Chapter 32

103 9 0
                                    

Ring of Promises

Chapter 32

Sumungaw siya sa pinto at tuwang-tuwa kong pinakita sa kanya ang bathrobes.

"Take your time. Nasa kaliwang shelf ang mga toiletries." Sabi niya saka sinarado ang pinto.

Tinanggal ko muna ang aking lipstick pagkatapos maghubad bago pumunta sa ilalim ng shower. I started to put shampoo on my hair after that, body soap then I rinsed myself. I probably smell like Caspian now.

Sinuot ko na ang isa sa mga bathrobes niya. Lumabas na bitbit ang hinubad na damit. I'll just wash and dry it up on the dryer.

"Caspian?" I called. Wala siya sa kuwarto kaya lumabas ako. Binuksan ko ang dalawa pang kuwarto pero wala rin siya roon.

Where is he? Pinuntahan ko rin ang common bathroom niya pero wala rin siya. Nakakunot ang noo ko habang sinasalang ang damit sa washing machine. Iniwan ko 'yon at kinuha ang cellphone sa kuwarto ni Caspian. Pabalik na sana ako sa laundry room nang pumasok siya, bitbit ang isang backpack.

"Saan ka galing?"

"Kinuha ko sa sasakyan 'to." Inangat niya ang bag para ipakita sa akin. "Damit ko ang mga 'to, puwede mong isuot ngayong gabi."

I nodded at him. "I used your laundry room." His forehead creased.

"You can just ask me to do it." Natawa ako sa kanya. Ask him to wash my underwear? No. Never.

"Here," inabot niya ang bag sa akin.

Nagpaalam siyang maliligo na, hinalungkat ko naman ang binigay niya. May dalawang t-shirt, shorts, pantalon, boxer, at isang pares ng itim na medyas. Kinuha ko itim na v-neck shirt at pinagpatuloy na ang pagpapatuyo ng damit.

Wala pang isang oras simula nang dumating kami rito ay natuyo na ang nilabhan kong damit. Nagpalit na ako at binitbit ang bag patungo sa master's bedroom.

"Tapos ka na agad?" Gulat kong tanong dahil nagpapatuyo na siya ng buhok gamit ang tuwalya. Inabot ko sa kanya ang hawak para makapagbihis na rin siya.

Umikot ako sa kabilang side ng kama. Kahit basa pa ang buhok ko ay nahiga na ako. The bed was so comforting. Parang inantok agad ako pagkahiga ko.

"Are you sleepy?" Nilingon ko siya. Hindi pa rin siya nagbibihis. Humarap ako sa gawi niya at tiningnan ang likod niya.

"A bit," I whispered. Nanlaki ang mata ko nang tumayo siya, binaksak ang tuwalya sa bedside table, tinanggal ang bathrobe at humarap sa akin. Dahil hindi dim ang ilaw ay nakita ko ang ulo hanggang hita niya! Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawang pumikit o magtalukbong, nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

I can't help but to groaned in frustration. Hinila ko ang blanket hanggang sa matakpan ang ulo ko. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang tunog ng bumukas na zipper ng bag.

"Anong gagawin mo bukas?" Tanong niya.

"Uh, study?" Sabado naman bukas at walang pasok, wala ring activities na naka-schedule bukas ang aming organization kaya baka mag-aral nga lang ako.

I heard another noise from a closing zipper. Tapos na sigurong magbihis. Lumundo ang kama, nahila ng kaunti ang kumot nang mahiga siya.

I peeked between space of the blanket and my arm. He was facing me, his left arm was folded and he's head was leaning on it.

"Come closer,"

Tumaas ang kilay ko pero sinunod ko ang sinabi niya. I closed my eyes when he put his lips on mine. His right hand raked my hair and it rested on my nape. Nilagay ko ang palad ko sa kanyang dibdib para tumigil panandali. Pinagbigyan niya akong lumanghap ng hangin pero agad ding siniil ng halik.

Ring of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon