa ng homework." Bigla akong napaangat ng ulo nang maalala ang mga kasama ko kaninang umaga.

Hindi ko alam kung anong oras ang uwian nila, lalo na si Kuya! Paano ako uuwi? Kahit na walking distance lang ang condo ay nakakatakot pa rin dahil sigurado, madilim na akong makakauwi.

Nilabas ko ang cellphone at hindi na ako nagulat sa dami ng missed calls at texts galing sa kanila. Inuna ko ang text ni Caspian.

From Caspian:
I'll be studying at Gokongwei after class.

From Caspian:
Ako na lang maghahatid sa 'yo pauwi?

From Caspian:
Your brother's here too.

"Guys, saan 'yong Gokongwei?" They looked at me, a bit surprised. I know! Aside from being bad at names, I'm also bad when it comes to remembering places. Sinabi sa amin kung saan makikita iyon pero hindi ko talaga maalala.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon